MBFR : 6

401 86 88
                                    

EPISODE 6 : SO IS THIS LOVE?

I repeated the same thought.

Did I just fall for him?

Baka na-attached lang ako sa kaniya dahil tinulungan at ipinagtanggol niya ako.

Baka na-attached lang ako kasi bukod sa ma-itsura siya ay nakikita ko ang kabaitan niya.

Baka na-attached lang ako kasi naranasan ko sa kaniya ang mga bagay na hindi ko naranasan sa iba.

I'm just attracted because everything he did is the first time for me. Those butterflies in my stomach are just a palisade of weathering new things from him. But isn't an attractive word the other definition of liking?

I shrug my head to omit the thought that's circulating in my head. I get off on my bed and approach to look into the mirror.

Again, I saw my reflection. I caress my chubby cheeks and plops my both arms sideward, it was flabby like it's always been. My waistline was almost at 35. My fats always affect my breathing and that view rouses me up to certainty.

Hindi imposibleng magkagusto ako kay Clyde pero ang mas imposible ay ang magustuhan niya ako.

Kahit sa'ng anggulo naman tingnan ay hindi kami bagay.

Napabuntong-hininga ako ng malalim nang maisip na may punto ang sinabi ni Gabriele pero hindi ko alam kung kaya kong sundin iyon.

Pwedeng masira si Clyde dahil sa akin pero nasanay na kasi ako eh. Nasanay na akong nandiyan siya. Nasanay na akong edepende sa kaniya ang bagay na hindi ko kayang gawin, lalong-lalo na ang ipaglaban ang sarili ko sa iba.

When I'm with him, I never feel too low. I can freely express myself to him and he'll never judge me. I can be myself whenever I'm around him. I think I can earn my confidence with him. He made me feel worthy, valued, and accepted. Mga bagay na hindi ko naranasan noon.

I'm stuck between giving distance to him or continuing to continue accommodating him, but life is full of unexpected possibilities and I want to experience those possibilities.

I'm sucked into thinking about concurrences and predispositions.

I want to try new things; I want to try how far I can run.

Isang katok ang pumukaw sa malalim na pag-iisip ko, "Lauryn, lumabas ka na diyan at kakain na tayo!" sigaw ni mama sa labas ng aking kwarto.

I fix myself and smile bitterly in front of the mirror.

"Susunod na po ma!" sagot ko sa kaniya.

"Kamusta araw mo anak?" tanong ni papa pagkaupo ko.

Sumalin muna ako ng tubig sa aking baso bago siya sinagot, "Okay naman po, pa. May upcoming performance task po kami."

Palagi ko 'tong ginagawa, every time na magtatanong sila kung kamusta ang pag-aaral ko ay okay lang ang palagi kong tugon.

Ayokong mag-alala sila sa'kin, ayokong madagdagan pa ang iniisip nila. Sana lang ay pwedeng e-fast forward ang taon para agad akong maka-graduate.

"Eh 'yong quiz mo? Kamusta ? Mahirap ba ang mga questions?" tanong naman ni mama habang nagsasalin ng tinolang manok sa maliliit na mangkok.

Tumango ako, "Okay naman, ma, may mga hindi ko nasagutan pero almost naman ng ni-review ko ay lumabas," pagsisinungaling ko sa kaniya.

Hindi niya alam na nagkaroon ng gulo sa araw na iyon at ang masaklap ay nasundan pa.

Nakontento na si mama sa mga sagot ko at tumabi na sa'kin.

Napatigil siya nang mapadako ang tingin niya sa kaliwang braso ko, "Ba't may pasa ka? May nangyari bang masama sa'yo?" bakas sa tinig niya ang pag-aalala.

MY BIG FAT ROMANCE [under major revision]Where stories live. Discover now