MBFR : 16

196 42 95
                                    

EPISODE 16 : A STAR THAT FLICKERS BEHIND

Nakatingin lang ako sa puting panyo na inilahad ni Gabriele sa akin. Kinuha niya ang kamay ko at siya na mismo ang naglagay doon.

Nasa malapad na oval kami, wala na ang mga estudyante dahil nasisikop na ng dilim ang kapaligiran. Naka-upo kami ngayon sa damohan at walang humpay pa din sa pag-agos ang aking luha. Magang-maga na din ang mata ko at siguradong mukhang puyat na si Majimbo ang itsura ko ngayon.

Tahimik pa rin si Gabriele habang nakatingin sa kalangitan. Ang maliwanag na buwan ang nagsilbing ilaw namin at ang mga bituin ay ang mga kandilang nakatirik sa patay kong puso. Pinunasan ko ang aking mukha at siningahan ang panyong binigay niya dahil kanina pa tumutulo ang aking sipon.

"You don't have to say anything. If you want to burst into tears, cry it out. I may not alleviate you and soothe the misery that's surging inside, but I desire you to feel that you're not alone." Basag nito sa katahimikan na bumabalot sa pagitan namin.

Tiningnan ko siya kahit malabo na ang paningin ko dahil sa luha, nakatitig pa rin ito sa kalangitan.

Hindi ko na alam ang gagawin upang pigilan ang sarili sa pag-iyak, "I'm not okay," hindi ko mawari kung saan nagmula ang lakas ng loob ko upang iparating sa kaniya ang tunay na nararamdaman, "Tanggap ko naman eh. Alam ko naman noong una pa lang eh. Pero bakit ang sakit pa rin? Kahit anong pilit kong kumbinsihin ang sarili na hindi ko dapat ito maramdaman ngunit bakit mas lalong lumalalim pa rin?" Naipikit ko ang aking mata dahil nararamdaman ko na naman ang pamilyar na kirot.

Hinila niya ako palapit sa kaniya upang bigyan nang mahigpit na yakap, dinama niya ang aking likod at marahang tinapik iyon at doon na ako napahagulhol, "Ang sakit Gab. Naniwala ako eh. Ang bobo-bobo ko para isipin nasa isang pahina ng libro lang kami." Gumagalaw na ang balikat ko dahil sa pag-iyak. Gustong-gusto ko saktan ang sarili ko upang maiwasan ang sakit.

"You should not allow anguish to plunder over you, Lauryn. There are so many things to look forward to, don't let pain make you lose your confidence, don't let it lose you," he affirmed while stroking my back with his delicate palm.

"Can you look above?" Sambit niya. Tumingala ako at pinunasan ang aking pisngi. Nabasa na din ang white polo shirt niya dahil sa pag-iyak ko. Alam kong hindi lang luha ang nadikit doon.

"See? There are so many stars in the sky that illuminate the night. You didn't detect it because your eyes were concentrated only on the moon. The validity is, hindi lang naman ang buwan ang kayang magbigay ng liwanag sa gabi. May mga bituin din na umiilaw upang mapansin ng mga mata natin pero hindi natin iyon nasisilayan dahil nasilaw tayo sa liwanag na dulot ng buwan." Tumulo na naman ang luha ko hindi dahil masakit kundi dahil hindi ko naiintindihan ang mga inu-usal niya.

"Bobo ako sa constellation. Pwede bang ibang topic na lang?" tugon ko sa sinabi niya.

Pinagmasdan ko ang kagandahan ng kalangitan. Ang tanging nakikita ko lang ay ang mukha ni Clyde na nakapaskil doon sa buwan. Para siyang buwan kasi ang hirap niyang abutin. Pwede ko siyang tanawin mula sa malayo pero hindi ko siya pwedeng yakapin.

Para siyang cactus na bulaklak na kapag niyakap ko ay sugat lang aking matatamo. Para siyang rumaragasang sasakyan na kapag pinipigilan ko masasagasa lang ako.

Dinig ko ang marahas na pagtawa ng katabi, "Don't focus on somebody that doesn't see your worth. Huwag mong ipilit ang sarili mo sa taong hindi ka gusto dahil may taong titignan ka sa paraan na hindi niya kaya. Lahat tayo deserve na mahalin at tanggapin, hindi basehan ang mukha para makita ang halaga ng isang tao."

Naluluha akong tumingin sa kaniya. Noong bata pa kami siya ang laging nagtatanggol sa akin. Palagi niya akong binibilhan ng dirty ice cream kapag umiiyak ako. Sabay kaming tatakas sa bahay at sabay din kaming papaluin ng mga magulang namin. Naalala ko nung grade school kami may dumapong ipis sa kamay niya at natae siya sa shorts niya dahil sa takot.

MY BIG FAT ROMANCE [under major revision]Where stories live. Discover now