MBFR : 15

229 47 90
                                    

EPISODE 15 : FLOWERS DO WITHER

After our performance, we left everyone amazed but the jealousy is still transparent in the eyes of most girls. They always dreamed of being with the school's stunning basketball players. Everyone has the chance to witness how great they are but only a few who have been given a chance to be this close to them and I considered myself lucky to perform with them on this stage.

I mean, who would expect? that they still manage to save me from embarrassment. We should not let our minds be occupied by one thought without discovering the other side because there are a lot of people who have good looks out there but it's rare to meet those who have gold hearts.

Isang ngiti muna ang iginawad ni Clyde sa akin bago lisanin ang stage, hindi naman pwedeng ipagpatuloy ang aming titigan contest dahil may susunod pa na mag-peperform.

Kinuha ko na ang aking cd at bumaba na sa hagdan na nasa kaliwang bahagi ng stage. Nadaanan ko si Emily at Carol na ngayon ay mapait ang timpla ng mga mukha, kita ko sa gilid ng aking mata na nagbulongan sila ngunit hindi ko na iyon pinag-aksayahan pa ng oras.

Nang tuluyan na akong makababa saka ko na lang sila taas-babang tiningnan at binigyan ng isang nakakalokang ngiti.

Hindi ko man na tingnan ang naging reaksyon nila subalit alam ko sa sariling nagtagumpay akong mapa baluktot ang kanilang mukha. Binilisan ko ang hakbang upang maabutan si Clyde, hindi ko pa siya napapasalamatan sa tulong niya pero alam ko naman na hindi lang pagpapasalamat ang hinahangad ng aking puso. Hindi na din ako nag-abalang manood dahil sigurado akong aabot hanggang hapon dahil apat na po't dalawa ang magtatanghal.

Kusang nalaglag ang balikat ko nang maabutan si Fin at Levi. Bumuntong-hininga ako, bahala na si batman pero kakapalan ko na talaga ang aking mukha, kailangan ko talaga makita si Clyde ngayon.

Hindi ko kayang e-explain, parang nilikop bigla ng pag-alala ang aking pagkatao. Kita ko rin na may kakaiba sa mukha niya kanina, kahit itago niya man ito sa kaniyang ngiti alam kong may mali.

"Excuse me, pwede ko bang malaman kung nasaan si Clyde?" tanong ko sa dalawa na ang pansin ay nasa stage.

Napalingon naman sila sa akin, naiyukom ko ang kamay dahil sa hesitation, pero wala, desperada na talaga akong malaman kung okay ba talaga siya.

Nagkatinginan muna sila sa isa't isa, "He's in the clinic, he's not feeling well," sagot ni Levi sa akin.

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig, tumango lang ako sa kanila bago mabilis na tumakbo patungong clinic. Lumabas ang pagka-runner ko dahil sa nalaman. Pagkain lang talaga nakakapagpatakbo ng mabilis sa akin noon, hindi ko akalain na tatakbo ako ulit ng matulin hindi na para sa pagkain kundi para sa isang tao na.

Kulang na lang ay umabot sa sahig ang dila ko dahil sa paghingal ngunit hindi ako tumigil sa pagtakbo hanggang maabot ko ang clinic. Nawala na din sa isip ko ang magtanong sa nurse-in-charge dahil sobrang alalang-alala ako sa kaniya. Nang makita ko ang kobre kama ng clinic ay hindi ako nag dalawang-isip na hawiin iyon.

"L-lauryn, you shouldn't be here, may progr---" hindi niya natapos ang sasabihin nang dinama ko ang kaniyang noo.

"Nakainom ka na ba ng gamot? Jusko! Clyde ang init mo!" na-uutal na sambit ko dulot ng sobrang pagkabahala. Kung ito talaga nagkasakit dahil sa pagligo namin kahapon sa ulan ay hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

Maputla ito ngunit nakuha niya pa rin ngumisi, "I'm always hot, you know,"napatakip ito sa mukha dahil binato ko siya ng unan.

"Nakuha mo pa talagang mag-joke sa lagay na 'yan?!" singhal ko sa kaniya, wala siyang alam kung gaano ako nag-aalala!

MY BIG FAT ROMANCE [under major revision]Where stories live. Discover now