Chapter 19: Annaphase II

64 3 1
                                    


Do you ever feel like time is blissful and faster whenever you are happy?

"You are freaking out, Monique. Calm down." Nakangising saad ni Rahim habang inayos ang salamin niya gamit ang kanyang braso dahil hawak niya ang iPad kong kakabato ko lang sa kanya. Hindi ko napigilan ang bigyan siya ng matalim na titig dahil tila natutuwa pa siya nangyayari sa akin.

"Just check the list! Pakiramdam ko ay mababa ang grades ko Rahim!" Sigaw ko ulit sa kanya na kanyang inilingan naman. He slums his huge frame right beside me na naka lugmok sa sofa, pakiramdam ay katapusan na ng mundo! I'm literally freaking out, actually. Our school had already sent out emails that contain the list of graduates of our batch. At kapag wala ako doon, baka hindi ko na lang alam ang gagawin ko sa buhay ko, magiging tuod na lang ako!!!

"You are one of the most hardworking person that I know, Monique. Hindi pwedeng hindi ka kasama sa listahan." Kahit pa anong kumbinsi niya sa akin ay hindi pa 'rin ako mapanatag. Parang nag-flashback sa akin ang pagiging shaky ko noong first year college at ang pagiging mediocre students ng second year ko. Kaya lang naman ako napasubo ng sobra sa pag-aaral ay dahil naisasabuhay ko na ang pagiging studious ni Rahim! I don't really know if that is a good idea! Alam ko lang ay hindi mataas ang grades ko noong naunang dalawang taon!

"Sabihin mo! Andyan ba ang pangalan ko?! I swear, Rahim—" hindi ko na natapos ang sasabihin ng sakupin niya na ang labi ko ng may ngiti. His kiss is tender and soft, a small chuckle got out of him na mas lalong nagpainit sa gilid ng mga mata ko. I close my eyes as he lean closer to me, savoring the light kiss more. Nang humiwalay ang mga labi namin ay nakita ko pa rin ang bakas ng ngiti sa kanya, his dark eyes reflected on mine like, his iris like the full bright moon illuminating happiness in me.

"Congratulation, my future doktora." Hindi ko na napigilan ang luha ng sabihin niya iyon. I immediately jump to him and embrace him with the warmest hug that I could ever give him. His laughers roar all over the room at naramdaman ko pa ang bahagyang pag-iling at paghalik niya sa gilid ng aking ulo.

"Gra-graduate ako. Makakapag med school ako. M-Magiging doktor a-ako." My stuttering voice is so soft and broken as I whisper those words in his ear. Naramdaman ko ang bahagyang paghigpit ng yakap niya sa akin. Hindi ko maipagkakaila ang init sa puso habang yapos niya ako ng mga sandaling iyon.

It's really happening! We are slowly reaching our dreams! Together! Together as a couple! Hindi ako makapaniwala na sa sobrang layo ng personalidad namin sa isa't isa. Siya at siya ang makakasama kong bumuo ng magiging hinaharap ko, namin.

I just want to cry out how happy I am to be bless with a man like him. Ibrahim Gregorio! Wala ng papantay sayo sa ginagawa mo!

"You can drive me to school today, we will celebrate once I got home. Uuwi ka ba sa inyo bukas? Your mother called me and said na kulang na lang dito ka na tumira." The mischievous smirk on his face ay ang nagpahampas sa akin sa braso niya. His manly laughters resurfaces again na madalas na niyang ginagawa. Could you believe it?! Kung ang simpleng pagsagot nga lang ng maayos ay hindi niya magawa sa akin, ngayon ay tinatawanan niya na ako! Napaka!

"My mother is a hypocrite! Favorite ka niyan! Ikaw talaga ang anak ng mama ko!" Naiiling kong saad dahil noong nakaraan lang ay naalala ko pa ang sabi ng ina na ayos lang na dito muna ako sa condo ni Rahim. My father is hesitant at first, of course. Pero noong kinausap niya ng masinsinan si Rahim ay pinayagan din naman niya ako kalaunan and because they are both very busy dahil balak ni mama mag-expand ng shop outside Metro Manila ay dito na lamang ako naglagi dahil wala akong kasama sa bahay.

"Go home tomorrow. Uuwi yata sina Tita for a few days so you should stay at your house for a few days. Dadaan na lamang ako roon kapag tapos ng klase ko." Ngumuso naman ako dahil sa narinig. See, my mother even informed him na uuwi na sila! Samantalang ni hindi niya nga lang ako sinabihan ng kahit ano! Ever since naging official kami ay kulang na lang kupkupin siya ni mama. It's like Rahim is their lost son! Alam ko naman na they are longing for my brother and I'm happy that they can direct their attention with Rahim. Kahit magkaibang-magkaiba sila ni Kuya Dom.

How Do We Live?Where stories live. Discover now