Chapter 15: Prophase II

63 2 0
                                    

You know when they say time flies? It really did sometimes.

"Nica, thank you! Hindi pa naman ngayon ako magsta-stay dito. Sinabihan lang ako ni mama na magsabi na sayo. Hindi naman ako pwedeng makituloy kay Arya." Natatawa kong sabi habang nakagat sa chicken burger ko. Tinaasan naman ako ng kilay ni Arya habang nagno-notes sa gilid. Even though alam kong medyo shaky ang relasyon nila ni Veriane, I still need to give them their private space.

Mahirap na't minsan ay nahuhuli namin sila ni Aryanna na nagma-make out sa sala habang papasok kami. Hindi naman kasi nagsasara ng pintuan.

Naalala ko tuloy ung isang topic namin about hormones and how it affects are whole body in general. It's the other part of our body na siyang nagsi-signal ng mga responses natin other than the nervous system. And I guess, madalas kay Arya sobra siya sa oxytocin and all the love hormones. But the thing is, the more love hormones the body produce, mas ramdam mo ung bigat ng sakit afterwards if something goes wrong.

Still, I'm supporting Aryanna in everything that she will do.

"Samahan niyo ko sa Divisoria, a. Sa Saturday." Saad niya ng lingunin kami.

"Di kayo sasama mag-bar sa akin after that night? Seryoso na iyon?" Agad ko siyang sinamaan ng tingin dahil sa sinabi niya.

"Sabi ko naman sayo Annica tigilan mo na iyan, e. Akala ko ba dating ulit kayo ni Cap?" tanong ko na ikinairap niya lamang.

Seriously? Hindi ko alam kung anong up-front ang meron sila noong aeronautical engineer niyang kalandian ngayon but they keep on coming back to each other after months of long breaks. Ang weird. Para silang on-and-off. Minsan nakikita ko na lamang na tulala si Annica sa harap ng mga coding niya. I'm not sure kung dahil ba ito doon sa ghoster niyang lalaki o dahil sadyang nakaktuyo ng utak ang encoding.

"So kita na lang tayo sa Recto, a." Saad ni Arya bago itapon sa malapit na basurahan ang cup ng kape niya. Kalalabas pa lamang naming ng Mcdo sa tabi ng school namin.

"Gagawin mo sa Paranaque, Nica? Villamor?" Tanong ko habang sinisilip ang phone ko. I already saw one text from Rahim na andoon na raw siya sa Starbucks.

"Titignan ko kung pwede na ba ko lumipad, sis. Change of career." Hinampas ko naman siya ng bahagya habang tinatawanan niya naman ako.

"Mag-ingat ka, a! Gamitin mo na kasi ung kotse ko! Mag-LRT naman ako. Diyan lang ako sa may Central, o!" Pilit ko pa sa kanya at inabot iyong susi.

"Sige na, Annica. Huwag na ma-pride. 'Di ka maganda. Incase na indian-in ka na naman ni Cap. Makakauwi ka ng buhay." Mapang-asar na sabi pa ni Aryanna. I can see how Annica's face automatically went bitch mode. Kaya naman agad na lumayo sa kanya si Aryanna.

"Galit na galit. Ganyan ba kapag walang dilig?"

"Putang ina mo, Aryanna Gayle! Feeling dilig ka, girl? Magka-away kayo, remember?!"

"Annica!"

Agad naman siyang tinaasan ng dirty finger ni Aryanna bago humalik sa pisnge ko.

"Bye, bitch. Nawa'y 'di ka na ulit ma india." I can hear Annica's groan over Aryanna's remark kaya naman inis na inis siyang bumaling sa akin.

"Kapag na ibangga ko kotse mo, si Aryanna ang may kasalanan, a. Sana may insurance, 'yon. Wala akong pambayad." Makahulugan niya pang sabi. Hindi ko napigilan ang panlalaki ng mata dahil sa pagbabanta niya.

"Annica Rianne! Huwag ang kotse ko!" She just smiles sweetly at me bago tuluyang halikan ang pisnge ko at umalis na sa harapan ko.

I was left in awe after my two bestfriends went away with all those words in front of me. Minsan hindi ko talaga alam bakit ko sila kaibigan!

How Do We Live?Where stories live. Discover now