Chapter 10: Hydrophobic

62 3 0
                                    



"Don't stare at me." Napapitlag ako sa sinabi ni Rahim kaya naman agad akong tumuwid ng upo at inayos ang iilang takas ng medyo kulot kong buhok pabalik sa aking tenga sa hiya sa kanya.

Kinurot ko pa ang ibabang parte ng tenga  ko dahil sa hiyang nararamdaman sa sinabi niya.

'Di ko naman siya tinititigan ng sobra!

Inirapan naman niya ako while continuing to tap his fingers on the plastic table in front of us.

Hindi ko akalain na dito niya ako dadalhin  sa Maynila all the way from Katipunan. I look at him again at ang iilang takas na buhok mula sa maayos nitong pagkakaparte sa gitna ay bumabagsak sa bilog niyang salamin.

Mukha siyang korean actor na may magandang loaf apartment at galit sa ama niya. Ganoong datingan.

Ang amoy ng faniliar na fast food chain na ito ang mas lalong nag papakalam ng sikmura ko. It's already past six in the evening at ngayon ay nakikita ko na ang magse-serve ng pagkain namin.

Ipinaluto pa kasi ni Ragim ang double-piece burger steak niya. Gusto niya daw kasi na mainit iyon habang ako naman ay bumunot na sa fries ng mailapag ng server iyong pagkain. Agad akong nagpasalamat at nginitian ang staff bago siya umalis sa harapan namin.

I studied Rahim as he places my orders in front of me with a weird and OC manner. Ang chicken joy with rice ay i-pwinesto niya ng maayos sa harapan ko. Ang sundae at softdrinks sa kanang bahagi ko at ang fries sa kaliwa. Nakita ko pa kung paano niya kinuha ang mga kubyertos ng nakabalot sa tissue at iniabot niya sa akin.

After niyang gawin iyon ay sarili naman niyang pagkain ang pinagtuunan niya ng pansin. I just secretly glance over him on my side habang ginagawa niya iyon sa kanya. He even carefully wipe the utensils with the tissue before magsimulang kumain.

Grabe! I feel so balahura when he did that! Kumakain lang kasi ako pero siya parang may ritwal pa!

I started eating silently beside him. Minsan ay magtatama ang mga siko o braso namin sa tuwing gumagalaw. He's very space consuming with that huge built. Hindi man ako sobrang payat ay hindi ko naman nasasakop ang space niya but with his frame, he is a very invasive person with that kind of body. Hindi ko maiwasan na unusod upang hindi lang kami magtama.

I just have serious problem with personal space every now and then.

"I'm not going to study at your mom's cafe anymore." Natigil ako sa pagsubo ng isang kutsarita ng ice cream ko ng sabihin niya iyon.

May parte sa akin na nalungkot dahil hindi na siya doon mag-aaral. Wala na akong bibilangan ng good deeds!

"Bakit?" Tanong ko. Pero gusto kong idugtong kung nakukulitan na ba siya sa akin at pakiramdam niya ay bumubuntot na ako sa kanya.

Hindi naman! Siya itong nag-aya sa akin dito, no!

"Your mother is always lurking at us from the counter. You are her carbon copy, you both like staring." Para akong namula dahil sa sinabi niya. Sinamaan ko naman agad siya ng tingin dahil sa binanggit niya.

"My mother is just... a little bit protective." I said pero mukhang hindi naman siya naniniwala.

"I'll be studying in the adjacent coffee shop of this fastfood." Hindi niya naman ako tinignan pero agad dumiretso ang tingin ko labas ng fastfood chain.

Teka ano ung adjacent?!

Thanks to the glass wall ay kitang-kita ko na agad ang Starbucks sa kabilang parte ng kalsada sa makalumang porma nito.

"Ang layo naman. From Manila to Katipunan?" Tanong ko pa. He just shrugs at me kaya naman hindi na ako nagsalita muli.

"It's more convenient for you. From taft to here." Nanlaki ang mata ko at pakiramdam ko umakyat lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinabi niya. Agad ko siyang pinaningkitan ng mata at itinuro sa kanya ang kutsaritang hawak ko.

How Do We Live?Where stories live. Discover now