38: Guitar

220 15 0
                                    

Malamig ang simoy ng hangin, nagsasayawan ang mga bulaklak sa hardin, at malapit nang magsi-labasan ang mga bituin.

Nakaupo ako ngayon sa bangko, kasama si Chris at Jane. Oo, itong dalawang to. Malapit na ang bakasyon, pinagiisipan na namin kung saan kami lalakwatsa. Haha.

"Diba napag-usapan na yan nung nakaraan?"

"Eh nakalimutan nga."

"Sa tingin ko sa... sa ano yun eh..."

"Diba, nakalimutan mo rin. Isip pang iba. Gusto ko yung maaliwalas."

"Beach?"

"Sure, beach. Ikaw, Gianna? Kanina ka pa tulala." Pansin sakin ni Chris. Hindi naman ako tulala, naririnig at naiintindihan ko naman sila. Iniisip ko lang kung nasaan na kaya si Mads? Hindi nya pa nasasagot yung sampung missed calls ko sakanya. Pfft. Nag-aalala ako eh.

"Ito naman si Gia, akala mo di na makakauwi si Mads. Uuwi yun, sabi nga bibili lang ng makakain oh." Irap pa ni Jane.

Hay.

Sabagay, bago pa lang sila ng girlfriend nya.

At oo nga! Isa pa yun na nagpagulat sakin ng bongga. Hahaha! May girlfriend ang gaga. Shems, akalain mo yun, kahit napaka-pasaway at kulit ni Jane, may nagkagusto pa rin sakanya? Hahaha!

Wala lang, nakaka-proud. Para akong proud ate. Haha!!

"Ngiting-ngiti ka dyan?" Pagtataka ni Chris.

"Ah! Wala. Naiisip ko lang kung ano magiging relasyon ni Jane at nung gf nya." I nodded while grinning.

"Sweet kaya yun." Jane said while pouting.

"Talaga?"

"Yeppy." Mukhang masaya talaga sya kay Jaz.

"One week pa lang kami, but I felt it like forever."

"Baliw." Tawa namin ni Chris.

"Totoo kaya! Ganun rin naman naramdaman mo nung bago kayo ni Mads diba!?" Umirap pa nga.

"Nah. I'm more like... happy. Kasi alam kong walang forever."

"Sumbong kita may Mads."

"She knew I never believed in forever."

"Alam nyang bitter ka?"

"Hindi naman sa bitter. But I think.. wala talagang forever unless ikakasal ako sakanya."

"To whom?"

"Mads. Sino pa ba? Gusto mo sayo? Swerte mo naman."

"Aba! Ang kapal!"

"Mga leche, respeto naman sa single!"

Nagsi-hagalpakan kami sa tawa. Nahinto lamang nang mapansin nilang may bitbit akong gitara.

"Patugtog ka nga. Gusto namin marinig boses mo, yiiiiiiiieee!"

"Hindi ako kinilig kasi maganda naman talaga boses ko."

"Aysos, nasobrahan na sa kapal."

"Totoo naman diba, Chris?" Ngumuso ako kay Chris. Tumango lang sya kasi kung di sya sasang-ayon, ihahampas ko tong gitara sakanya.

Nyah. Biro lang.

"Ano papatugtugin ko? Request kayo kanta. Second voice ka Jane, yun lang naman bagay sayo."

"Sira. Pang-contest tong boses ko noh."

"Dali na! Ang daldal!"

"Ikaw tong ano eh! Sige nga, yung I love you, you love me."

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon