42: Broken Jane

290 15 1
                                    

I went back to the library recently. Kasama ko si Jane, si Mads naman at Chris— well, I still trust Chris. Nasa park sila malapit dito sa pinapasukan namin.

"Kailan mo pa nakahiligang magbasa kasi ng women's magazine?" Jane scoffed.

"Wala." Maikling sagot ko habang kumakain ng ice cream. Now I really think of it. Haha, kailan ko nga ba nakahiligan..? Kahapon lang naman ako nagbasa. Hindi ko kayang itanong kay Mads kung pwede ba syang magsuot ng... ng maid's outfit, ng two-piece, at kung ano-ano pang nakita ko dun. Duh, nakakahiya rin noh kaya 'nagbasa' na lang ako. Haha! Sinabi ko kasi sakanya yung nangyari pero hindi yung 'nangyari' samin ni Mads.

Bumuntong-hininga lang si Jane. Naupo kami sa bakanteng upuan at nagkwentuhan about sa girlfriend nya, of course. I want to know wtf happened to them.

"May ikukwento ako." Hindi mapakali si Jane sa kinauupuan nya. Kaharap ko lang sya at parang kinakabahan.

"Ano?"

She looked at the other side, worried. Ano na naman kayang pasabog na kwento nito?

"Bakit?" Pagtatakang tanong ko ulit. JUST TELL ME THE STORY, WHAT THE HELL.

"Galit ka ba..? A- ayos lang kahit hindi ko muna ikwento, baka mabadtrip ka lalo." She even stuttered.

What in goddamn—

"Ayos lang. Ikwento mo na, hindi ako badtrip." Mukha ba akong badtrip? Just because I'm not smiling since morning?

"Okay. Kasi.."

"Kasi ano?"

"Wag mo nga akong madaliin! Natetense ako!" Medyo napalakas boses nya kaya halos itampal ko sakanya tong kamay ko. Ang tahimik sa library, tapos umalingawngaw yung boses nya. Tinignan tuloy kami ng librarian!

"Ano nga?" Inis na sagot ko. Hmp. Napaka-ingay talaga nitong babaeng 'to.

"Sorry." She murmured to the librarian. Humarap na sya ulit at nag-umpisang magkwento.

"Kasi.. Gia, yung girlfriend ko,"

"Ano nangyari?" Seriously, kanina pa 'to.

"Uhm.. kasi.. kasi may nangyari sa amin."

I was shocked, nanlaki agad ang mga mata ko. And what would be the next? Nabuntis nya? Ha! I know she's just kidding around.

"Oh?"

"Maniwala ka. May nangyari sa amin, at..."

"At ano?"

"May.. naging boyfriend din sya, at may nangyari din sakanila." Her voice changed so quickly. Pakiramdam ko, konti na lang, bibigay na sya.

I can see her eyes clearly, her eyes are watery. Tumitingala lang sya para hindi ito tumulo.

"Then..? Kailan ka pa nya niloloko?" I sat back and crossed my legs. Nag-halukipkip na rin ako, I got curious to what the fuck happened next. Akala ko kasi nagbibiro lang sya, pfft.

"Hindi ko alam, Gia.." Napayuko na sya sa lamesa at humikbi na. God, she's crying a bit loud.

"Anong ginawa mo? Baka may nakita syang maling ginawa mo..?" Sabi ko habang hinihimas ko ang ulo nya para tumahan na, I rolled my eyes.

"Wala! Wala naman akong ginagawang masama! Alam nya ang lahat tungkol sakin, sinasabi ko sakanya lahat ng ginagawa at ginawa ko, anong pagkukulang ko!? Lahat binigay ko agad, tapos ganito lang ibabalik nya!?"

I flinched. Aah, her voice.. her voice's breaking my eardrums.

Nag-sorry ako sa librarian at hinila ko na sya palabas. Lumakad na lang kami paalis dun at susunod na lang kami kina Mads sa park para dun nya na rin ikwento lahat.

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon