26: Ring

187 31 0
                                    

Nagising ako ng maaga kanina, wala pa yatang 7am, bumangon na ako. Nasanay kasi akong bumabangon ng 6am para mag-luto ng almusal, at oo ako na pinagluluto ni Mads sa umaga. Haha. Then sya magluluto sa hapon, may desert pang kasama. Nalaglag pa ako sa couch kanina kasi nakaidlip ako, sakit sa bewang. Haha!

Nasa labas kami ngayon, kumakain sa isang fast food, hindi namin dala yung sasakyan at tanging taxi lang ang sinakyan namin papunta dito. Kanina rin bago kami pumunta dito sa fast food, kumain kami sa labas ng kwek-kwek at kikyam, nag-palamig rin kami, it's nice. Pero di kami nabusog dun kaya nandito kami ngayon para kumain ulit. Hahaha.

She looks good with her clothes. Naka-light blue shirt sya, denim shorts, and a pair of sandals. I told her lately she can wear a dress, it suits her well, she looks very pretty, pero di nya sinuot kasi di daw sya sanay sa mga dress. Haha. Pero... di ko naman alam na mas bagay sakanya yung simpleng pananamit. Naka-braid pa yung buhok nya, she did it herself coz I can't do it. Hehe. Gusto nya rin i-braid yung buhok ko, pero ayos na ako sa half-pony. It looks masculine on me, she said. We're both wearing a denim lower garment, naka-polo shirt rin ako na light blue, di ko naman alam na parehas kami ng maiisip na kulay ng upper namin. Haha!

Anyway, walang masyadong pila ngayon kaya nakaorder kami agad at nakakain. Ice cream na lang ang natitira kaya kinain na rin namin. Tambay muna dito saglit, busog na kami masyado. Aaah, nice chicken.

"Mads," I looked at her. "Punta tayong mall, may gusto akong bilhin." Coz I suddenly thought of our cat, si Maddie, gusto ko syang bilhan ng cat toys para di nya sinisira yung kurtina namin sa kwarto. Napunit na kasi yung kurtina dun kakaakyat-baba nya, sobrang hyper nya sa madaling araw, around 2am or 3, di ko alam kung bakit takbo sya nang takbo sa kwarto. Gigising na lang kaming nasa lapag lahat ng hinubad naming damit, nakakalat yung mga medyas na nasuot na namin, nakakalat rin minsan yung tsinelas na pangbahay, sapatos. Pag nasira nya lahat yun, paniguradong couch naman yung pupuntiryahin nya. Haha. So I'll buy her cat toys na lang.

Pagkatapos naming magpahinga, we continued walking outside instead of getting a taxi again papuntang mall, lakad muna kami rito, pang-tunaw sa mga nakain, haha.

"Wala ka bang gagawing school works ngayon, at naisipan mong lumabas tayo?" She asked, grinning.

"Hmm, wala naman. Niyaya ako ni Jane lumabas kasama si Francis, and..."

"And what?"

"I don't wanna go with them. I want to be with you." Napayuko ako sa hiya, napasipa pa ako sa maliit na batong nasa daan habang naglalakad.. why the fuck am I shy...?

Narinig ko syang tumawa ng mahina. "Aww, I love this side of you." Niyakap nya ako habang naglalakad kami. Aaaaaaahhhhhhh!

"A- ah, right... sayo? Wala bang nag-yaya lumabas?" Tinanong ko rin sya. I'm expecting to hear 'yes, Christianna did' but she answered, "None."

Aight, bakit ko ba inisip yun? Haha!

Tinanggal nya ang pagkakayakap nya sakin, hinawakan nya ako sa kamay ng dahan-dahan habang naglalakad kami ng mabagal. Hindi ko mapigilang mapangiti kaya lumingon ako sa kanan ko. Ah, buti na lang walang masyadong dumadaang tao dito sa nilalakaran namin.

My heart's beating so fast! Why the fuck---

"Gia.."

Oh, shit.. lalong bumilis tibok ng puso ko... did I eat too much sweets!?

"Why...?" Napatingin ako sakanya.. hindi ko alam na nakatingin rin pala sya sakin! Nakakaramdam na ako ng pagkapula ng mukha ko!

"Hmm? Bakit ka namumula..?"

Aaaaaaaahhhhhhh! What to say! What to say!

"A- ah! Haha! Ma- mainit kasi, naiinitan ako, haha.." Hindi ako makatingin ng diretso sakanya! What---

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon