44: Vacation (1)

181 5 0
                                    

I woke up from a phone call today.. si Francis yung tumawag. Nagulat nga ako, haha. Pinapag-bihis nya kami ni Mads at... alam nyo ba ang sunod na sinabi nya? Kami na lang ang hinihintay sa labas. Lahat sila naka-ayos na at kami na lang ang bagong gising.

Bakit hindi nya agad sinabi na aalis kami! T-T

"Ano isusuot mo?" Mads smiled at me. Nakakahawa talaga ang maganda nyang ngiti.

"Uh.. floral shirt..?" Tinaas ko yung floral shirt at nag-kibit balikat. Ang obvious ni Mads na gusto nya talagang parehas kami ng damit na isusuot. Hahaha!

Nagmadali kaming maligo at nag-ayos ng sarili namin. Maddie looks so confused.

"Hewoo, Maddie. Dito ka lang, marami ka namang pagkain, magpaka-taba ka hangga't gusto mo. Wuvyu." Then I kissed her tiny forehead. I heard my Madeline's giggle behind.

We ended up with matching shirt. Sa umpisa pa lang na pagpapakita namin ni Mads sa labas, kumaway agad si Jane. Halatang excited sya sa pag-alis. Of course, yes, kami rin. And I hope this will be our happiest moments in our lives.

Nag-renta kami ng sasakyan for.. maybe a week, si Francis ang naka-assign dito, hahaha! Although, marunong naman daw mag-drive si Jane, but she's LAZY, so ended up with Francis driving us to our destination-

Oh wait..

"Saan pala tayo pupunta?" I was confused asking them and they all turned around their head at me with their confused look too.. what in goddamn fu-

"Akala ko ba ikaw may pakana nito?" Ani Jane.

"WHAT!?" I yelled!

"Anong what!? Sabi mo ililibre mo kami!" Hagalpak ni Francis- yo, Francis is laughing hard.

"Akala ko may plano tayo? Mga baliw." Nagtawanan kami nang nagtawanan. Nag road trip na lang muna kami habang naguusap-usap kung saang lupalop ng mundo kami pupunta.

"This is unexpected." Napasandal si Mads habang nangingisi.

"Ako nang bahala." Sabi ko.

"Yan ang gusto ko." Jane bro-fisted at me. The audacity after making me confused, nag-panic kaya ako kasi akala ko may plano sila kung saan talaga kami pupunta! Hahahaha! Well, I'm not that friend na naiinis pag nagkataon na ganito, like what happened to us- yung walang kaplano-plano. Basta aalis lang, at hindi alam kung saan patungo. Hahaha! Mas maganda na yung ganun diba? Unexpected, pero masaya.

We drove until we reached our destination. Napunta kami sa beach, it's really far from our houses, pero ang aliwalas dito at kami lang ang nandito. Well, iilan lang ang tao rito, mabibilang lang sa kamay but I don't want to guess it, it's tiring.

Ang sarap maupo sa pinong-pino na buhangin, tsaka parang ang sarap matulog dito kasi ang lamig, mahangin. Haha! Tumabi sakin si Mads at yung iba samin naglaro ng volleyball, handa talaga sila and I think sa ganitong lugar talaga kami pupunta, hindi lang nila alam siguro kung saang beach or something kaya sinunod na lang namin ang suggestion ni Chris na dito sa beach na ito mag-punta.

"Gia, inom tayo. Ako na sa gin." Niyayaya na naman ako ng demonyo- este, ni Jane.

"Saan tayo mag-iinom?" I asked.

"Dito na. Bibili lang kami, dito lang kayo. Brb!" She even winked while walking away from us. Haha.

Niyakap ni Mads yung braso ko at sumandal sakin. I smiled, kahit nakakain ko na ang buhok nya. Her hair smells nice though.

"Ang sarap din pala ng buhok mo." Natawa kaming pareho.

"Gia,"

"Yes, love?"

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon