30: Surprise!

152 15 0
                                    

I'm right here in front of the class, pinaghiwalay na kasi kami ng prof namin ni Jane. Hindi ko rin alam kung bakit kami lagi ang napupuna ng prof naming 'to, eh andami-dami rin namang madadaldal sa gilid, pfft. May crush yata 'to samin eh. Hahahaha!!

"Binibigay ni Jane." May inaabot sakin yung naging katabi ko dito sa harap, isang crumpled paper.

It... says here.. Bar tayo?

"What the fuck..." I whispered underneath my breath.

I crumpled it again using my hand... baka makita ng prof namin at palabasin na naman kami. Haha!! Kakausapin ko na lang mamaya.

__

BREAK TIME

"Hoy." Binatukan ko si Jane ng mahina—

"Hoy ka rin!" Binatukan nya rin ako— ng may kalakasan.

"Mahina lang yung sakin ah!" Binatukan ko sya ulit, kapareho ng ginawa nya. Nilakasan ko din.

"Nauna ka!" Binatukan nya rin ako ulit.

"Itigil nyo nga yan, para kayong bata." Biglang sumingit si Shane.

Inayos na namin ang mga sarili namin para naman di kaming mukhang tanga lalo. Haha! Naupo kami sa bench, nasa canteen kami at nagoorder si Mads at Chris sa counter. Napagmasdan ko silang dalawa ng wala sa oras. I felt a bit heaviness in my chest.

Ah, hayaan na. Overacting lang siguro ako, am I? Haha.

"Huy, anyare? Natulala ka bigla? Malakas ba pagkakabatok ko?" Jane slid her face to see mine.

"Siraulo, nagtanong ka pa noh?" Umirap ako.

"Ay wow, marunong ka palang umirap?" Tawang pangaasar nya pa rin.

"Umalog utak ko sa pagkakabatok mo." Humawak pa sya sa ulo nya at napapikit.

"May utak ka?" Natatawang pangaasar ko.

"Wew." Tumaray sya sakin. Hahahaha!!

"Anyway, Jane. Bakit nga pala gusto mong mag-bar bigla? May kikitain ka bang tao dun?" Tanong ko habang nakapalumbaba sa lamesa, humihigop ng malamig na tubig.

"Meron."

At ang gaga, ngumiti ng parang walang bukas.

"Aba, may boypren ka na noh?"

"Nope~"

"What? Gelpren?" Gulat na tanong ko pa.

Hindi sya sumagot. Tanging mahihinang hagikgik lang nya ang narinig ko.

"Magsalita ka, para kang mangkukulam tumawa." Sabi kong tumatawa. Natawa rin yung dalawa— si Frans at Shane.

"Ang sama talaga ng ugali mo!" She crossed her arms, making an— something-angry, kinda like that face.

"Aba! Ako pang masama ugali sa ginawa nyo sakin ah!?"

"Tse!"

"So sino nga?" Lumapit pa ako sakanya para sakin lang ibulong.

"Gf nga."

"Bakla ka. Totoo?" Nagulat pa rin ako. Tumango lang sya habang nakangiti.

"Hay! Napapaligiran ako ng mga tibo!" Sigaw bigla ni Frans. Hahahaha!!

Nagtinginan ang ibang estudyante samin.

"Oh, Shane. Baka pati ikaw may gf rin?" Napatingin kaming pare-pareho kay Shane. Nagulat sya bigla samin, hahaha! Hindi pala nakikinig!

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon