39: Spring & Autumn

189 15 0
                                    

Gumising ako ng maaga para magluto ng almusal namin ni Mads, tulog pa kasi sya nung pagkagising ko. Nauna na akong kumain at sunod na pinakain ko naman si Maddie, tumataba na talaga si Maddie. Haha.

Umupo ako sa couch at nanood ng tv habang kumakain ng agahan, nang may nasilayan akong magandang babae na pababa pa lang sa hagdan. Ang ganda nya, habang tumatagal lalong gumaganda. Wala nang mas gaganda pa.

"Ano? Bat titig na titig ka dyan?"

Kahit na naka-taas pa ang mga buhok nya, at kita kong may panis pa sya na laway sa gilid ng labi nya, naninigkit at may kaunting muta pa sa kanyang magagandang mga mata, napaka-ganda pa rin nya kaya hindi ko maiwasang mapangiti sa tuwing nakikita ko sya.

"Good morning." Bati ko at sabay na hinalikan ko sya sa noo.

"Good morning."

"How's your sleep? Mukhang masarap talaga tulog mo." Ngiti ko sakanya. Yumakap lang sya sakin ng mahigpit at siniksik ang mukha nya sa dibdib ko, she then rubbed her face on my shirt.

Tumingala sya sakin pagtapos nyang gawin yun. Namumula na ngayon ang mukha nya.

"I slept well. Ikaw?" Medyo may pagka-garalgal pa ang boses nya.

"Oo naman." Niyakap ko sya ng mahigpit at hinalikan ko sya ulit sa pisngi. Napangiti kaming pareho.

"Kumain na tayo."

Sabay kaming naupo sa couch at nanood ng tv. Maaraw sa labas pero malamig ang simoy ng hangin. Nakakatamad tuloy maligo lalo na ngayong weekend.

Napapasulyap ako sakanya habang kumakain kami. Nananaba na rin si Mads ng kaunti, pero ang cute nya pa rin and she has thick thighs. I'd die for it.

"Mads,"

"Hmm?"

"I love you."

Tumingin sya sakin, ako naman tong napahigop sa kape ko habang nakatingin sakanya. Ngumiti sya sakin. Yung ngiting mahahawa ka talaga at mapapangiti ka rin.

"I love you more."

Ganun pa rin ang nararamdaman ko sa tuwing gagantihan nya ako ng ganitong katamis na salita, patuloy pa rin akong naiinlove kay Mads, araw-araw, gabi-gabi, lalong lumalalim ang nararamdaman ko sakanya. At wala na akong ibang mahihiling kundi makasama ko sya hanggang huli.

"Mads, mahal mo pa rin ba ako kahit tumanda na tayo?"

"Oo."

"Sigurado ka na ba sakin..?" Medyo nahihiya ko pang tanong. Well, when the 'what ifs' crossed into your mind..

"Bakit mo naman natanong yan?" She chuckled.

"Wala lang."

"Let the season decide, love."

"I'll bloom into you, you're my spring." I said in a dramatic tone.

"And I'd fall for you, you're my autumn." She replied, same with my tone.

"Ang sweet natin ngayon noh. Mamaya aasarin ulit kita." I crunched my nose while giggling.

"As if maaasar mo 'ko. Good mood ako ngayon. Nakatulog ako ng hindi mo sinisipa."

"Luh, naninipa ba ako?"

"Ang likot mo kaya matulog!"

"Ikaw kaya malikot matulog!"

"Bakit ako na naman sisisihin mo!? Ako lagi nalalaglag kasi tinutulak mo ako sa kama!"

"Kasama ka lagi sa panaginip ko!"

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon