32: Endlessly

177 15 0
                                    

I woke up.. it's my.. my.. my birthday..

It's my birthday. Tuesday. It's Tuesday.

"Good morning!" May humampas bigla ng unan sakin.. napahawak ako sa ulo ko.

"Mads—"

"Happy birthday!" May pa-confetti pa..

Wah, wala kaming klase ngayong 9am. Afternoon class kami ngayon. And oh, 7am pa lang. Ang agang manghampas ni Mads ng unan at bumati.

"Happy birthday!!!"

Tumayo ako at niyakap ko sya ng mahigpit. Mukhang mas excited pa sya kesa sakin. Haha!

"Thank you, my love." Hinalikan ko sya sa noo. She then kissed my lips— that was unexpected.

"Hindi pa ako nagto-toothbrush." Ngisi ko.

"Ayos lang, ako din naman." Tawa nya. "Nagluto ako ng shanghai."

"Shanghai lang?"

"Go downstairs." Ngiti nya ulit. Ah, yes.. gutom na ako.

Bumaba ako at— may pa-cake si mayora. Hahahahaha! Wow, I've never been this happy.

Chos. OA, ginawa din naman ng pamilya ko to sakin. Hahaha!

"Let's eat!" Itinaas ko ang long-sleeved na pangtulog ko at inumpisahan ko nang lantakan ang cake. Cake first, I love cakes. Alam nyo ba na ang tagalog ng cake ay pandecrema?

Okay, I'm not sure. Pero yan lumabas sa google. Hehe.

"Shouldn't we pray first?" Naupo sya sa harap ko at inayos ang almusal namin. Wowie, ang daming handa.. may pa-pancit pa nga si Mads. Haha!

We bowed, closed our eyes and prayed silently.

Salamat at may magaling akong chef sa bahay— I mean, taga-luto at mag-alaga.

Ah, kinikilig tumbong ko. Hindi ako makapigil sa pag-ngiti.

I've always wanted to thank my love, Madeline for being with me, for loving me— hoping for the future na maging successful kaming pareho, and of course hindi mawawala ang mga mahal namin sa buhay— our fam, and friends.

And thank you for this wonderful day of mine. The foods are good. Matic good na yun, masarap magluto si Mads ng pancit. Hehehe.

Pagmulat ko ng mga mata, kanina pa pala nakapalumbaba si Mads at tinititigan ako habang nakangiti.

"What..? Did I pray too long..?" Napataas ako ng isang kilay.

"Hindi naman. Sakto lang." She grinned. Natawa tuloy ako.

Ang ganda ni Mads.

We continued eating.

"So, maaga kang gumising para dito sa pancit at shanghai?" Sunod-sunod ang subo ko sa pancit at shanghai. Aaaaaah, kahit kailan hindi ako nadisappoint sa pagluluto ni Mads!

Nakakaiyak sa sobrang sarap!

"Yep. Nagustuhan mo ba..?" She smiled, a bright smile that brightens up my day.

"Oo naman! Alam mo namang paborito ko tong shanghai at pancit."

"Lahat na lang paborito mo kahit yung iba hindi mo pa natitikman."

"Oh ho, so you're challenging me?"

"What? No."

"Lahat kaya natikman ko na." Pagyayabang ko pa.

"Talaga ba? Anong lasa ng laing?" She crossed her arms, sinusubukan nya talaga ako.

"Matamis."

Humagalpak sya agad ng tawa! What—! M- matamis yun diba!!!

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon