18: Brother's big gift(1)

320 45 0
                                    

GIANNA'S POINT OF VIEW

Tumawag kanina si kuya sakin, sabi nya may pupuntahan kami. And lately, hindi sya nagpasabi na uuwi na pala sya dito samin, sana man lang nagsabi sya para di ako masyadong umiyak sa harap ng mga kapitbahay nina Mama noh. Nakakahiya yun hahaha! But anyways, nandito kami ngayon ni Mads sa loob ng sasakyan at handa nang umalis ulit. Nag-impake ng konting gamit dahil dun muna kami pinapag-stay ni Mama para daw sa bonding as a family, at syempre, kasama si Mads. Tinanong ko si Mads kung gusto bang sumama ng Mama't Papa nya pero sabi naman ni Mads, ayaw nila magpagod dahil may trabaho pa silang aasikasuhin sa mga susunod na araw. Hay, alam ko na kung kanino nagmana si Mads ng kasipagan.

Ito naman ngayon si Maddie na mahirap papasukin sa loob ng cage nya. Kailangan munang maraming catfood sa loob bago sya pumasok! Kaya tumataba eh!

"Sure kang pwede ako sumama..?"

Hanggang ngayon, medyo anxious pa rin si Mads. Hindi nya minsan iniinclude ang sarili nya sa pamilya namin. Ganito sya minsan, pero.. hindi ako papayag na maging anxious sya minsan tuwing may bonding kami, and I want her to feel included, welcome, loved, and cared. Minsan na nga lang eh. Gusto kong maging masaya sya, masaya na rin ako dun.

"Kasama ka sa lahat ng outing... kung outing man tong pupuntahan natin. Don't worry about anything, my family loves you." Kumindat pa ako sakanya kaya sya napangiti.

She scoffed. "Okay, okay."

Siguro dahil lang sa 'meron' sya ngayon? Yep, siguro nga. May mood swings sya minsan, but I can handle her, she's also helping herself not to give tantrums, though.

"May gusto ka bang kainin habang bumibyahe?" I asked. She nods. "I'll buy us foods later." Sagot ko. Pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na kami.

__

After 30 minutes of driving, huminto muna kami sa isang fastfood para bumili ng makakain habang bumibyahe. May kahabaan ang pila, and I hope hindi nabobored si Mads sa inuupuan nya ngayon. Marami ding tao, kaya medyo mainit sa pwesto nya. Hindi sya masyadong naaabutan ng aircon, but I guess she's fine with it.

After ko umorder, umupo muna ako sa bakanteng upuan na nasa harap nya hawak ang numerong binigay sakin ng crew na kumuha ng orders ko sa pila.

"Ayos ka lang?" I asked her, looking directly at her eyes. "Oo naman. Bakit? Mukhang alalang-alala ka dyan." Tawa nya pa. Wow, akala ko lang kasi nabobored na sya o nagugutom.

"Yes, a little. Mukhang gutom ka na kasi, hindi tayo kumain bago umalis." Pagaalala ko pa rin. Hindi pa rin ako kumakain kaya ako tong medyo iritable sa paligid. Hahaha! But anyways, this will end soon.

"Ayos lang. I can wait." Ngiti nya sakin. Ah, my heart dropped.. napangiti rin tuloy ako ng sobra. My heart's filled with love. I fucking love her smile.

"May I kiss you?"

"No."

I made a sad face. I wanna kiss her..

"S-sa.. sa sasakyan na lang." She grinned. She likes it in private. Marami nga namang tao, shunga ko din.

Lumipas ang ilan pang mga minuto, dumating na yung mga order namin. Mukhang nagulat pa sya. Sa tingin nya ba fries at burger lang bibilhin ko para samin? Bitin yun. Hahaha! Kaya marami akong inorder pero may kasama namang fries at burger. May rice and chicken rin, may dalawang coke, ice creams, brownies, dalawang chicken salads.. hay, basta ang dami.

"Mauubos ba natin to?"

"Nagtanong ka pa. Gutom tayong pareho, kasama si Maddie. So I bought too much foods for us." Nagdrive na ako ulit paalis.

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon