29: Reversed situation (≧∇≦)

208 23 0
                                    

Ah, my head's dizzy... ano na kayang nangyari sa lugar nila Mads ngayon..? Nararamdaman ko pa rin ang lungkot ng kahapon ko.. chas, ang drama masyado. Haha! But I'll still convince myself na meron pang next time.. so, yep.

Tumayo na ako at pinakain ko na si Maddie.. kumain na rin ako ng agahan at magtotoothbrush na ako maya-maya.

Dinampot ko ang phone ko at may mga text message galing kay Mads. It says here.. hindi pa rin sila pinapayagang lumabas, pero alam na daw ng prof nila.. at— nakakairita na ewan. Gusto ko na lang matulog ulit. Bakit pa sumaktong naiwan sila dun? Nasaktuhan pang kasama nya yung kinaiinisan kong lalake. Pfft.

Nagreply na lang ako na papasok ako at hihintayin ko sya hanggang sa pwede na silang makalabas. Pero agad naman syang nagreply na ‘delikado’ raw. Tatawagan nya na lang daw ako at sasabihan kung pwede na.

I took a biiiiig sigh. Hindi ko na naubos ang kinakain ko at hinugasan ko na lang ang pinagkainan. Napahawak ako sa lababo at nahinto ng ilang sandali bago ako nakakilos ulit— iniisip ko pa rin yung sobrang pagkadismaya ko. Yung singsing na ibibigay ko, yung mga rosas, yung niluto ko, yung sobrang confident ko na magugustuhan nya talaga lahat ng yun, though sa tingin ko magugustuhan nya naman talaga, yung sobrang excited ako para dun pero... hay, hayaan na. May next time pa naman. Haha.

Naligo na lang ako at siguro... magbababad muna ako sa tubig ng ilang sandali, maaga pa naman.

__

-7am-

May tumawag sa phone ko— si Jane. I also got a text message from her, saying na sabay kaming pumasok at alam nya ring wala si Mads sa bahay. I replied ‘Sure.’.

Umakyat na ako sa taas at nagbihis. Sinuot ko yung polo na niregalo sakin ni Kuya Luc. Puro pusa ang disenyo, at kulay peach pa. Haha! Sana bagay to sakin, masuot na nga.

Tumingin ako sa salamin at sa tingin ko bagay naman, so I put my denim pants. Hindi ko alam kung bakit naisipan kong magbago ng style, sa ngayon. Puro tshirt lang kasi ang suot ko at jacket, pantalon at converse shoes.

Sinuot ko yung oxford shoes na regalo naman ni Kuya Athan. I turned around to see myself, to see what I look like.

I'm gorgeous.

[Author: Wow, Gia. Parang galing sa break-up ah? May pa-change style change style pang nalalaman >▽<]

"Time to go." Nagsuklay na ako at hinayaan ko na lang na nakalugay ang buhok ko. Dinampot ko na ang bag at lumabas na sa kwarto.

At syempre, binuhat ko muna si Maddie na tulog na naman para halikan sa noo nya. "Maraming pagkain sa cat bowl mo, eat well." Hinalikan ko sya ulit atsaka ko nilapag, she ran upstairs and her chonky tummy does the wigglez.

Dinala ko na yung susi at lumabas na ako. Tinawagan ko si Jane para tanungin kung nasan na sya.

"Yo, Gia, nasa bahay pa ako. Maliligo pa lang."

I feel... doomed. What the fuck. Handang-handa na ako, at naexcite pa ako sa paglabas dahil sa suot ko, tapos maliligo pa lang sya?

"Okay, sa coffee shop na lang. See you around." Sagot ko. Sya pa tong may ganang tumawa ah!? Wala pa talagang time na on-time syang dumating sa napagkasunduang oras. Lagi syang huli.

At syempre, para hindi masira ang mood ko, nag-kape muna ako. Maganda naman ang atmosphere sa coffee shop na to, ang ganda ng tugtugan. Jazz. Haha. At yung mga tao, halos lahat ng paligid na tignan ko ay puro magjowa. Pssh, ngayon ko lang naman di nakasama si Mads. Ano bang iniinggit-inggit ko sa mga to? Pfft!

Nakaramdam ako bigla ng malamig na kamay na bumalot sa mga mata ko. Halos matapon ko yung kape ko sa bago kong damit. Aaahh!

Hinawakan ko yung kamay at pinilit tanggalin. Nakakarinig ako ng mga mahihinang tawa hanggang sa tinanggal nya na ng kusa ang mga kamay nyang basa at malamig pa.

Home, Sweet Home (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon