SPECIAL ANNOUNCEMENT

1.5K 51 23
                                    

Author's note;

      Hi I'm back, Nais ko po humingi ng paumanhin sa inyong nag-aabang ng special chapter nitong kwento ni Rhaime at Dylan dito sa wattpad. ( kung mayroon man pong nag-aabang)

      Alam ko po na kahit paano naman siguro ay nais ninyong malaman ang nakaraan nila fifteen years ago, kung paano nagsimula ang pag-iibigan nila at kung paano rin sila nagkahiwalay. Aminado naman ako na hindi ko iyan naidetalye dito sa kwento nila.

       Malugod ko pong ipinapaalam sa inyo na magiging libro na po ang kwentong ito na inyong sinubaybayan mula sa umpisa hanggang sa katapusan. Sobrang nag-papasalamat po ako sa mga taong tutulong sa akin para sa katuparan na maging libro ang kauna-unahan kong akda.

      Ako, bilang isang baguhan na manunulat na ang gusto lang naman ay makapag-sulat at magawa ang matagal ko ng pangarap na ngayon ko pa lang nagagawa at maibahagi naman ito sa inyo. Ang magkaroon ng kopyang libro ang isang nagsisimulang writer na gaya ko ay achievement na matatawag iyon para sa akin.

      Halos lahat ng mga nag susulat ng nobela ay hangad ang magkaroon ng libro ang gawa nila. Ako, sabi ko noon sa sarili ko na kapag natapos ko itong kwento ni Dylan at Rhaime ay magpapagawa ako ng libro nito kahit isang kopya lang para ala-ala ko ba para sa akin.

      Sobrang memorable ang akda kong ito dahil ito nga ang una kong obra kaya hinangad ko na mapagawan ko ito ng libro na maisasama ko sa mga collection ko ng iba pang libro na binili ko mula naman sa akda ng ibang author/writer.

    Yun isang gusto ko na kahit isa lang sabi ko ay malaking pasalamat na iyon. Pero ang magkaroon ng  hindi lang isa kungdi higit pang kopya para sa iba naman na nais magkaroon ng kopya ng akda ko at handa silang suportahan ang libro nito ay sobrang nakakataba ng puso po, para sa kagaya nilang handang bumili ng libro ni Rhaime at Dylan kung sakali.

      So dahil nga po magiging libro na po ito soon napag-pasyahan ko po na ang special chapter ay makikita at mababasa ninyo po sa libro. Sana naman po huwag kayong magalit sa akin at mas lalong hindi ninyo po ako awayin kung doon ko nga po napag pasyahan ilagay sa libro at hindi po dito.

       So, sana po kayong mga naging masugid kong mambabasa at naging mahalagang bahagi ng pagsisimula ko sa kwentong ito naway suportahan ninyo po ako at patuloy na suportahan ang iba pang series nito. I am looking forward para sa physical copy ng ibang series nitong The old maid (TOM series) for now the old maid Rhaime-Be mine again is become a physical copy/ book soon.

       Thank you very much all of you to support me from the beggining of my journey as author/ writer until now. I love you all. Sa mga solid rhaime-ians reader ko at syempre ganoon din sa mga bago kong rhaime-ians reader at pati ang silent lang diyan sa isang tabi while reading my stories.

       Special chapter is coming in the book copy.......

       Again, Thank you so much from the bottom of my heart.



Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon