Kabanata 16

2.4K 100 12
                                    

    NANG makaalis lang si Dylan at Mond ay dun lang pinahulagpos ni Rhaime ang pinipigilan na luha. Nalaman niya na kaibigan ni Dylan ang kasama ni Sansky. Oo aaminin niya na naawa siya kay Dylan ng lumuhod ito sa kanya kanina pero mas naaawa siya sa kanyang sarili.
    "Oh uminum ka muna ng tubig." Sabay abot dito ni sansky ng isang basong may lamang tubig. "My god bestie grabe ang itsura mo at sobrang mugto na yan mata mo kakaiyak mo."
    "Ano ba ang nangyari? parang yun huli ka tumawag sa akin sobrang saya mo tapos ngayon para ka ng pinag sakluban ng langit at lupa. Tapos hindi mo man lang ako tinawagan kagabi para nadamayan man lang kita, kung hindi pa nagpunta sa opisina si Dylan para hingin ang address mo."
    Napangiti si Rhaime sa pagitan ng pag iyak dahil  sa sunod-sunod na salita ni Sansky. "Na miss kita bestie."
    Yinakap naman siya nito at tumabi sa kanya sa pag-upo. "Na miss din kita pero pagkatapos mo umiyak at kaya mo ng magkwento sakin handa ako makinig kahit gaano pa iyan kahaba bestie."
    Humiwalay siya sa pagkaka yakap dito at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Sansky. "Sorry bestie kung hindi ko na i-kwento sayo si Dylan kahit isang beses lang."
    Oo nga eh, gusto ko magtampo sayo." nakanguso nitong sabi. "Ang tagal na natin mag bestfriend pero never mo siyang na i-kwento  nga sa akin bruha ka."
    Nang sa tingin ni Rhaime ay  kaya na niyang ikwento ang lahat kay Sansky tungkol kay Dylan inumpisahan na niyang magkwento dito. Sa kung paano sila nagumpisa ng sila ay teenager pa lang at kung paano din sila naghiwalay at muling magkita bilang nanny nga kay Dylan, sa kung paano sila ulit nagka mabutihan, hangang sa mag-proposed ito sa kanya ng kasal. Ang text na natangap niya at ang pagkaka huli niya sa mga ito sa kama mismo ni Dylan.
    "Oh my god bestie pang Maalaala mo kaya iyan kwento mo."
    Bahagyang natawa si Rhaime sa sinabi ni Sansky. "Praning ka."
    "Ayan at least epektib kasi napatawa kita kahit paano. Pero ayaw mo ba talaga na siyang pakingan, oo nga at  hindi niya ibinigay sa'yo ang kaparehas na pagkakataon pero tama ba na gawin mo din ang ganoon sa kanya best?"
    "Sa ngayon hindi ko pa kaya makinig  sa kanya Sansky para saan pa? Tinapos ko naman na ang relasyon namin."
    "Ano? bakit mo naman ginawa iyon ng hindi mo man lang pinakingan yungvpanig niya, parang ang unfair lang best ng dating, para tuloy lumalabas  na gumanti ka lang din sa ginawa niya sa iyo eh."
    Pagak na tumawa si  Rhaime actually hindi niya intensyon gumanti pero parang ganun na nga ang nangyari.
    "So anong plano mo ngayon bestie?"
    "Na isip ko tutal may bakasyon pa ako natitira I'm going to sealandia paradise.
Ang sealandia paradise ay isang pribadong isla na pag-aari ng kaibigan nilang si Ysmiellien.
    "Sigurado ka?" Tanong  ni Sansky sa kanya.
    "Yah best. Siguradong matutuwa iyon kapag nalaman niya na pupunta ako. Alam mo naman kung gaano na tayo namimiss nun eh, sama ka?"
    "Hay naku, kung pwedi lang samahan talaga kita kaya lang hindi ito ang panahon sa akin para mag-relax sa trabaho at alam mo iyan. So kailan mo plano umalis?"
    "Next week, kailangan ko din muna umuwi sa Pampangga para magsabi kay mama at papa na wala ng kasalan magaganap."
    "Okay, kung buo na talaga yan desisyon mo igagalang ko, pero pag isipan mo pa rin ng maraming beses ang sinabi ko na bigyan mo ng pagkakataon si Dylan na magpaliwanag sayo. Huwag mo hayaang na panaigin ng galit ang puso at isip mo ng dahil lang sa isang pangyayari na pareho ninyong pagsisihan sa bandang huli."

    SA gate of heaven ng gabing iyon na pag mamay ari ni Aidemiell nilunod ni Dylan ang sarili sa pag inom ng alak kasama si Mond.   Pakiramdam niya kahit ilang bote ng alak ang ipainom sa kanya ay kaya niyang ubusin, at kung hahamon si Aidem sa kanya natitiyak niya matatalo ito para sa rules nito na exclusive lang para sa kanilang tatlong mag-kaibigan.
    Hindi niya matanggap na hiniwalayan ulit siya ni  Rhaime sa ikalawang pagkakataon sa magkaibang dahilan. Kung iyong una ay bigla na lang itong naglahong parang bula ay halos hindi na niya matanggap, ano pa to pangalawa na alam niya ang dahilan kung bakit siya hiniwalayan. Oo tama si Rhaime, at isa siyang gago na hingin dito na pakinggan ang paliwanag niya kung siya nga mismo ay hindi iyon ibinigay  kay Rhaime kahit napakaraming beses iyon binangit nito sa kanya.
    Sa ganito lang ba ulit matatapos ang relasyon nila, ito na ba iyong tinatawag na karma niya na sinasabi ni Angel.  Fuck!, pakiramdam ko mababaliw na ako ng tuluyan.
    "Buds," tawag  ni Mond sa kanya. "Sige lang magpakalasing ka ngayon hangang gusto mo, pero buds isipin mo din na hindi solusyon ang alak sa kahit anong problema lalo na kung sa pag-ibig iyan. Tinutulungan lang tayo nito na makalimot ng panandalian but still nandyan pa rin, so kailangan mo pa rin itong harapin."
    "Yah I know buds," sagot naman ni Dylan dito. "Pero ngayon ito muna ang naiisip kong sulosyon. Ang magpakalasing ng husto kaya uminom lang tayo ng uminom!" Sabay tungga sa alak na nasa bote mismo."
    Napapa iling na lang si Mond habang pinag mamasdan si Dylan, alam niya na konti na lang at babagsak na ito dahil sa kalasingan at wala siyang planong sabayan ito sa pag iinum sabay sindi ng sigarilyo.
    Kanina ng puntahan nila ito ni Sansky sa bahay ni Rhaime ay hindi niya lubos maisip na magagawa ni Dylan na lumuhod sa harapan ni Rhaime at halos magmaka awa dito habang umiiyak at pa ulit-ulit na sabihin na huwag siyang iwan ni Rhaime, bigyan ito ng pagkakataon magpaliwanag. Nahirapan pa nga sila ni Sansky na kumbinsihin ito na mapauwi. Hindi niya alam ang lalim ng naging relasyon ng dalawa noon maliban sa nabangit nga nito minsan sa kanila ni Aidem nun college days nila na may minahal ito babae noon at ito lang ang mamahalin daw niya at hahangarin na makasama hangang kamatayan. Si Rhaime nga iyon, kaya nga hindi rin sila makapaniwala nang minsan sabihin nito na ang Nanny na namasukan dito ay si Rhaime at sabihin din na gagantihan ito sa ginawang pag iwan dito 15 years ago. Samantalang ni minsan hindi nawala ang pag mamahal dito ni Dylan.
    "Nagagawa talaga ng pag-ibig." Napangiti siya ng pumasok sa isip niya si Sansky. "No!, Hindi manyayari sakin ang katulad ng nangyayari kay Dylan ngayon never, isa pa may dahilan naman kasi siya kung bakit lately ay kasama niya si Sansky at talagang bilog ang mundo dahil  mag bestfriend pala ang dalawa.
    Napag-pasyahan ni Mond pumunta ng comfort room ng makaramdam ng tawag ng kalikasan. Nag-vibrate ang cellphone sa loob ng bulsa niya kaya kinuha niya iyon para tignan. "Tumatawag si Sansky." Pumasok muna siya sa loob ng cubicle ng  comfort room para tahimik dahil maingay sa labas.
    "Hi sweetie, na miss mo na ba ako agad at napa tawag ka?" Bungad ni Mond dito ng sagutin ang tawag.
    "Peste ka!, tigilan mo nga ako ng katatawag mo ng ganyan sa akin. Kamusta ang kaibigan mo?"
"Hindi mabuti, kasalukuyan siyang nakikipag digmaan sa alak, as if naman na mananalo siya. Sa tingin ko nga konti na lang babagsak na siya." Sabay tumawa.
    "Mond sabihin mo kay Dylan na  pupunta si Rhaime ng sealandia paradise next  week. Sinasabi ko to sayo dahil parehong kaibigan natin ang involved dito. Alam ko labag din kay Rhaime ang ginawa niyang pag-iwan kay Dylan  pero hayaan muna niya si Rhaime sa ngayon na maka pag-isip ng mabuti ganun din siya. Naintindihan mo ba ang sinabi ko at wala ka ng imik diyan?"
    "Oo naman syempre. Gustung gusto ko kasi naririnig Yun boses mo eh."
    "Leche, mabuti ng malinaw at tayo ay nagkaka-intindihan."
"Nagkaka-intindihan talaga tayo sweetie, ikaw lang itong ayaw akong intindihin eh."
    "Bwiset ka talagang kausap eh wala kang kwenta."
Bigla na pinatay ni Sansky ang tawag itatanong pa sana niya dito kung saan ang sealandia paradise na tinutukoy nito. Napakamot na lang tuloy siya ng batok.

Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Where stories live. Discover now