Kabanata 13

2.6K 91 11
                                    


    TUWANG-TUWA ang mama niya ganoon din ang papa niya ng makita siya. Agad siyang sinalubong ng mahigpit na yakap ng mga ito ganoon din ang dalawa niyang nakababatang kapatid.
    "Ma, Pa, si Dylan po." pagpapakilala ni Rhaime sa binata.
   "Dylan Lemuel Salazar? Ikaw nga ba iyan ijo." Ang kanyang papa iyon.
    "Aba'y oo nga," ang kanyang Ina naman iyon.
     "Kamusta po kayo?, nakangiti nitong sagot. Agad nitong inabot ang mga palad at nagbigay galang sa pamamagitan ng pagmamano.
    "Aba'y lalo kang naging gwapo ijo," ang kanyang ina iyon.
    "Natatandaan mo pa ba itong dalawang ito?" na ang tinutukoy ay ang nakababatang kambal niyang kapatid.
    "Opo naman, baka po sila ang hindi na ako matandaan dahil bata pa po sila noon masyado. Skyline and Skylaine. Tama ba ako?"
    Magkahawig na magkahawig ang mga ito kahit saan angulo tignan mula sa mukha, taas at hubog ng katawan, ang tanging palatandaan sa mga ito ay ang buhok. Si Skyline ay may ma habang buhok na hanggang waist line, habang si Skylaine naman ay short hair ang buhok na naka pixie cut ang style.
    "Hi kuya" sabay na bati ng mga kambal sa kanya.
    "Ikaw po ba ang mapapangasawa ni Ate Rhaime? Ang gwapo mo po sobra."
    "Line stop it mahiya ka nga sa fiance ni ate" saway ni laine dito. Ang harot mo.
   "Hoy kayong dalawa tumigil kayong pareho baka kung saan na naman mapunta iyan usapan ninyo. Hala, mauna na kayo pumasok doon sa loob para asikasuhin ang mesa para makakain sila."
    "Si mama naman eh,"
    "Pasok na doon nagrereklamo pa."
    Natatawa na lang si Rhaime sa inaasal ng kambal niyang mga kapatid.
    "Oh s'ya, tayo nang pumasok sa loob at nang makakain kayo at para mapag usapan ang dapat pag usapan."

    PAGKATAPOS nilang kumain ay dumiretso sila sa  rooftop ng ikalawang palapag ng bahay. Hapon na iyon at hindi na gaanong mainit ang sikat ng araw at idagdag pang presko at sariwa ang hangin.
     Doon ay mayroon mesa at upuan na pabilog na gawa sa bato. Paikot silang naka upo habang sila ni Dylan at Rhaime ang magkatabi.
    "Nais ko pong pakasalan ang anak ninyo. Kaya nandito po ako ngayon sa harap ninyo upang hingin po nang pormal at pahintulot ang gagawin namin pagpapakasal ni Rhaime."
    "Alam mo ijo?", wika nang papa ni Rhaime. Hindi kami tututol sa desisyon ninyo na iyan, dahil sapat na ang edad ninyo para sa pag-aasawa. Labis akong natutuwa na sa haba ng panahon na nagka hiwalay kayo, kayo parin pala sa huli ang magkakatuluyan kaya maaasahan mo ang aming basbas sa gagawin ninyong pagpapakasal."
    "Maraming salamat po."
    "Alam mo ijo, tanggap na nga namin na tatandang dalaga na iyan; dahil ni minsan wala yan ipinakilala sa aming nobyo eh, kaya talagang kami ay hindi makapaniwala nang tanungin ko kung mag-aasawa na ba siya kanina ng kami magkausap, aba'y binibiro ko lang ay totoo pala. Talagang nagulat lang kami ng nakilala ka namin na ikaw iyan." pahabol na wika nang ama ng dalaga.
     "Gusto ko po sana na maikasal kami sa lalong madaling panahon, maybe three months from now, since naka leave din ako sa opisina para maasikaso namin ang lahat ng dapat ayusin."
    "Dylan, parang ang bilis naman masyado niyan, sapat na ba iyon para maasikaso ang lahat?" tanong ni Rhaime sa kasintahan.
    "Yeah, kung gusto mo kahit bukas magpakasal na tayo sa civil eh. Pero papakasal parin tayo sa simbahan syempre."
     "Ano ka ba Dylan" sa pabulong na salita, "huwag ka naman exaggerated nakakahiya, baka isipin nila buntis na sko kaya ka atat."
    "Doon rin naman kasi tayo pupunta, kaya bakit  patatagalin pa natin?, wala pa bang laman yan?" 
    "Wala pa, malalaman ko next month kapag hindi na ako dinatnan."
     "Dapat mas dalasan pa natin ang pag-gawa."
    "Luko-luko ka talaga." Sabay kurot ng pino sa tagiliran nito.

    KINABUKASAN, maaga pa lang ay niyaya na niya si Dylan na pumunta ng poultry farm nila, para ipakita ang  napakarami nilang manok na alaga. Nakita niya ang ilan sa mga tauhan ng papa niya na nagha-harvest ng mga itlog ng mga ito.
      "Magandang umaga po, manong Freddie." masayang bati niya dito.
     "Magandang umaga din po ma'am Rhaime. Ngayon na lang ho ulit kayo napasyal dito."
      "Oo nga ho eh, masyado po akong abala sa maynila, s'ya nga ho pala si Dylan po fiance ko."
    "Ay, mainam at ikaw ay mag aasawa na pala, tiyak kong masaya ang mama at papa mo."
    "Naku, tuwang-tuwa nga po sila."
     "Salamat nga pala ija sa pagtulong sa anak ko makapunta ng Dubai para makapag trabaho doon. Nabalitaan ko rin na hindi mo na pinabayaran lahat ng gastusin niya para makapunta doon  kaya naman malaking tulong iyon sa amin, Napakabait mo ija."
    "Wala po iyon, kaibigan ko naman po si Emily, kaya sinagot na po ng agency ang lahat ng gastos, pinaka tulong ko na po iyon sa inyo, Kamusta na po pala siya doon?"
     "Ay naku mabuting-mabuti siya doon, maganda yung palakad ng hotel na napasukan niya at marami daw silang mga pilipino na nagta-trabaho doon."
    "Magandang balita po iyan."
    "Napakabait mo ija, sana lalo ka pang pagpalain ni Lord at para mas marami ka pang matulungan."
    "Maliit na bagay lang po iyon, sabi nga po diba share your blessing. Mauuna na ho kami, pupunta din po kami ng manggahan."
    Magkahawak kamay nilang binaybay papunta doon, dahil hindi naman na ito kalayuan. Abala din ang mga tauhan nila sa pamimitas ng mga bunga ng mangga, halos lahat ng makakita sa kanila ay binabati sila.
    "Ate Rhaime," tawag ng kapatid nito sa kanya na si Skylaine.
     "Pinadala ito ni mama sa akin kanina bago ako pumunta dito, kasi maaga nga raw kayo umalis kanina at hindi pa raw kayo nag-aagahan."
     Inabot naman ni Dylan ang basket na dala ni laine para siya na ang mag bitbit ng mga iyon.
     "Salamat bunso. Tara sumabay ka na sa amin mag-agahan ng kuya Dylan mo."
    "Tapos na ko sa bahay, tsaka maraming akong aasikasuhin ngayon dito, Alis na ko."
    "Tara doon tayo." Aya ni Rhaime kay Dylan.
    Pumwesto sila sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga na medyo malayo sa ibang puno doon. Inilatag niya ang isang malaking sapin na kasama sa basket kaya para silang nagpi-picnik.
    Nakatanaw sila sa mga taong kasalukuyan abala sa pamimitas nang bunga sa bawat puno na nandoon. Ilang minutong katahimikan din ang dumaan bago nagsalita si Dylan.
     "Rhaime pwede ba kitang tanungin?"
    "Iyan nga ang kanina ko pa hinihintay, ang magtanong ka na. Alam ko marami kang gustong itanong sa akin ngayon at nakahanda akong sagutin ang lahat ng iyan Dylan."
    "Anong ibig sabihin ng pamamasukan mo bilang nanny? Alam mo ba na sa simula pa lang na ako ang makikita mo doon?"
     "Lahat ng tanong mo sasagutin ko st sana paniwalaan mo ako sa mga sasabihin ko Dylan." wika niya dito at tumango ito bilang sagot.
    "So ano nga?"
     "I'm one of the owner of Rhaimesans Agency kung saan nagpa-hire ka nang nanny. Ang best friend kong si Sans ang naghandle ng taong papasok sa'yo doon, dahil nasa Qatar ako that time para din sa isang deal na trabaho. Since as soon as possible ang kailangan mo at walang available that time para sa trabahong iyon, ako muna ang pinakiusapan niya pansamantalang mamasukan dahil naka leave din naman ako  after ko makapag close ng deal sa Qatar.
     Pumayag ako, tutal isang buwan lang naman, But in God's name Dylan wala akong idea na ikaw ang magiging alaga ko doon, kaya nga noong makita kita, talagang nagulat din ako. At kahit ayaw mo na akong tanggapin ng araw na iyon ay nagpumilit ako na huwag mo akong paalisin, dahil wala ako hinangad sa buhay ko kung hindi ang mag-kita tayong muli.
    "Isang buwan?, so ang ibig sabihin iiwan mo na ako pagkatapos ng isang buwan at ilang araw na lang iyon." tanong niya sa dalaga.
    "Oo iiwan kita." mabilis na sagot nito kay Dylan.
   "Anong sabi mo?, pero ikaka-" Hindi nito natapos ang sasabihin nang biglang inilapat ni Rhaime ang daliri sa mga labi nang binata.
   "Oo, iiwan kita pero iyon ay ang pagiging nanny  ko sa'yo at hindi ang pagiging Mrs. Zalasar to be mo, kaya wala kang dapat ipag-alala mahal kong Dylan."
    "Akala ko, iiwan mo ako ng tuluyan."
    "Ofcourse not, I love you Dylan, kaya bakit ko iyon gagawin? Ikaw ba iiwan mo ako?"
    "Syempre hindi, eh ikaw ba iiwan mo ko."
    "Ako, depende kapag Siguro nalaman ko na niloloko mo lang ako at hindi ka talaga totoo sa akin. Kasi ako, totoo sayo. So, ano pa tanong mo itanong mo na lahat."
    "Masaya ako para sa'yo, sa kung ano man ang istado mo ngayon sa buhay, kasi diba, isa ito sa mga pangarap mo noon. Ang maginhawang buhay, kaya nga madalas ka nilang pulahin noon sa pakikipag relasyon sa akin dahil sa mataas mong pangarap, na gagamitin mo lang daw ako."
      Nalungkot si Rhaime ng maalala ang isang bahagi ng nakaraan labing limang taon na ang lumipas.
    "Na hindi mo pinaniniwalaan."
    "Kasi nga sobrang mahal na mahal kita Rhaimella Vien Suarez."
     "Huwag mo naman akong pakiligin, hindi ako sanay na marinig ang salitang iyan sa'yo. Kahit hindi mo ako sabihan ng ganyan, ayos lang sa akin kasi ramdam ko naman na mahal mo ako."
     "Oo sobra, at higit pa sa alam mo  kaya stay with me until our last breath. Bubuo tayo ng masayang pamilya, gusto ko magkaron tayo maraming anak kasi wala akong mga kapatid eh."
    "At ilang anak yang sinasabi mo ha?"
     "Maybe five, marami na iyon diba?"
    "Nagpapatawa ka noh?"
   "Bakit?"
  "Baka nakakalimutan mo kung ilan taon na tayo. Kahit taon-taon ako na manganak pagl umabas na ang pang lima ang tanda na natin" hindi na niya napigilan ang pagtawa. "Two is enough okay na iyon."
    "Kaya nga sabi ko sayo dalasan natin ang pag-gawa para makabuo na tayo ngayon pa lang."
    "Madalas naman tayo gumagawa ah."
    "Wala naman kagabi kasi hindi tayo magkatabi matulog, na miss kaya kita."
    "Baliw ka. Hanggat nandito tayo, tigang ka muna."
    "Shocks my Vien I cant, my friend inside my pants misses your friend too. Don't you miss this, sabay nguso nito sa sariling hita na ang tinutukoy ay ang kanyang bird."
    Napahagalpak na siya ng tawa lalo na sa itsura nito." Ang cute mo!" sabay pisil sa mga pisngi nito. "Any questions i'm waiting."
    "Wala na iyon lang naman ang gusto ko itanong sa iyo."
    "What? Are you sure? How about what happened fifteen years ago, Hindi mo pa ba iyon itatanong?"
"Rhaime, like I said to you before that what happens fifteen years ago is not important now. Just leave the past and let us face the present, okay."
    "But it's important to me and i want you to know that."
    "Destiny is always happened Rhaime, kung paano niya tayo pinagtagpo ng hindi natin plinano ganoon din ang gagawin niya."
    "But..."
    "No more buts Rhaime." Kinabig niya ito palapit para halikan at pagsaluhan ang tamis ng labi ng isat isa.
    "Dylan kapag ikinasal tayo gusto ko farm wedding kasi memorable sakin ang farm eh doon na rin ang reception pwede ba yun?"
    "Paanong memorable?"
    "Kasi sa bukid umunlad ang buhay namin. Alam mo ba, noong una maliit lang ang sakahan namin. Sa pagsasaka tumutok si papa nang mag-resign siya. Tapos ako naman dahil nakatapos naman ako ng caregiver, nag-abroad ako at doon nagtrabaho."
    "Malaki ang sweldo ng caregiver sa Canada. Iyon mga pinapadala kong pera sa loob ng tatlong taon sininop nila, Kaya nakabili ulit ng lupang sakahan si papa, hanggang sa napalago niya iyon, kaya hindi na kinailangan ng pera kong kinikita. Six years ako sa Canada at lahat ng kinikita ko inipon ko.
    Sobrang naging masinop ako sa pera ng mga panahon na iyon, until i met Sansky, caregiver din siya doon, at sobrang sinop din sa pera."
    Hanggang sa napagkasunduan namin na magtayo ng job agency dito, maliit lang iyon noong una at puro local job lang starting namin. Dahil pareho kaming dedicated sa trabaho ng bestfriend ko, kinaya na ng Rhaimsans ang magpapasok international." 
    "Marami na nga kaming napaalis papuntang Abroad at sa awa ng diyos lahat ng naipapadala namin ay nasa  mabuting kalagayan naman sa mga employer nila.
    Usually, puro hotels ang under ng Rhaimsans abroad at ang target namin ay iyong mga newly build pa lang."
    "I'm so proud of you Rhaime, so proud. napabuti naman din pala yung pagkakahiwalay natin fifteen years ago."
    "At nakabuti din sa iyo, kasi mas lalo mo pang napatatag ang empire at nagka branch na din kayo abroad."
    "Yeah, sa empire umikot ang buhay ko sa loob ng fifteen years until now,"
    "I'm proud of you too; so,okay na ba sa iyo kung farm wedding tayo?"
    "Oo naman, ikaw ang masusunod sa kasal natin. I'm just here to support what ever you want. kahit imbitahan mo din ang lahat ng manok, baka at kalabaw ninyo sa kasal natin okay lang sa akin." Tumatawa niyang wika dito.
    "Wow, what a very supportive fiance baliw ka."  At parehong nagkatawanan.

        ***** rhaime22 *****

     Author's note:  thank you for reading and voting this chapter.


Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Kde žijí příběhy. Začni objevovat