Kabanata 15

2.4K 98 12
                                    

WARNING: Expect wrong typo and grammatical error ahead....

          ********************

    DIRETSONG uwi si Rhaime sa kanyang sariling bahay at doon umiyak ng umiyak, parang sasabog na ang kanyang puso sa sobrang sakit na nararamdaman. Mas masakit pa ito kaysa nang una niyang iwan si Dylan kahit parehong babae ang dahilan.
    Habang patuloy lang siya sa pag-iyak ay patuloy din niyang kinakastigo ang sarili at sinasabing ang tanga mo kasi para hindi malaman na pinasasakay ka lang niya sa kanyang bitag. Shit sobrang sakit at paimpit na patuloy na umiyak ng umiyak.

HABANG pabalik-balik ng lakad si Dylan sa kanyang library office at patuloy na iniisip kung paano at kung saan niya pupuntahan si Rhaime dahil hindi niya alam kung saan ang bahay na tinutuluyan nito  dito.
    Pakiramdam niya ay mababaliw na siya. Nang biglang tumunog ang doorbell ng kanyang gate at dahil sa pag-aakala niya na si Rhaime iyon ay mabilis niyang tinungo ang gate para lang madismaya kung sino ang kaniyang napagbuksan.
    "Angel, why are you here?"
    "My god Dylan what happened and you looked mess." Sabay pasok sa loob ng gate na nakabukas at diretsong naglakad papasok. Mabilis naman na agad siyang sumunod kay Angel ng tuluyan itong pumasok. Ang mini bar niya ang tinutumbok nitong puntahan.
    "Hey, kung gusto mo pala mag-inum dapat doon ka na lang pumunta sa isa sa mga club ni Aidemiel?" Sita niya sa kaibigan.
    "Look Dylan, I know you need someone to talk to now, dahil sa itsura nang Mukha mo ngayon tila pasan mo ang problema ng mundo, diyos ko naman. And please lang huwag mo mabangit-bangit ang pangalan ng mukhang palakang iyon." Nagsalin ito ng tequila sa sariling baso at sinalinan naman ng brandy c Dylan. Naiimbyerna ako kahit pangalan lang niya." Tsaka tumawa.
    "Anyway anong problema buds?" Umpisang tanong niya kay Dylan.
    "Rhaime already knew at si Catleiah ang nagsabi sa kanya. Galing si Rhaime dito ngayon umaga at inabutan niya kaming mag-katabi sa kama. Hindi ko alam kung paanong nangyaring naging mag-katabi kami dahil wala akong matandaan. At isa pa wala pa akong pinahintulutan na makaulayaw sa  sariling kong kama kungdi si Rhaime lang.
    Napasipol bigla si Angel sa narinig at napapalatak. "Tsk..tsk..tsk.., ayan na nga ba ang sinasabi namin sa iyo ni Mond eh. Kung sana maaga pa lang sinabi mo na sa kanya ang totoong plano mo at nagbago naman na iyon ng ma-realize mo na talagang mahal mo pa siya at hindi mo na siya makakaya pang saktan, baka naintindihan ka pa niya nang maaga. Kahit kung ako siguro ang nasa katayuan ni Rhaime ngayon ganoon din mararamdaman ko. We both know buds how to be hurt when it comes to love."
    "Fuck Angel!, para na akong mababaliw alam mo ba iyon? Mas masakit pa ito ngayon kaysa doon sa dating pag-iwan niya sakin."
    Nagsalin siya nang alak sa sariling baso at tsaka ininom iyon.
    "Ni hindi ko alam kung saan ko siya hahanapin, wala akong idea ni katiting man lang sa utak ko, ayoko naman pumunta sa Pampangga nang bigla-bigla para alamin kung nandoon siya dahil siguradong magtataka ang mga magulang niya."
    "Kailangan mo harapin kung ano ang konsenkwenses ng mga nangyari Dylan, kung tutunganga ka lang dito walang mangyayari."
    "Pero hindi ko nga alam kung saan ako mag-uumpisa ni wala akong idea Angel." Mababanaag na sa reaksyon ng mukha niya ang kawalan na nang pag-asa.
    "Parang ang bilis mo naman sumuko." May kinuha ito sa bag na dala at iniabot sa kanya. Here I'm sure it might help you to come up with an idea." Sabay lapag ng cellphone ni Dylan sa mesa.
    "Naiwan mo iyan kahapon sa loob ng opisina mo bago ka umatend ng meeting sa board. Nagpunta din si Catleiah at nag-stay sa office mo for a while, hihintayin ka na nga lang daw pero ilang minuto lang ang lumipas ng magpa alam na din siya agad para umalis at hindi ka na nga raw mahihintay pa. Kung hindi ako nagkakamali malamang sa pinakialaman niya iyan.
    Gaano din ba kalala ang problema ng kompanya para makalimutan mo na may cellphone ka pala?  At ilang beses ko rin sinabi sa iyo na maglagay ka ng password." Mahabang lintanya niya kay Dylan.
    Mabilis na dinampot ito ni Dylan at hindi na pinag-aksayahan pa ng pansin ang pag-sagot sa mga tanong sa kanya ni Angel. Mabilis na hinanap niya ang pangalan ni Rhaime sa phone book na letter M dahil My Vien ang nakasulat na pangalan nito.
Agad niyang pinindot ang call botton pero walang sumasagot, hangang sa mag cannot be reach na iyon, pagpapatunay na sinadya na iyon i-off.
"Bull shit!" malakas na mura niya. At tinungga ang alak na nasa boteng hindi na pinagkaabalahan isalin pa sa baso.
Nakamasid lang si Angel sa bawat kilos nito. Sa nakikita niya kay Dylan ngayon masasabi niyang magiging miserable nang tuluyan ang buhay nito kapag tuluyan nawala si Rhaime dito at hindi ito mapatawad.
    Kasalanan ito ng pesting pag-ibig talaga kung bakit kasi kailangan pa ma-inlove ng tao eh. Kapag minalas pa at sa mali ka bumagsak kung di ka matatag mababaliw ka talaga. Gaya na lang ng nanyari sa kanya noon bulong niya.
"Easy buds there is still a way okay. Kung hindi man niya sinagot ang tawag mo, maaari ka naman magpunta sa agency na nagpadala sa iyo sa kanya. Try to get any information that will contact her. At kung wala pa rin well, umarkila ka na ng detective para hanapin siya. Mahalaga ang bawat oras Dylan kaya wag mo sayangin lalo at naka plano na kayo magpakasal. Huwag mo hayaan maulit pa sa iyo ang nakaraan kasi wala ka nang ginawang ibang paraan pa."
    "Thanks Angel for helping me."
    "You're welcome buds what are friends are for." Ngiti niya kay Dylan sabay tapik sa balikat nito.
    Angel is right bakit nga ba hindi niya naisip ang agency na pag-aari nito. Wala dapat siyang sayangin sandali para makausap ang dalaga at ibigay ang panig niya sana maniwala ito sa paliwanag niya.


Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Where stories live. Discover now