Kabanata 8

2.9K 107 41
                                    

WARNING: Expect wrong typo and grammatical error ahead. This chapter is contain  SPG R18+ scene, so read at you own risk.
         *********************

    NAGISING SI Rhaime ng makaramdam ng pagka uhaw kaya naman bumangon siya para tumungo sa kusina para uminum. Nagulat pa siya at bahagyang natakot ng may maalinagan itong tao na nakaupo at nakayukyok sa mesa hindi niya mawari kung sino iyon sapagkat madilim sa kusina at tanging ang ilaw sa labas lang ang nagsisilbing liwanag nito na bahagya lang ang liwanag. Bunsod ng kuryusidad ay unti-unti siyang lumapit dito upang sinuhin at ng mapagtanto at makasigurado ay agad niya itong ginising.
    "Dylan, hoy gising." niyugyog pa nito ang braso nito. "Bakit dito ka na natulog ha?
     "My Vien is that you?"
    "Oo ako ito. Bakit ka ba nandito?"
    "Ayokong umakyat kasi baka mahulog ako sa hagdan hik."
    "Lasing ka ba?"
    "Hindi ako lasing, nakainum lang hik."
    "Hay naku wala nga palang lasing na umamin lasing sila."
     "Halika nga." isinukbit nito ang isang braso nito sa kanyang balikat para alalayan itong makatayo. Sa silid na lang niya ito dinala sapagkat kung sa silid nito sa malamang gumulong lang sila pareho pababa. Sa bigat ba naman nito at laking tao.
    Kahit hirap na hirap siyang akayin ito ay nagawa naman niya itong maihiga ng maayos sa kama niya. Lumabas siya saglit para kumuha ng palanganita na may maligamgam na tubig at bimpo, uminum na rin siya kasi hindi niya iyon nagawa kanina.
    Hinubad niya muna ang sapatos nito at tsaka isinunod ang polo na tanggalin. Pinunasan niya ito sa buong mukha, sa leeg, sa mga braso, kamay at sa likod. Nang nasa bandang dibdib na siya pababa sa tiyan nito napalunok siya habang pinagmamasdan ang perpektong mga abs nito.
   "Oh my mama, parang inuhaw ako ulit bigla." Akmang tatayo siya ng may humawak sa mga kamay niya. Nang lumingon siya ay nakangiti si Dylan sa kanya.
    "Saan ka pupunta? halika na dito sa tabi ko matulog ka na din para makabawi ka ng tulog ulit. Madaling araw na gising ka pa." Napa tingin siya sa wall clock na nakasabit 2:00 AM na pala kaunting tulog nalang ang magagawa niya.
     "Ano pang hinihintay mo diyan? halika na dito sa tabi ko tulog na."
     "Akala ko lasing ka?" Hinampas niya ito sa braso na naging mannerism na niyang ginagawa dito. "Kainis ka!"
    "Nahimasmasan ako ng pinunasan mo ako."
    "Kung ganoon naman pala umakyat ka na doon sa silid mo."
    "Ayoko tinatamad na ako tsaka nahihilo pa din ako kaya dito ko gusto matulog sa silid mo."
    "Hindi pwedi kasi ano ahm..., Hindi ako Sanay matulog ng may katabi ano kasi malikot akong matulog parang roller coaster ganun."
    "Nagpapatawa ka. Halika na yayakapin nalang kitang mabuti para hindi ka maglikot."
    Atubili man pero pumayag na din siya."Sige na nga basta, huwag mo kong sisihin kapag di ka nakatulog ng maayos." Tumabi na siya sa tabi nito na agad naman siyang dinantayan ng mga hita nito at tsaka yinakap siya ng patagilid habang nakaunan naman siya sa braso nito.

    KAHIT HALOS hindi siya nakatulog ng maayos dahil katabi niya si Dylan idagdag pa na halos hindi rin siya nagbago ng posisyon sa pagkakahiga sa takot na maihulog niya ito sa kama kapag napasarap na siya ng tulog.
    Kaya kahit halos tatlong oras lng ang tulog niya ay bumangon na siya para maipagluto ito ng chicken soup na mainam para sa may hang over din. Habang abala sa ginagawa ay nadatnan siya ni Nay Flor.
    "Ang aga mo ata nagising ngayon ija nakakapanibago nakangiti ito sa kanya."
    "Magandang umaga po." Simula ng dumating siya dito at mag silbing yaya kay Dylan ay never siyang ginising ng mga ito kahit tanghali na. May pagkakataon pa na nagigising na siya ng nakaalis na si Dylan papuntang opisina nito na kung tutuusin bilang tagapag alaga ay dapat palagi siyang unang gumising dito. Buti nalang talaga at mabait sa kanya ang mag asawang matanda.
    "Para saan ba yan niluluto mo?"
    "Para kay Dylan po, kasi mainam po ang chicken soup sa may hang- over lalo na kung mainit na kakainin."
    "Umuwi pala siya, eh kung ganoon saan natulog ang batang iyon? Galing ako sa silid niya pero wala siya doon wala din sa mga guest room."

    Nahihiyang napakamot siya ng batok at may alanganin ngiti na nakapaskil sa kaniyang labi. "Sa silid ko po siya natulog kasi po sobrang lasing po siya ng dumating, dito ko nga sa kusina yun nakita habang nakayukyok. Natakot naman po ako na iakyat siya sa silid niya nahihiya naman po akong istorbohin kayo para lang magpatulong dahil madaling araw na po iyon pati baka po mahulog kami sa hagdan kapag pinilit ko siyang dalhin doon."
    Patango-tango lang si manang habang nakatingin sa kanya.
    "Huwag po kayo mag isip ng kung ano manang."
    "Hija, hindi ako nag-iisip ng kung ano, ang totoo niyang natutuwa ako para sa inyong dalawa. At hindi naman lingid sa akin na hindi mapansin ang kakaibang kilos mo kapag nasa paligid mo lang si Dylan. Nitong mga nagdaang araw alam ko may kakaiba sa inyo. Kasi hindi ka na niya pinapahirapan ng kung ano-anong utos."
    "Hindi na pati kayo teenager na dapat pang pagsabihan kasi matanda na kayo para diyan. Basta masaya ako at mukhang nagkakaigihan kayo."
    "Wala pong ganoon manang ang totoo ako lang po ang may piling sa kanya pero siya wala po."
    "Ayos lang iyan pasa-saan ba't magkakaron din iyon basta matuto lang maghintay."
    "Sanay po akong maghintay basta para sa kanya."
    "Mainam, Pakisabi mo na rin sa kanya na kami'y tutungo ng batanggas at pinapauwi na kami ni bunso para sa kanyang kasal. Alam naman na niya iyon ipaalala mo lang."

Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Where stories live. Discover now