kabanata 14

2.3K 82 8
                                    

     ALMOST one week nag-stay si Dylan sa kanila  after ng pamamanhikan nito sa pamilya niya. Ngunit kinailangan nitong bumalik sa manila dahil sa biglaang tawag ng secretary nito na si Angel. Dahil sa isang emergency na hindi kayang i-handle nito at ito lang ang pwede.
    Two days had past and he miss her so much, kaya naman tinawagan niya ito pero nakaka ilang ring na ay hindi pa rin nito sinasagot.
    Marahil ay sobrang halaga ng ginagawa nito ngayon araw, kaya hindi sinasagot ang mga tawag niya. Hindi lang kasi siya sanay na hindi agad nito sinasagot ang tawag niya. Ngayon lang iyon nangyari.
    "Maghihintay na lang ako ng tawag niya sa akin" kasi usually si Dylan naman talaga ang tumatawag sa kanya.
     Para hindi maisip si Dylan, napagpasyahan niyang pumunta sa manggahan, kung saan ang kapatid niyang si Skylaine na siyang nangangasiwa doon. Nadatnan niya ito na abala sa pag-iistima ng mga mangga at mabusising Chini-check.
    "Laine, ano kamusta ka naman dito, mukhang sobrang busy talaga ah?"
    "Ate ikaw pala, ayos lang naman. Kailangan lang na masiguro na nasa maayos ito lahat, pa-export ito sa makalawa eh, kaya kailangan maiayos ang lahat bago maisakay sa cargo."
     "That's good, nasaan naman pala si line? Hindi ko siya nakikita nitong mga nakaraang araw ah."
     "Naku lagalag iyon, baka kasama na naman ng mga kaibigan."
    "Ganoon ba, anong pwedi ko maitulong sayo dito?, naiinip ako sa bahay hindi ako sanay na walang ginagawa eh. Si mama naman, ayaw din ako pakilusin sa bahay kasi dapat sulitin ko daw ang pahinga ko."
     "Parang hindi mo naman kilala si mama lalo na kapag nandito ka." Nakangiti nitong wika sa kanyang Ate. "Alam niya kung gaano ka ka-workaholic, at isa pa siguradong pagbalik ni kuya Dylan, mag-aasikaso na kayo ng mga kakailanganin at dapat gawin sa kasal ninyo diba?"
    "Oo, na mimiss ko na nga siya eh.
    "Aysus, ganyan talaga daw pag inlove ng sobra Ate nagiging O.A, parang ilang araw mo pa lang hindi kasama si Kuya, ganyan ka na."
    Natawa ito sa sinabi ng kanyang kapatid, "mukhang di ka pa nai-inlove kaya ganyan ka magsalita."
    "Bata pa naman ako Ate, hindi ko kailangan magmadali. Ewan ko lang si line, kasi feeling ko may boyfriend na iyon hindi lang sinasabi."
    "Talaga ba, ayos lang naman iyon basta hindi siya sasaktan, ikaw wala ka ba talagang balak mag-boyfriend?"
    "Naku Ate, wala pa sa plano ko iyan." Nang bigla itong napalingon ng may tumawag sa pangalan niya.
    "Sky..! Sky..!" Si Loer iyon, ang best friend niya. Sky ang tawag sa kanya nito nang maging matalik silang magkaibigan. Ok lang naman na tawagin siya nito ng ganoon dahil never nagpa tawag ng sky ang kakambal niyang si line sa kahit na sino.
    "Hi Ste Rhaime, kamusta ka?" tanong nito ng nakangiti sa kanya. "Lalo po kayong gumanda, paano po maging ganyan kaganda?"
     Natawa naman si Rhaime sa tanong nito sa kanya. "Ano ka ba maganda ka rin naman eh."
     "Hindi po ako maganda palagi po iyan sinasabi ni sky eh."
    "Naku huwag ka maniwala, kapag sinasabi niya iyon sa iyo. Ayaw lang niyang nasasapawan ang ganda niya."
    "Ate Rhaime naman eh!" alma ng kapatid nito sa sinabi niya. "Pareho kaya kaming hindi maganda."
    "Hoy, ang kapal mo sky, maganda nga ako diba sabi ng Ate mo, kaya kung hindi ka nagagandahan sa sarili mo, solohin mo na lang iyan huwag mo akong idamay." Pare- pareho silang nagtawanan sa sinabi nito.
    "Ay oo nga pala. bakit  ka nandito at kung makatawag ka wagas?" Tanong nito kay Loer.
    "Wala lang gusto lang kita tulungan dito Sana."
"Sige uwi na ko, tutal mukhang wala naman na ako maitutulong dito kasi may katulong ka na." Paalam ni Rhaime sa mga ito.

    NAPAGPASYAHAN na lang niya na bumalik sa bahay para doon na lang ubusin ang oras at libangin ang sarili. Nang biglang tumunog ang message alert tone ng cellphone niya. Sabik na tinignan niya ito sa pagbabaka-sakaling si Dylan na ang nagtext.
    Ngunit agad na nangunot ang kanyang noo ng makita na galing iyon sa isang unknown number, Dahil sa pag-aakalang importante, agad niya itong binasa, ngunit muling nangunot ang noo niya dahil sa mensaheng nakasulat.
    I am Dylan's girlfriend, do you think he is true and really madly in love from you? You were wrong, you have been erased from his heart and mind for a long time. So don't expect him that he's coming back to you. Everything he shown you was just a revenge, from what you did to him fifteen years ago. I feel sorry for you, so  I will let you know while it's still early, because maybe if it last longer, you will drown completely in the trap he intended for you. So do not plan to call or talk to him again, even meet him. I warned you Rhaimella.
    Ayaw niyang Maniwala sa nabasa, kaya pinilit niyang pakalmahin ang pusong nasaktan. Kung iniisip nang kung sino man na nagtext sa kanya nito, na basta-basta na lang siya maniniwala, puwes nagkakamali ito. Dahil siya ang tipo ng babae na hindi madaling maniwala sa sabi-sabi, kung wala man lang itong pruweba na makikita ng kanyang mga mata.
  Dumaan ang maghapon ay wala pa din siyang natanggap na tawag o text mula kay Dylan. Kahit na siya na mismo ang tumawag, ay hindi pa rin nito sinasagot.
    "Buwise, ! what happened to him?" mahinang tanong niya sa sarili. Nanggigigil na siya lalo na at naaalala niya ang text na natanggap. kaninang umaga sa kung sino man na girlfriend daw nito. But wait, Bigla siyang natigilan nang maisip na,  oo nga pala, masyadong mabilis ang pangyayari simula noong magkamabutihan sila ni Dylan.
    Hindi niya naisip na baka nga may girlfriend na ito at nakakapagtaka ang biglaang pagbabago nito nang pagtrato sa kanya simula noon. Napasabunot siya sa sariling buhok habang nakayuko.
    "Shit." Mura niya ng maalala ulit ang text na natangap niya kaninang umaga sa girlfriend daw nito. Kung totoo na talagang magka-relasyon sila ni Dylan nakasisigurado siyang malalim ang relasyon mayroon ang mga ito dahil mukhang alam nito ang nakaraan sa kanilang dalawa ni Dylan.
    Kung totoo ang sinasabi nito na paghihiganti lang ang rason kung bakit ginagawa ito ni Dylan sa kanya. Isinusumpa niya na hindi niya  mapapatawad si Dylan. Kahit kailan hindi  niya ito niloko at mas lalong hindi pinaglaruan.
    Ang lahat ng mga ipinaramdam niya dito ay totoo, kaya ganoon na lang siya kabilis naniwala dito, na humantong pa sa pagbibigay niya ng kanyang pagkababae.

Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Where stories live. Discover now