Kabanata 18

2.4K 91 8
                                    

WARNING⚠⚠⚠ Expect wrong typos and grammatical error ahead.
             ****************

    TWO DAYS after nang naging usapan nila ng kaibigan si Ysmiellien ay napag pasyahan na niyang umuwi na at hindi na tapusin ang natitira pang araw ng bakasyon niya sa isla. napag-tanto niya kasi na hindi rin naman nakatulong iyon para makalimutan niya si Dylan bagkus lalo pa nga niya itong pinanabikan. Kaya naman naisip niya na bumalik na lang sa trabaho para maabala ang utak niya at iyon ang the best na dapat gawin niya.
    "Ate!" Masayang salubong ng mga kambal niyang kapatid sa kanya pagkapasok niya pa lang ng kanilang sala. Yinakap niya ang mga ito. "Nasaan si mama at papa?" nakangiti niyang tanung sa kambal.
    "Ahm umalis sila ate may pinuntahan lang sila sa bayan kasi naimbitahan sila sa isang handaan doon."
    "Ganoon ba. Akyat muna ako sa silid ko magpapahinga lang muna ako, sabihan ninyo na lang ako kapag dumating na si mama at papa ha." Dumiretso na nga siya ng akyat bitbit ang maliit na maleta na pinaglalagyan ng kanyang mga gamit. Agad siyang nahiga sa malambot niyang kama.
    Agad din siya babalik ng manila. Dito lang muna niya napiling dumiretso sa bahay nila dahil tiyak kung hindi ay magtatampo ang kanyang mga magulang. Nakatingin lang siya sa kisame ng kanyang silid. Isang imahe ng lalaki ang tila lumitaw doon, imaheng hindi niya malimot-limutan, nakatingin ito sa kanya habang bakas sa mga mata nito ang pagsusumamo.
    Mariin niyang ipinikit ang mata at sa kanyang pagmulat ay tagumpay naman siyang nawala ang imaheng iyon. Bumangon na lang siya para magpalit ng damit pambahay kumuha siya ng pamalit na damit sa kanyang cabinet.

    KINAGABIHAN kasalukuyan sila nasa sala ng kanilang bahay at masinsinan siyang kinausap ng kanyang mga magulang ng malaman ng mga ito na naka uwi na siya.
    "Kamusta ang pag babakasyon mo?" Tanong ng kanyang mama.
    "Ayos lang po, maganda po sa islang iyon"
    "Mabuti naman kung ganoon, sana malaki ang naitulong ng bakasyon na iyon sa'yo." Ani ulit ng kanyang mama na ngiti lang ang kanyang sagot. Natuon ang kanyang paningin sa kanyang papa ng ito naman ang magsalita.
    "Anak nagpunta dito si Dylan habang nasa isla ka."
    "Po? Bakit daw at anong ginawa niya dito?"
    "Binigay niya ang panig niya na ayaw mo pakinggan,"
    "At naniwala naman po kayo? Sigurado ako na nililinis lang nya ang kanyang sarili syempre sa harap nyo ni mama. "
    "Anak, ang taong nag namamahal ng totoo kapag kaharap mo mararamdaman mo kung totoo ang mga sinasabi sa iyo. Ikaw ang higit na mas makakaalam ng totoo sa sinasabi niya kung bibigyan mo siya ng pagkakataon na makausap ka. Hindi namin ito sinasabi sayo bilang magulang mo dahil sa gusto namin si Dylan, kundi para sa sarili mo."
    "Maraming taon na ang nasayang para sa inyong dalawa at huwag mo hayaan na muling masayang ang mga araw na dadaan sa buhay mo. Tama na ang isang beses na hindi mo paglaban noon dahil nga bata pa kayo at mas pinili mo na kaming magulang mo kaysa sa lalaking minahal mo ng buong buhay mo. Panahon na para lumigaya ka sa piling niya." Mahabang lintanya ng kanyang ama.
    Huminga muna siya ng malalim bago sumagot at ngumiti sa mga ito. "Salamat papa pero hayaan ninyo po, pag-iisipan ko ang mga sinabi ninyo ni mama. Sa ngayon hindi ko pa kanyang makita siya."

"GOOD morning ma'am Rhaime welcome back po," nakangiting bati ni Mitch sa kanya. Nahiyang po kayo sa pag babakasyon ma'am lalo po kasi kayong gumanda.
    "Hmm..., kahit kailan bolera ka," nakangiti niyang sagot sa secretary nila ni Sansky. "Pakibigay mo sa akin ang mga list ng aplikante natin na naka schedule for final interviews para sa hotel sa Qatar." Tsaka pa lang siya diretsong pumasok ng kanyang pribadong opisina sa bandang kanan na pinto dahil ang sa kaliwa ay kay Sansky.
    Inilapag niya ang dalang gamit sa office table niya at umupo sa kanyang swivel chair. Ipinalibot niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kanyang opisina. Malaki iyon kung tutuusin at kumpleto sa gamit. Na miss niya ang kanyang opisina. Kung tutuusin madalang siya mag opisina dito kahit na nung bago pa man siya magbakasyon dahil palaging out of town ang trabaho niya. Mas madalas sa kanilang dalawa ni Sansky na siya ang nasa field work kaysa dito. Mas gusto niya kasi ang palaging bumabyahe out of the country para sa mga kliyente nila. Iyon ang paraan na ginawa niya para kahit paano ay hindi okupahin ng puso at isip niya si Dylan ng mga panahon na iyon na hindi naman talaga nawala sa kanya.
    Katulad na lang ngayon, mas pinili niya na magbalik trabaho kaysa tapusin ang ilang araw na bakasyon pa. Tiyak na magugulat ang kaibigan niyang si Sansky kapag nalaman na nandito na siya, sinadya niya talagang hindi ipaalam dito ang pag babalik trabaho niya dito sa Rhaimesans para sorpresahin ito.
    "Well..., Well..., Well...., So totoo nga na nandito kana ayon sa ating mabait na sekretaya?"
    Napatingin siya sa bumukas na pinto at ang malapad na ngiti ni Sansky ang sumalubong sa kanya, agad itong lumapit at niyakap siya. Gumanti din siya ng yakap dito, "best I miss you."
    " I miss you too." Humiwalay ito ng yakap kay Rhaime at umupo sa visitors chair nito sa harap ng table niya. "Kamusta na si pala si Ysmiellien sa isla at ang problema niya doon? "
    "Ayos lang naman siya doon but about her problem, well wala pa siyang idea kung sino ang taong naghahangad na makuha ang isla sealandia. Kaya malamang sa magtagal pa siya doon."
    "Eh how about you, are you okay now?"
    "Well much better now than before." At pilit ngumiti dito.
    "Talaga lang ha?, kung sa itsura mo ngayon ang pagbabatayan ko mukhang naka recover ka na nga kasi parang lalo kang gumanda pero." sabay taas ng isang kilay sa bandang kanan. Well masasabi kong hindi ka papasang best actress sa akin bestie. " tumawa pa ito ng matunog.
    "Baliw ka talaga." Natawa rin siya. Sabay silang napatingin sa bumukas ulit na pinto at si Mitch ang nakita nilang papasok dala ang mga folder.
    "Mam Rhaime heto na po ang mga folder ng mga listahan na naka schedule para sa final interview." Sabay patong sa mesa ng mga folder.
    "Thank you Mitch."
    "By the way Ma'am Rhaime may kliyente din po kayong dumating hindi ko muna pinapasok dito dahil nag-uusap pa kayo ni Ma'am Sansky.
    "Are you sure sa akin kliyente? baka naman kay Sansky?" Kasabay ng pagkunot ng noo niya. First day of work may kliyente na siya agad, wala siyang matandaan na may naka schedule sa kanya ngayon na kliyente dahil nga kababalik pa lang niya. Kaysa pahirapan ang sarili sa pag-isip kung sinong kliyente ang sinasabi ni Mitch ay binigay niya ang pahintulot na papasukin ito kahit nasa loob pa si Sansky.
    Hindi rin naman nagtagal at muling bumukas ang pinto na nilabasan ni Mitch. Natigilan siya ng makita ang isang tao na pinanabikan niyang makita ulit ng personal kahit anong tanggi niya sa sarili na hindi niya ito pinanabikang makitang muli.
    "Oops...., mukhang kailangan ko ng lumabas at pumunta ng opisina ko para makausap mo ang kliyente mo na iyan bestie." Sabay tayo at nakangiti ng makahulugan dito.
    "Hi Dylan" Bati ni Sansky dito bago lumabas ng tuluyan.
    Both Dylan and I stared at each other and their eyes seemed to fight over who would first look away.
    Kumabog ng malakas ang kanyang dibdib kung saan nakapwesto ang kanyang puso pagkakita niya kay Dylan. Gaya ng dati ay sobrang lakas pa rin ng impact nito sa kanya gaya nang unang makita niya ulit ito sa mansion nang mag nanny siya dito.
    "My Vien," akmang lalapit si Dylan kay Rhame ng pigilan ito ng dalaga.
    "Do not come near me, do not try Dylan." She immediately stopped it because she did not want to betray his own feelings when they met again. Ayaw niya maging marupok sa pagkakataong ito kaya kailangan higpitan niya ang kapit sa isip lalo na sa puso niya. Kailangan hindi siya agad mahulog ng ganong kabilis sa patibong nito. Mahirap ng maulit iyon dahil agad siyang nagtiwala dito gaya ng nangyari sa kanila sa mansyon.
    "Rhaime, alam ko galit ka pa rin sakin."
    "Mabuti alam mo," paingos na sagot niya. "Anong ginagawa mo dito? ah, baka kailangan mo ng bagong nanny na mag-aasikaso sa iyo. Well sige papadalan kita kahit bukas na bukas kung gusto mo."
    "Hindi ko kailangan ng nanny, kung meron man akong gugustuhin maging nanny ikaw lang iyon Rhame wala nang iba."
    Natigilan siya sa sinabi nito. Oops kalma puso nanny ang sabi niya so meaning ikaw lang gusto niyang maging Nanny, pagkausap niya sa sarili..
    "I will not ask you to forgive me now for what I did to you, yes I admit that I really planned to repay you but all that changed when I realized that I could not continue to do that to you because I really love you. At hindi ka nawala dito kahit kailan Rhame," sabay turo sa sariling puso.
    "I am willing to start at the beginning. If I need to court you again I will, just come back to me. I beg you to give me a chance to be mine again my Vien."
    "At ang tungkol sa babaeng nakita ko sa kama mo, bakit wala ka binabanggit?" Sa kanyang isip lang niya sinabi iyon at hindi siya nagtangka na lagyan ng tinig para marinig ni Dylan kaya napa ohh siya ng sagutin iyon ni Dylan.
    "And about Catleah i'm not her boyfriend, yes we have sex but that's it and we really don't have a relationship. I'm just a man and i have sexual needs but those are the times you are not in my life again. Nang araw na naabutan mo siya sa kama ko plano niya ang lahat ng iyon at isinusumpa ko na wala akong alam kung may nanhyari nga sa amin o wala."
    "Are you done?" Tanong ni Rhaime dito ng nakataas ang kanang kilay. Kung wala ka ng sasabihin pa pwedi ka ng umalis dahil magtratrabaho na ako, isa kang malaking istorbo kasi para sa kaalaman mo. Huwag ka ng babalik ulit dahil ngayon pa lang sinasabi ko na sa iyo na wala ka nang dapat pang asahan sa akin."
    Hindi inaasahan ni Dylan ang sagot nito sa kanya. "Okay, aalis na ako kung iyan ang gusto mo." Bagsak ang balikat na tumalikod na ito sa kanya para lumabas. Kung inaakala ni Rhaime na ngayon pa lang ay susuko na siya nagkakamali ito.

Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Where stories live. Discover now