Kabanata 17

2.4K 100 7
                                    

Warning⚠⚠⚠ expect wrong typos and grammatical error ahead....
            ****************

    NAGHAHANDA na sa pag tulog si Rhaime ng gabing iyon sa kanyang silid na nakalaan simula ng dumating siya dito sa isla ng kanyang kaibigan na si Ysmiellien.
    Habang nagsusuklay at na kaharap sa salamin ay bigla niyang  napansin ang isang USB na nakapatong dito. Ito yun binigay ni Miellien sa kanya ng magkita sila sa restaurant may nagpapabigay daw sa kanya, pero hindi daw alam kung kanino galing kasi napag-utusan lang daw din yun nagbigay. Actually nakalimutan na nga niya ito. Isang  linggo na ang nakalipas. Nito kasing mga nakaraan araw ay nililibang lang niya talaga ang sarili kasama ang kaibigan si Miellien at buti na lang talaga mayroon siyang mga kaibigan tulad nito at ni Sansky.
    Habang sinisipat ang ngayon ay hawak ng USB. Medyo weird naisip niya, dahil sino naman ang mag bibigay sa kanya ng ganito? Bugso ng kanyang kuryusidad kaya naman matapos magsuklay ay inabot niya ang laptop niyang dala na nakapatong sa kama at maayos na ikinonect ang USB dito.
Wala siyang kahit na anong file na nakita doon maliban sa nagbubukod tanging isang video na naka folder sa movie na may title na naka sulat na kahit ayaw mo na ng grupong  This band. Agad siyang napakunot at nagtaka, " ano to?" bigkas niya ng mahina. Pinindot nya ang play at ng mag umpisa yun ay isang video nga iyon ng kanta na tanging lyrics lang ang laman.
    Tinignan niya ng mabuti ang bawat lyrics na lumalabas sa monitor.  Alam niya ang kantang iyon dahil madalas niya itong naririnig  sa radio at palaging kinakanta din ng mga ka bataan ngayon.
    Kahit ikaw ay magalit sayo lang lalapit, sayo lang aawit
Kahit ikaw ay nagbago na iibigin pa rin kita, kahit ayaw mo na
Tatakbo, tatalon, sisigaw ang pangalan mo iisipin na lang na panaginip lahat ng ito
O bakit ba kailangan pang umalis
Pakiusap lang na huwag ka ng lumihis
Tayo'y mag usap teka lang ika'y himinto huwag mo kong iwan aayusin natin ito
Daling sabihin na ayaw mo na pero pinag isipan mo ba
Lapit ng lapit , akoy lalapit
Layo ng layo bat ka lumalayo
Labo ng labo ika'y malabo, malabo tayo'y malabo
Bumabalik, at muli ka ring aalis
Tatakbo ka ng mabilis
yayakapin ng mahigpit
Ang hirap pag di mo Alam ang iyong pupuntahan
Kung ako ba ay pagbibigyan O nalilito lang kung  saan
    Nakuha ng matapos ang kanta pero wala pa rin siyang idea para bigyan siya ng USB at iisa lang naman ang laman, pero bakit ang lakas ng pintig ng puso niya habang tumutugtog iyon? Inulit-ulit niya pa pakingan at hindi niya alam kung ilan beses ata niyang inulit. Nang makaramdam ng antok ay tsaka pa lang niya isinara ang laptop para matulog.

    RHAIME also woke up early that morning he looked at the time on his cellphone and just past five o'clock in the morning, she went into the bathroom to wash and brush his teeth and decided to go out first. She crossed the road to the beach, she always does this before dawn. She wants to see the gradual rising of the sun king.
    Masarap sa pakiramdam iyon para sa kanya at habang binabagtas ang daan ay tila siya may nakitang isang lalaki na nakatanaw sa kanya. Hindi masyadong makita ang mukha nito dahil malayo ang pagitan nila at medyo madilim pa. Marahil isa iyon sa mga tagapag-linis ng  kaibigang si Ysmillien dahil walang ibang dayuhang nakaka pasok sa isla na ito kung walang pahitulot.
    Umupo siya sa buhangin at Malayang tinanaw ang paghampas ng alon. Sa bawat araw na inilagi niya dito sa isla ay ni minsan hindi nawala sa isip niya si Dylan. Bigo siyang itaboy ito sa kanyang isip at kahit anong gawin niya ay hindi ito umalis. Kung sa bagay hindi naman ito umalis kahit kailan lalo na sa kanyang puso.
    Bumahid ang mapait na ngiti sa kanyang labi kasabay ng pagtulo ng munting butil ng luha sa kanyang mga mata sa pagka alala sa kataksilan ginawa nito sa kanya.
    "Dylan, " bulong ni Rhaime sa pangalan nito habang nakatanaw sa papasikat ng araw.

    SA kabilang banda naman ng dalampasigang iyon ay malungkot na nakatanaw lang ulit si Dylan sa imahe ng babaeng ni minsan hindi nawala sa isip at puso niya.
    "Alam kong hindi pa ito ang panahon para muli akong humarap sayo my Vien, ipinapangako ko na aayusin ko muna at haharapin ang isang panyayaring hindi ko nagawang ibigay sa'yo at sana sa muli natin paghaharap sana mapatawad mo na ako." Mahina niyang usal sa kanyang sarili.
    Ngayon ang araw ng luwas niya sa Manila and because he knows Rhaime always goes out every morning before dawn to watch its rise he is content to just watch it from a far. He devoted three weeks to himself and became content with just looking at the woman he loved.
    Nang matanawan mula sa malayo ang pagtayo ng dalaga sa buhanginan at tahakin na nito ang daan pabalik sa cabin na tinutuluyan nito ay doon pa lang din niya napag-pasyahan umalis na rin. Maliwanag  na din ng sumakay siya ng bangka na maghahatid sa kanya sa kabayanan. Ang bangka at bangkero na regular na tagapag hatid-sundo dito sa isla kapag may mga bisita si Ysmiellien.
    Nang makarating sa kabayanan ay agad may lumapit sa kanyang isang  matandang lalaki at inabot ang susi ng kanyang sasakyan na nakaparada na sa gilid ng kalsada.
    Isa ito sa mga pinagkakatiwalaan tauhan ni Ysmillien para sa mga kagaya niyang may dalang sasakyan. Sapagkat hindi naman madadala ang sasakyan sa isla sealandia.
    "Salamat po manong."
    "Walang anuman po ser, kayo po ay mag ingat sa byahe."
Tango at matipid na ngiti na lang ang sinagot niya sa matanda at diretso ng sumakay ng kanyang Sasakyan. Mahaba-haba din ang byahe niya at tiyak na maabutan na siya ng traffic  sa oras na makalabas na siya ng probinsya. Tinawagan niya ang kaibigan at sekretaryang si Angel.
    "How was the office while i was away?"
    "It's okay, don't worry, nagkausap na ba kayo ni Rhaime?"
"not yet, i changed my mind, tsaka ko na siya haharapin kapag naayos ko na ang dapat ayusin."
    "What?! you mean during your stay in selandia you never even tried to talk to her."
    "Oo, nakuntento na ako na tanawin na lang muna siya sa malayo Angel."
"Anak ng tokwa Dylan!, para saan pa na kinausap ko si Ysmiellien para lang makuha ko ang kinaroroonan ni Rhaime para sa'yo tapos wala ka man lang ginawang move."
    "Just calm down, I plan to talk to her parents first and then after I talk to them, i will take the next step for Rhaime and me."
    "Asus, mabuti naman kung ganyan, do you have anything else to say?"
    "No more, call me when you can't handle the office problem and thank you for your help buds."
    "Walang anuman buds were bestfriend kayo ni  Mond so natural lang na magtulungan tayo."
"How about Aidemiel buds?, friends din natin iyon."
    Angel's eyes widened at what she heard from Dylan. He is not my friend, he is my enemy, Mond and you, are my only friend.
    "May gusto ka siguro kay Aidem kaya ganyan ka? Natatawang turan ni Dylan dito.
"Duhh..., OMG Over my dead body Dylan." Sa maarteng tono ng salita, "babye na nga ingat sa pag-drive ha."
    "I will buds thank you again." Itinutok na niya ang atensyon sa pagmamaneho. Tanghali na masyado ng makarating siya ng bahay. Magiliw siyang sinalubong ni Nay Flor at Tay Ric pagkapasok na pagkapasok niya ng mansyon.
    Dumiretso siya sa sala at tsaka pasandal na naupo sa pahabang sofa. Ngayon niya naramdaman ang hapo sa mahabang oras na pagmamaneho. Umupo din ang matandang babae sa tabi niya habang ang matandang lalaki naman ay kinuha ang mga gamit na dala niya sa sasakyan.
    "Kamusta ang pagsunod mo kay Rhaime ijo?" Tanong ni Nay Flor dito.
    "Ayos lang naman po pero hindi ko muna siya nilapitan. Napag isip-isip ko din kasi na hindi pa iyon ang tamang pagkakataon. May mga bagay ako na dapat ko munang ayusin para samin dalawa. Kung sakaling maayos ko na po at hindi na niya ko bigyan pa talaga ng pagkakataon, mahirap man tangapin wala na siguro akong magagawa pa.'
    "Tama iyan desisyon mo anak, dahil hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Oh maiwan na muna kita ng ika'y makapag pahinga na rin at alam ko napagod ka sa byahe."
    "Salamat po Nay Flor" sabay matipid na ngumiti sa matanda bago siya iniwanan nito. Pumusisyon siya ng pahiga sa mahabang sofa agad siyang nakaramdam ng ginhawa ng lumapat ng maayos ang kanyang buong likod sa malambot na higaan.
    Maraming ala-ala si Rhaime na naiwan sa bahay  na ito kaya naman hindi niya na pigilan ang daloy ng mga munting ala-ala sa kanyang isipan habang nakatingin sa kisame.
    Mula sa unang araw ng pagdating nito sa mansyon, ang unang pagkikita nila bilang nanny sa kanya, mga munting pagpapahirap niya dito. Kung paano sila nagkamabutihan ulit, iyong muntikan nitong pagkalunod at higit lalong ang araw na ibinigay nito sa kanya ang pagkababae nito.
    "I miss you Rhaimella Vien Suarez," mahina niyang usal at tsaka pumikit. Dahil sa pagod na din siguro at walang maayos na tulog ay hindi na niya namalayan na nakatulog na siya sofa.

Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Место, где живут истории. Откройте их для себя