Kabanata 21

2.6K 104 37
                                    

WARNING⚠⚠ Expect wrong typo and grammatical error ahead. As I always said this is my first creation story.
             ************

    SOBRANG sakit ng ulo niya ng  umagang iyon at ang pakiramdam na ang bigat din. Bumukas ang pinto at pumasok si Ate Lenie na may dalang pagkain sa isang tray.
    "Kamusta pakiramdam mo?"
    "Sobrang sakit po ng ulo ko at ng tiyan ko po humihilab. Pakiramdam ko lasing din siya." Napahawak siya sa kanyang sentido ng kumirot iyon.
    "Normal iyan kasi may hang over ka pa."
    "Oh, i don't like this feeling, I hate hang over Ate."
    "Hate mo pero naglasing ka. Mabuti pa at kainin mo na Itong chicken soup na niluto ko habang medyo mainit pa ng mahimasmasan ka. Inumin mo din ito Advil pagkatapos."
    "Sobrang lasing ko po ba kagabi? "
    "Ay oo wala ka na ngang malay ng iuwi ka ni Dylan. As in bagsak  ka na."
    "Talaga po; Siya po pala naghatid sa akin, napangiti siya pero agad din nawala ng maalala ang tagpong iyon kagabi kung paano ito maglambingan sa harap niya kasama ang mukhang anghel na babae na iyon, oh Angel nga pala pangalan nito.
    "Bakit ako nasasaktan ng ganito hindi ba't dapat ay hindi ko ito maramdaman sapagkat tinapos ko na ang relasyon namin.
    Pero bakit ang sakit. Namuo ang luha niya sa gilid ng kanyang mga mata na agad din niya pinunasan bago bumagsak.
    Kaya pala hindi na ito nagpaparamdam sa kanya ay may iba na pala itong pinag-kaka abalahan at talagang hindi na lumayo at sekretarya na lang nito ang ipinalit sa kanya.
    "Maiwan na kita at ako ay may gagawin pa."
    "Ahm Ate, kung si Dylan po ang nag hatid sa akin kagabi nagtagal po ba siya?"
    "Hindi., kasi umalis din siya agad ng maipasok ka namin dito sa silid mo. May babalikan pa daw siya. Ako na lang ang nagasikaso sa iyo kagabi at talagang sobrang lasing ka nga, nasukahan mo pa nga iyun tao eh." Natatawa pa ito ng sinabi iyon. "O s'ya ako'y lalabas na, huwag mo kalimuntan inumin iyan Advil."
    Sa nasaksihang iyon kagabi ay na realize niya ang isang katotohanan na labis niyang pagsisihan sa bandang huli kapag hindi siya kumilos ngayon pa lang. Kaya naman buo na ang kanyang pasya.

NAKATAYO siya sa harap ng malaking gate ng mansyon ni Dylan, sinadya niyang gabi na ito puntahan upang makatiyak siyang daratnan niya ito dito. Ilang  hinga at buga ang ginawa niya muna bago mapag-pasyahan pindutin ang door bell nito.
    Si Nay Flor ang nagbukas noon at sabik na niyakap siya nito pagkakita sa kanya at ganoon din naman ang kanyang ginawa.
    "Kamusta po kayo Nay? Nakangiti niyang tanong."
    "Ayos lamang ija, ikaw?"
    "Mabuti rin po. Gusto ko po sanang makausap si Dylan,  nandiyan po ba siya?"
    "Ay oo ija, paki puntahan mo na lamang siya doon sa mini bar at kapag ganitong oras ay doon lamang iyon naglalagi."
    "Salamat po."
    "Walang anuman."
    Tinahak niya ang daan patungo sa mini bar nito at nasa bungad pa lang siya ng pinto ay tanaw na niya agad ang binata na nakatalikod, tumigil muna siya ng saglit at pinakiramdaman ang bilis ng pintig ng kanyang puso. Dahan-dahan ang ginawa niyang paglapit.
    "Dylan," malumanay na tawag niya sa pangalan nito.
    Hindi makapaniwala si Dylan na makikita niya si Rhaime sa kanyang harapan ngayon, ang akala niya ay  guni-guni lang iyon ng narinig niya ang boses nito sa pagtawag ng kanyang pangalan.
    Matiim silang nagtitigan at tila inaarok ang nararamdaman ng bawa isa.
    "Rhaime, What are you doing here?"
    "Let us talk Dylan."
    "Sa pagkakatanda ko, wala na tayong dapat pang pag-usapan dahil tinapos mo na sa atin ang lahat."
    "I'm sorry Dylan,"
    "Para saan?"
    "Pinagsisisihan ko na hindi kita binigyan ng pagkakataon."

    Dama niya ang lamig ng pakikitungo nito sa kanya, pero buo na talaga ang pasya niyang sabihin na mahal niya pa rin talaga ito. I'm so sorry for everything, ang tanga ko na hindi kita binigyan ng pagkakataon, i still love you Dylan. Tuluyan bumagsak ang luhang namuo sa kanyang mga mata.
    "Natakot akong tuluyan ka ng mawawala sa akin matapos na makita kitang may kasamang ibang babae sa club. Na realize ko na hindi ko pala kaya na mawala ka ng tuluyan. Sa pagkakataon na ito ako naman ang magsasabi ng mga salitang binitawan mo na sa akin noon. Please come back to me Dylan, be mine again?" Puno ng emosyon ang mababanaag sa kanyang magandang mukha at mga matang kakikitaan ng pagsusumamo.
    Pinakatitigan ni Dylan ang mga mata nitong patuloy na lumuluha, at inaarok ang katotohanan sa sinasabi nito. Lumapit siya kay Rhaime at pinunasan ng sariling daliri ang mga luha nitong patuloy lang sa pamamalisbis.
    "I'm sorry, but everything is too late between us."
    "Wh-what do you m-mean by that..?"  Hindi pa man niya naririnig ang dahilan nito ay nilukob na ng libo-libong maliit na  karayom ang kanyang puso dahil sa pagtusok ng mga ito.
    "Everything is okay now Rhaime, I'm okay now, masaya na ako ngayon."
    Ang kaninang hikbi lang ngayon ay napalitan na ng hagulgol na iyak dahil sa sinabi nito. Sobrang sakit ng nararamdaman niya, umiyak siya ng umiyak sa harapan nito. Ang dami pa sana niyang gustong sabihin pero ang lahat ng iyon biglang naglaho kasabay ng mga salitang namutawi dito.
    Kinabig siya ni Dylan para yakapin ng mahigpit, hinayaan niya ang sariling umiyak sa mga balikat nito habang mahigpit din ang pagkaka yakap niya dito. Heto na ba ang sinasabi ng kanyang Mama at Papa, ganoon din si Sansky at Ysmiellien. Magsisi man siya ngayon ay huli na ang lahat. Ang nag-iisang lalaking minahal niya ng bukod tangi sa buhay niya at pinag alayan ng lahat ay tuluyan ng mawawala sa kanya.
    Bumitaw siya sa pagkaka-yakap dito. I'll go ahead, at walang lingon-lingon na tinalikuran na ito at patakbong lumabas para iwan na ito.
     Hindi siya sa kanyang bahay umuwi kundi sa bahay ng kaibigang si Sansky siya dumiretso.
    "Ay naku, ayan na nga ba ang sinasabi namin saiyo eh, hindi ka kasi nakinig samin, kung bakit kasi nag inarte ka pa nun halos maglumuhod siya sa harap mo para patawarin mo tapos ano, iiyak-iyak ka ngayon ulit diyan kaloka ka bestie. Wala nang magagawa iyang iyak mo naka move on na nga ata si Dylan kasi may bago na siyang love love." Mahaba nitong lintanya sa kanya.
    "Waaahhh! ang sama mong kaibagan. Bakit ka ganyan imbes na papaglubagin mo ang loob ko dahil sa nangyari parang lalo mo pang pinapa mukha sa akin na kasalanan ko."
    "Abat ang bruhang ito, hoy! kasalanan mo talaga noh, kasi nag inarte ka pa, ilang beses ka kayang sinuyo nung tao pero ano? Nagmatigas ka kahit alam mo naman talaga na mahal mo pa. Sorry bestie kung matabil ang dila ko ngayon sa iyo pero talagang naka kainis ka kasi sa kaartehan."
    Nagpatuloy lang siya sa pag iyak, Nang maya-maya ay niyakap na siya ng kaibigan. Nagtagal din iyon ng may ilang segundo bago ito kumalas sa kanya sa pagkakayakap at tsaka kinuha ang kanyang kamay.
"Nagagalit ka ba sa akin  dahil sa mga sinabi ko?"
Umiling siya dito. "Hindi ako nagagalit sayo bestie sa mga salita mo dahil deserve ko talaga ito. Mag bestfriend tayo eh kaya normal lang na talagang ganyan ang maging pananalita mo sa akin. Kung nandito si Ysmiellien malamang na ganyan din maging reaksyon niya."
    "Tatangapin ko na lang talaga ang kapalaran ko na maging the old maid Rhaime kasi siya lang naman talaga ang minahal ko at wala na akonh mamahalin iba pa."
    "Nice title bestie parang gusto ko rin iyan. The old maid, hmmm...., I like that natatawa pa ito. You are the old maid Rhaime and I'm the old maid Sansky isama na din natin si Ysmiellien sa title na iyan kasi isa rin iyon na mas gusto ng tumandang dalaga." Sabay silang nagkatawanan.
"Speaking of Ysmiellien," ani Sansky  "I miss her na well waite bestie let me check kung online siya ha just a moment." Kinalikot nito ang cellphone.
    "Gotcha! Online siya bestie look," ipinakita ang screen ng cellphone dito sa messenger. Pinindot nito ang bottom ng video call.
"Hi, mga bestie.." maaliwalas na mukha ni Ysmiellien ang bumungad sa kanila.
"Ano at napa-video call bigla?"
    "Our bestfriend Rhaime is super totally broken now as in wala ng pag-asa kasi ang arte."
    "Hmm...bruha ka talaga eh noh. " ani Rhaime, sabay hila ng bahagya sa buhok nito. "Hi millien" kaway pa niya dito sa harap ng camera.
"Anong balita at Napa video call bigla ang dalawa kong bestfriend nga?"
"Wala naman na miss ka lang namin tsaka, we have a title na according to our bestfriend Rhaime. Since sobrang wasak ng puso nito ngayon." Natatawa niyang turan dito.
    "Talaga ba, ano naman yan title na yan sige nga?" Ani Ysmiellien.
    "Since Rhaime is totally broken now siya na daw si Old maid Rhaime. Dahil pare-pareho naman tayo na tangap ang pagtandang dalaga we are now officially The old maid."
    "Wow ha!, Nice title, Gusto ko iyan."
    Kahit hindi nila ito kasama ngayon ay masaya sila sa mga ganitong pagkakataon kahit sa video call lang. Ito ang pinaka bata sa kanilang tatlo. Ahead sila ng  two years ng idad dito kaya kung ituring nila ito ay baby sister.
    Since naging abala sila sa Rhaimesans Agency at ito naman si Millien ay kailan lang dumating galing Canada dahil nga sa biglang problema ng isla na pag-aari ng pamilya nito.
    Matagal-tagal din ang naging bunding nila magkakaibigan kahit pa video call lang, naging sulit ang usapan nila at tagumpay naman silang malibang si Rhaime.

Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Where stories live. Discover now