Kabanata 22 (FINAL CHAPTER)

2.7K 77 14
                                    

     Author's note: I'll attached the video song with lyrics of IKAW by Yeng Constantino para po mas feel at may idea kayo sa kanta.

WARNING: Expect wrong typo and grammatical error ahead. Thank you.
                   ***********

     MAKALIPAS ang isang linggo. Sila ay bumyahe kasama ang staff ni Fammy na sumundo sa kanya para siya ay ihatid sa location ng shoot para bukas. Hindi niya kasama ang kaibigan si Sansky sapagkat may aasikasuhin daw itong importante at susubukan na lang humabol bukas.
    Hindi na siya nag-abala pang magtanung kung saan ang location at dahil mukhang mahaba-haba ang byahe ay nakatulog na siya at hindi na namalayan kung gaano katagal siyang nakatulog.
"Ma'am Rhaime, Ma'am...," tawag sa kanyang pangalan na nagpagising sa kanyang kamalayan. Kinusot niya muna ang mga mata.
"Ma'am, nandito na po tayo sa location. Halina po kayo para maihatid na po kayo sa kwarto ninyo at ng sa ganoon makapag pahinga na po kayo ng maayos"
    Umibis siya ng sasakyan at ng makababa ay doon pa lang niya napansin na nasa harapan sila ng entrada ng isang magarbong resort.
"Nasaan tayo?" Tanong niya sa baklang gumising sa kanya.
    "Nasa Batanggas po tayo Ma'am. "
    "Dito ba ang location ng photo shoot bukas?"
    "Yes po Ma'am."
    Pagkahatid sa kanyang silid ay agad niyang inilapat ang kanyang likod sa malambot na kama at plano na sanang ituloy ang naudlot na tulog.
    Nang maya-maya ay narinig niya ang tunog ng kanyang caller ringtone, ang kaibigan si Sansky ang tumatawag.
    "Bestie, napa tawag ka?" Tanong ko sa kanya.
    "I just want to know kung nakarating na kayo sa location?"
    "Yah, kadarating lang namin."
    "Bukas na ang photo shoot bestie."
    "Kinakabahan ako best, I don't know why,
    "It's normal kasi first time ever mo iyan sa ganyan. Well isipin mo na lng na photo shoot iyon about sa Rhaimeans."
    "Bruha ka kasi, dapat talaga ikaw ang nandito eh."
    "Oo nga eh, nanhihinayang din kaya ako. But anyway alam mo na mas importante ang trabaho."
    "Magkano naman talent fee ko dito?" Tumawa ang kaibigan sa kabilang linya sa tanong niya.
    "Oh...., your talent fee...,im sure hindi ka magsisise at talagang masasabi mong sulit."
    "Siguraduhin mo lang noh at alam mo naman hindi ako tumatangap ng libre sa bawat pabor na hinihingi mo sa akin." Natatawa din niyang turan dito.
    "Yah I know, sige na matulog  ka na agad  and i'm sure tomorrow is gonna be your big day ever babush."
    Kahit kailan talaga praning ang kaibigan niya.

THE PHOTO SHOOT EVENT
    Abala sa kanyang pagmamake up ang isang make up artist nang lapitan siya ni Fammy. Kasalukuyan silang nasa  isang dressing room at doon na nga siya inaayusan ng mga ito ganun din ng kanyang buhok.
    "Hi..," malapad ang ngiti nito sa kanya  agad siya nitong bineso-beso. "Kamusta ang new model ko?"
    "I'm okay Fammy but a little bit nervous too."
    "Oh...don't say that honey everything is gonna be okay and you look so beautiful. I'm sure lalo kikinang ang ganda mo kapag naisuot mo na ang gown na imomodel mo." Mababakas ang paghanga sa mga mata ng baklang designer sa kanya.
    "Ahm... Mycah! Dalin mo na dito yun gown na isusuot ng modelo natin." Tawag nito sa isa sa mga staff.
    Nakasuot pa sa isang maniquin ang gown na iyon at talaga naman nanlaki ang mata niya pagkakita dito dahil sa labis na ganda ng pag kakagawa. Hindi maikakaila ang paghanga sa kanya dahil talagang na starstruck siya.
    "Do you like it?" Tanong ni Fammy.
Tumayo siya sa pagkakaupo at nilapitan ang gown, hinawakan pa niya ito at talagang sinipat niya ng mabuti.
"This is so beautiful Fammy, and if I'm not mistaken this is not a simple party gown? This is... This is.... " Halos hindi niya mabangit ang sasabihin sa labis na paghanga sa simpleng taglay na ganda nito.
    "A wedding gown honey, that's one of my exclusive creation."
    "I can't believe this Fammy, this is the design that I dream in my wedding day."
    "Oh really that's nice, I'm glad you like it."
    "Hindi ko lang siya like, I love it Fammy..., I love it." Labis labis na paghanga pa rin ang mababanaag sa kanyang mga mata habang patuloy na hinahagod ng palad ang wedding gown.
    The color is mint green, tube style, ballon style, may mga burda ito ng mga flower sa bandang laylayan ng gown na mint green color na pulidong naiburda. Hindi rin gaanong karami ang mga bids na nakakabit dito na lalong nagpahanga sa kanya. Simple style wedding gown but totally elegant.
    Kung na tuloy ang kasal nila ni Dylan ganitong-ganito ang dream wedding gown niya.
"You look so happy honey, kitang-kita sa iyo hindi maikakaila."
"This is my dream wedding gown. Napakagaling mo kuhang-kuha mo. Your a great designer talaga and I'm so much lucky, kasi ako ang kauna-unahan makaka pag suot ng obra mong ito. Buti na lang at hindi natuloy si Sansky kung nagka taon maiinggit talaga ako ng bongang bonga."
    "So nakabuti pala ang pagpalit mo sa kanya. Anyway Isuot  mona iyan any minute magsisimula na tayo. I checked the place and the video man and photographer also. Team! kayo ng bahala sa modelo natin dalhin nyo na siya doon pagkatapos ninyo siyang mabihisan."
"Yes mama," sabay-sabay na turan ng mga ito.

Rhaime, Be Mine Again - Old Maid Series 1 (Published under TDP Pub)Where stories live. Discover now