CHAPTER 32

127 7 0
                                    

T H I R T Y   T W O

Aize' POV

"SO? Ano nang ipe-performe nyong dalawa?" tanong ni Sir Kim.

"Baka yung dati pa rin." sagot ko kaya tinignan nila akong lahat. Wow, ganon ba ko ka gwapo??

"At bakit naman? Nagpalit tayo ng candidate kaya dapat iba din ng talent." ani sir Kim.

"Eeh? Nagjojoke ba kayo? Yung talent last year at ngayon eh iisa lang naman. Besides, ako yung run away Mr. RUSSO OLYMPICS ng team natin last year kaya alam ko yung sayaw." paliwanag ko. Last year kasi ay enensayo ko rin ang sayaw na yan. Yung sayaw ay parang istorya ng lalaking nagmahal ng babaeng may minamahal ng iba. Ayos di ba?

Stolen moments. Iyang ang pamagat ng kanta. Actually medyo emo yung sayaw kaya inayawan ko yan eh. Ang dami kasing yakap ek ek. Tas partner ko pa nung time na yun ipinagkakalat na M. U. daw kami. Lakas ng tama.

Pinatugtog ko ang kanta at nagaalang tinignan ang partner ko. Nainis ako nung tinignan niya ako ng parang walang nangyari kanina at walang alinlangang pumunta sa akin. Tapos non ay sinimulan na namin ng sayaw. Magaling ang memory ko kaya naman hindi ko gaanong nakalimutan ang mga step nito.

"Wow! Ang galing naman, sabay na sabay. Bawat emosyon kuha nyo. Bagay na bagay kayo. Para talaga kayong couple." sabi ni Sir Kim. Tuwang tuwa ang baklita eh.

"Pst. Sir, taken na yan." ani Ma'am D.

"Opps." tinignan pa ako nito ng may nang aasar na mga mata.

Pinaalis na rin ni Sir Kim ang ibang mga estudyante at nagpratis pa kami ng kaunti.

"Omg. Ang galing talaga. Ito ang unang beses na nakita kitang ganyan, Aizeck. Isa pang practice tas kakain na tayo. Luto na daw ang mga pagkain ng team natin." nakangiting sabi nito. Pero nag paalam itong may pupuntahan daw. May gagawin atang importante. Kaya kami lang ang naiwan dito. Where near at the lake, by the way. Medyo malayo din ng konti sa camp site.

We didn't waste time at nag practice na. Pero sa huling step ng sayaw kung saan nakayapak ako sa partner ko ay hindi ko siya binitawan.

"Why?" I calmly asked but she didn't answer. She didn't even move although I'm hugging her. "Answer, Carbon. Why did you kiss me?" it took a minute before she finally answered.

"Gusto ko lang. Ang lambot kasi ng labi mo tignan. Sinugurado ko lang kung totoo." sagot niya. Walang halong kaba.

"Seriously? Dahil lang doon? Ibig sabihin pag nakita mong malambot ang labi ni Nider hahalikan mo din sya?" asik ko habang nakapalupot ang mga kamay at braso ko sa kanya. Mukhang wala rin naman siyang balak na umalis eh.

"Shempre hindi. Basta. Isa pa, gusto mo." walang kahirap hirap siyang nakawala sa akin at sinubukan akong halikan pero tinakpan ko ang mata niya.

I didn't expect this side of her. She always look cool and intimidating but now, she looks like a baby who wants to kiss her love ones.

I sighed.

This is wrong. I need to stop my feelings for her before it gets worse.

"Just... Just don't do that again." I said in a low tune.

"Kiss lang naman iyon? Saka anong masama doon." she pouted.

The hell? Siya ba talaga ito? She look so childish! And cute tho...

I suddenly blushed. She so cute and I can't resist. But I need to stop it.

"Masama iyon, Carbon. Kasal ka na at mali iyon. Kahit pa sabihing nating mukhang hindi nyo naman mahal ang isa't isa mali pa rin. Kiss I is a prohibited thing. I kinda like... Like sign of love." paliwanag ko. Sana lang maintindihan nya.

SECRET MAFIAWhere stories live. Discover now