CHAPTER 15

247 13 0
                                    

F I F T E E N

Uchiro's POV

"OH, bat ganyan ka kung makatingin?" tanong ko habang nagsasalansan ng mga pinamili namin dito sa kusina niya.

"Bat mo sinabing asawa mo ko?" tanong niya naman.

"Ano naman? Eh, totoo naman. Duh. Malalamn at malalaman din naman nila yon." sabi ko kya napairap siya.

"Pag yan kumalat sa buong school at inaway ako ng mga babae. Hihiwalayan talaga kita!" banta niya sa akin.

"Tanga baka nakakalimutan mong ikaw si Carbon Leyr ngayon?. Hahahaha..." tawa ko. Padabog naman siyang naglakad papunta sa kwarto niya.

Napaka talaga ng taong to!

Pinagpatuloy ko na lang ang pag aayos ko sa mga pinamili namin at dun sa mga dineliver na gamit kanikanina lang.

Tapos ay nagluto ako ng pagkain at naghapunan na kami bago ako umuwi sa bahay ko. Sinubukan ko pa nga siyang pilitin na sa bahay na siya tumira pero bukol ang natamo ko. Batuhin ba naman ng kutsara?

Napaka bugnutin talaga.

☣☣☣☣☣☣☣☣☣☣

Bon's POV

UMAGA pa lang ay tumungo na ako sa talyer dahil tinatamad ako pumasok ngayon. Half day lang naman ngayon. Tas walang pasok sila kuya. Pero nabigla kami sa narinig naming masamang balita.

"Talaga po ba? Hindi na po ba magbabago ang isip n'yo?" tanong ni kuya Ron kila lola Pasing.

"Oo, ijo. Nalaman kasi ng pamangkin ni Juan ang lagay namin kaya naman nagpasya itong kunin na kami at dalhin sa Germany. Tutal ay matandang dalaga din ang pamangkin niya at walang ibang inaasikaso sa buhay kung hindi ang negosyo nito." paliwanag nito at hinawakan ang kamay ni lolo na nasa tabi niya lang.

"Matatanda na kasi kami at wala naman nang magaalaga sa amin kaya pumayag na kami sa alok ng pamangkin ko. Tutal, matagal na kaming kinakantahan non." paliwanag nilo.

Nung mga nakakaraan daw kasi ay madalas na magkasakit si lolo kaya ng malanam ng pamakin nito na naging anak-anak nila magasawa ang lagay nila ay inalok sila nito na sa Germany na manirahan. Bukas na daw ang alis nila sakay ng pribadong eroplano.

"Pano po yung mga paupahang bahay?" usisa ko. "Saka itong talyer?"

"Tukol d'yan. Nais ko sanang ibigay sa mga mangungupa ko ang titulo ng bawat bahay na tinitirahan nila." napatingin kami nila kuya sa bawat isa. "Kung pwede sana ay kayo na ang magbigay sa kanila. Hindi ko na kasi makakayanan pa, eh." bilin ng matanda.

"Pati po yung amin?" tanong ni kuya Cal kaya tumango si lolo. "Nako, mang Juan. Sobra na po iyon para sa amin. Gusto niyo po bilihin na lang namin?" sabi pa ni kuya.

"Ano ka ba? Wag na. Pamasko ko na sa inyo." sabi nito. Kokontra pa sana ako kaso wag na lang. "Yung sa talyer naman, may nakausap na akong magtetake over." sabi nito kaya napatango kami ng sabay sabay. Buti na lang at hindi isasara ang talyer. Kahit kasi hindi ako sumasahod ay nababawasan ang pagkaburyo ko pag nandidito ako.

"Sino naman po?" tanong ni kuya Dex.

"Si ano ba ga. Yung kapatid mo Calyx. Si Nider saka yung dalawang kaibigan niya." sabi ng matada kaya kan'ya kan'ya sila ng reaksyon. Si kuya Dex ay napa nganga. Si kuya Ron naman ay napahilot sa sintido. Si kuya Cal naman ay napahilamos ng mukha. At ako? Nakaramdam ako ng pagkabored. Isang daang porsyento.

SECRET MAFIAWhere stories live. Discover now