CHAPTER 27

144 8 0
                                    

T W E N T Y   S E V E N

Aize' POV

"HOY? Hindi ka ba talaga kakain? Akala ko ba gusto mo?" tanong na naman niya. Panira din ng moment ang isang to eh. Ang ganda ng panonood ko sa magandang langit tas sisingit siya ng tanong na alam na naman niya na ang sagot.

"Hindi ko nga al-UHHMMP... Whacthdjufuk?" bigla na lang kasi niya pinasakan ng sugpo ang bibig ko tas tumawa. "Frublehmamu?"

Cough cough*

Ang lakas ng tama nya sa ulo. Jusko!

"Ahahahaha..." she can't stop laughing. She seems so happy right now.

Agad kong nginuya ang sugpo na isinubo niya at uminom ng tubig. "Hahahahahha... You're cute."

Cough cough*

Parang mamamatay ako sa pagkasamid dahil sa mga sinabi nya.

"Anong sabi mo?" sabay ubo ulit.

"Sabi ko ang cute mo." tumahimik siya saglit. "Kanina. Kanina lang. Hindi na ngayon." yung masayang ekspresyon niya kanina ay nawala na kaagad at balik na naman siya sa usual niyang itsura.

Bored, walang pakialam at tila tinatamad na ekspresyon niya. Pero patuloy pa rin siya sa pagbabalat ng seafoods na tinake out namin. Minsan ay kumakain siya pero kadalasan ay sa akin niya talaga ibinibigay ang mga iyon.

"Turuan mo na lang kaya ako?" suhestyon ko sa kaniya pero parang wala siyang narinig. Patuloy pa rin siyang nagbabalat ng mga seafoods at kusang inaabot sa akin. "Turuan mo na lang kas—Sabi ko nga eh! Eto na oh. Susubo na!" bigla ba naman akong tignan ng masama! Grabe! Katakot siya sa part na yun ah!

"Kung tuturuan pa kita, mapapatagal tayo. Ang hirap mo kayang turuan!" aniya. Bumuntong hininga na lang tuloy ako at kinain ang mga binabalatan niya. "Hoy!" bigla niya akong hinampas sa braso.

"Problema mo?"


"Wag mo naman ubusin! Kakain din ako no!" aniya at duon ay napagtanto ko na paubos na pala ang seafood na nabalatan na mabuti na lang ay may natira pang hindi nababalatan.

After namin kumain ay nanatali muna kami duon at nahiga habang pinapanood na mabagal na paggalaw ng mga ulap. "Alam mo? Let me tell you something about me. Noong bata pa ako. Madalas dinadala kami nila Mom and Dad sa lugar na to. Tapos non, kakain kami ng seafoods na hinuli ni dad dito mismo sa dagat na to. Tas si dad mismo ang magbabalat non para sa amin ng mga kapatid ko. Hahahaha. Maybe that's the reason why I didn't learned how to eat seafoods. Hahaha. It's been years mula nong makasama ko ang parents ko." malungkot na sabi ko. Miss ko na ang pamilya ko sobra. Pero wala naman akong magagawa dahil busy sila sa ibang bansa.

"Miss mo na sila?" tanong bigla ni Hummingbird.

"Yeah." I answered.

"Bat di mo sila puntahan? Asan ba sila?" humarap sya sa akin kaya humarap din ako sa kanya.

"Nag-aaral ako eh saka pinag-bawalan nila akong mag-punta doon. Ngayon nasa Amerika sila, ipinapagamot yung isang kapatid ko na sumunod sa akin. Bata palang may sakit na yon pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sya gumagaling. Hay, minsan nga pag kausap ko siya sinasabi nya na gusto na na daw nyang sumuko pero ayaw syang sukuan ng mga magulang namin. Hay. Namimiss ko na sila." malungkot na kwento ko. Ilang taon na rin nung huling beses akong mag-kwento ng ganito dahil kahit kila L at N ay hindi na mag-kukwento dahil sa ayaw ko lang.

SECRET MAFIAWhere stories live. Discover now