CHAPTER 47

97 6 0
                                    

F O R T Y S E V E N

Third Person's POV

HINDI maganda ang gising ni Kishimiya dahil sa mga nangyayari nang nagdaang gabi. Naiinis sya dahil sapilitan syang pinatulog ng mga ito.

Dahan dahan syang bumangon sa kama at lumabas ng silid. Tinungo nya ang kusina para mag handa ng sariling pagkain. Alam nyang wala nang tao sa bahay maliban sa kanya dahil alam nyang umalis na si Ichiro at ang ama nito kagabi. Di man nya nakita ay alam nya.

"Good morning!"

"SHIT!" malakas na mura nya dahil sa biglang pagbati ng walang iba kundi si Aizeck. "Bakit nandito ka pa rin!?" inis na sigaw nya rito.

"Kasi bahay ko na rin to? Baka nakakalimutan mo na sakin mo ipinamana ang lahat ng ari-arian mo at kasama ang bahay na ito sa mga yon?" nakangiting saad ni Aizeck. Gusto man nyang mag reklamo pero may point naman si Aizeck. Parang pinagsisihan nya tuloy na dito nya ipinamana ang lahat ng ari-arian nya.

"Tss!" yun na lang ang nasabi nya at tahimik na naupo. "Ano yang niluluto mo?" di nagtagal ay nag tanong din sya.

"Adobong pusit." nakangiting sagot ni Aizeck habang siya ay nakatingin lang sa muka nito. Di naman nya maitatanggi na may angking kagwapuhan at kakisigan ang binata.

"Marunong ka palang mag luto? Akala ko puro pangaasar at paninira lang ng araw ng iba ang alam mong gawin eh!" aniya rito.

"Mamamatay ka na lang at lahat lahat ganyan ka pa? Sige ka minus one thousand ka sa langit. Ahahahahha!" biro ng binata sa kanya pero sa totoo ay nasasaktan ito.

Matapos mang luto ay kumain na ang dalawa. Medjo marami ang nakain nya dahil talaga namang masarap ang luto ng binata.

"Kelan mo balak umuwi?" tanong nya rito pero hindi ito sumagot at nanatiling walang kibo. Nagpatuloy lang ito sa pag huhugas ng mag pinag gamitan nila.

Nang matapos ito ay umupo ito sa tabi nya saka sinabing... "Di ka na daw magtatagal sabi nila. Pwede bang mag panggap na lang tayo na walang masamang mangyayari sayo at ituring na asawa at mahal na mahal ang isa't isa bago ka mawala?" anito na ikinabigla nya.

"Ano ba yang naiisip mo Aizeck?! Nasasayang ka lang ng panahon mo eh! Kung ako sayo umuwi ka na lang sa Pilipinas at asikasuhin ang pag aaral mo!" aniya at akmang aalis na pero niyakap siya niyo mula sa likod.

"Maraming bagay ka nang nagawa para sakin Kishimiya at marami ka na ring sinakripisyo. Ngayon ako naman ang hihiling sayo, please hayaan mo na ko. Last na to. Kahit ilang linggo lang hayaan mo kong maging masaya kasama ka. Hayaan mo naman na maging masaya tayong dalawa kahit sandali lang." anito kaya wala na syang nagawa kundi ang pumayag.


.
.
.

"Handa naman ang lahat?.." ani Aizeck. Balak nilang mag road trip buong linggo gamit ang isa sa mga kotse niya. Walang permanenteng plano na susundin basta kung saan sila abutin ng gabi doon sila matutulog.

Pasado alas dose na nang magpasya silang huminto at para mananghalian. Huminto sila sa tapat ng isang fast food chain.

Si Aizeck ang nagpasyang bumili pero ilang sandali lang ay bumalik ito sa sasakyan nila. "Di pala ako marunong mag Russian, di ko sila maintindihan." nakangiwing Saad nito na dahilan para matawa si Kishimiya.

"Ahahahahah! Yan kasi." anya at napilitang bumaba sa sasakyan. Inalalayan na lang tuloy sya ni Aizeck dahil sa ngayon ay iyon lang ang maitutulong nito.

Habang namimili ay nakipag kuwentuhan pa siya sa tindero habang si Aizeck ay walang ka alay malay na siya na pala ang pinag uusapan ng dalawa.

"Ang gwapo mo daw sabi ng tendero kanina. Ahahahahaha. San banda kaya?" aniya bigla habang kumakain kaya mapa ismid ang binata.

"Waw kapal ng muka ha? San banda? Eh totoo naman na gwapo talaga ko!" anito, sinasabayan ang kahanginan ng dalaga.

"Sabi ko nga sa tindero bakla ka eh! Ahahahahahhahaha! Pero ayaw maniwala sakin!" aniya pa.

"Sira talaga ulo mo eh no?" anya na lang.

"Tas sabi nang tindero kung magkakaanak daw tayo siguradong magaganda at gwapo ang mga anak natin." doon na natapos ang kuwentuhan nila dahil pagkatapos ng sinabi nya ay wala nang nagsalita ulit. Alam kasi nilang dalawa na kailangan man ay hindi na mangyayari ang bagay na iyon.

Dalawang oras ang nakalipas ay huminto ulit sila para magpahinga. Huminto sila sa tabing dagat at tumambay sandali. Pero yung sandali lang dapat maging ilang oras na hanggang sa nagpasya silang doon na magpalipas ng gabi.

Fortuner ang sasakyang dala nila kaya sa likod na lang non sila nag set up ng tent.


"Ano kayang gagawin natin bukas?" tanong ni Kishimiya habang naka yakap kay Aizeck at nasa ilalim ng kumot.

"Bahala na, ahahahaha! Basta magkasama tayo." anito at hinigpitan ang yakap sa kanya.


"Aizeck," banggit nya sa pangalan nito. "I love you, goodnight." aniya habang malakas ang kabog ng dibdib. Sa wari nya ay ito ata ang unang beses na sinabi nyang mahal nya ang binata.

Si Aizeck naman ay di nagawang magsalita dahil sa halo halong emosyon na nararamdaman nya.

Masaya sya dahil sa sinabi ng dala pero masasaktan din sya dahil alam niyang bilang na ang araw nilang dalawa na magkasama.

"I love you too, sweet dreams.." bulong na lang nito nang makatulog na si Kishimiya.

Itutuloy...

SECRET MAFIAWhere stories live. Discover now