Chapter 2

411 7 0
                                    

ASTRALLA

"Hoy Astra maiiwan na tayo dalian mo" utos sakin ni Francis. walangya siya 'tong may kasalanan kung bakit maiiwan kami ng bus eh, field trip namin ngayon dito sa laguna at isang buwan na din simula nung mapaginipan ko ang bagay na 'yon.

"Oo na ikaw 'tong panay picture eh, hmp" saad ko.

"Sorry aken, ang ganda kase ng view eh tsaka sayang if hindi ko mappicturan di 'ba?" Francis.

"Mas maganda sa Las Casas do'n ka na lang mag picture" sambit ko.

"Ay weh? sigesige, sure ka mas maganda do'n ah?" ay ang kulit talaga nito.

"Sure na sure, lunurin pa kita sa dagat eh gusto mo?" pananakot ko sa kaniya.

"Subukan mo ililibing kita do'n" nang gigil na sabi niya.

Agad ako tumakbo papuntang bus baka maiwanan na talaga kami eh. narinig ko pa siya sumigaw pero hindi ko na pinansin brutal pa naman 'yon at buti na lang magka iba kami ng bus.

"Sa'n ka galeng?" tanong ni ate Karrie.

"Sinamahan ko si fifi mag picture sa tabi-tabi, balak ko na nga iwan eh, pinag bantaan pa ako kaya natagalan" sabi ko sabay kuha ng candy sa bag niya. ako na buraot. si fifi ay si Francis short nn niya daw at 'yun ang gusto niyang itawag namin.

"Eh? mas maganda naman sa Las Casas ah" sabi niya, pati si ate mas nagagandahan doon.

Umupo na ako sa gilid tapat ng bintana, buti nga't hindi na ako nahihilo, 'pag nagkataon masusuka na ako nakakahiya kay ate. natulog muna siya dahil malayo layo pa naman kami. napatingin ako sa bintana tumigil 'yung bus 10 mukhang nasiraan, hirap talaga 'pag graduating ka minamalas nando'n pa naman sila Francis, Sarah at Sam. mga kawawa naman.

Muli napatingin ako sa  bintana ang ganda kase ng dagat, malapit na din kase lumubog ang araw. mukhang gagabihin kami nito ah. maya-maya nga nag ready na kami bumaba, pagka baba namangha ako sa tanawin, shit sabi na eh mas maganda dito, ang linaw pa ng dagat dami ring lumang bahay, may malaking simbahan, pwede ka pa mamangka at mag-bike kaso may bayad. agad na sumunod kami sa tour guide hanggang sa mapadaan kami sa may pool, nagulat ako ng sinabuyan ako ng tubig, anak ng! wala akong extra shirt kaya sinabuyan ko rin si Charmaine sabay takbo.

Agad ako umangkla sa braso ni Jedi 'yung seatmate ko nawala nanaman, kasama niya 'yung kapatid na si Jordan pati mama niya. mabilis na naglakad kami papuntang simbahan para mag picture ang ganda talaga dito, palowbat na rin ako patay.

Pumunta kami sa may dagat para kuhanan ng picture ang sunset. napatingin ako sa sapatos ko baka kase mapasukan ng buhangin eh bahala na nga. umupo ako sa tabi ni Jedi sabay namin pinanuod 'yung sunset kasama si Jordan tsaka kami kumuha ng picture, sana makabalik ulit kami dito. naoatingin ako sa nga teachers sa dalampasigan pinapaahon 'yung mga senior high sa dagat, bawal pa naman maligo hindi rin kami sinabihan na may dagat dito late ko na rin nalaman nung nasa bus kami at nag llunch. nakakapag taka ang lakas ng loob nila maligo wala naman silang extrang damit tss mga pasaway talaga, daig pa sila ng elem.

"Astra tara dito pikturan mo ako daliii" excited na sabi ni Francis, kadarating lang kase ng bus nila nasiraan kanina eh. pinag bigyan ko na lang mahirap na baka umuwi akong may pasa sa mukha.

nakailang picture din ako sa kaniya bago siya masatisfy, jusko akala ko aabutin kami ng siyam siyam dito eh, ppost pa daw niya sa ig at facebook niya.

Dami talagang alam ng isang 'toh. akala ko aalis na siya sumama pa samin ni Jedi.

"Fifi balik ka na do'n pinapabalik na kami sa bus" sabi ko, mag sisix na din eh tas 'yung ibang bus kadarating lang, nako aabutin kami ng alas dose nito pauwi.

"Ano ba 'yan ang aga pa eh uuwi na agad?" nakangusong sabi niya.

"Kung gusto mo dito ka na lang 'wag ka na umuwi, tsaka 'wag ka nga mag pout mukha kang pato" pang aasar ko sa kaniya.

Kaya bago pa ako masermunan at mabatukan ng amazonang 'yon tumakbo na ako sa bus para makapag tanggal na din ng buhanginin sa sapatos, ang dami pa naman pumasok wala din akong dalang tsinelas. dumating na din si Nicole bestfriend ko kadarating lang nila ni Jewel, nasa tapat naman siya bintana ngayon at ako naman sa pwesto niya kanina. pati siya lowbat na din pa'no na 'pag tumawag si tita or si mama nako mahaba habang sermon nanaman 'toh.

Malayo pa kaya natulog muna ako pero nagigising din ako agad. pag gising ko may kumot na, napatingin ako sa katabi kong nakatutok sa selpon niya tas may inaapakan lang kulambo, hanggang dito pa naman may kulambo siya. sa bahay nila meron din ang hilig nila sa kulambo, ano bang meron?. hay bahala basta ako nilalamig nakalimutan kong mag-dala ng jacket eh.

Niready ko na mga gamit ko at dalawang beses na chineck if may naiwan ba ako or wala. malapit na kami bumaba natatanaw ko na din 'yung basketball court kung saan kami sinundo at hinatid kanina. nakita ko din si papa na nakaabang, laaa pa'no niya nalaman malapit na kami? sino naman kaya chinat ni mama, kanina pa kase kami lowbat ni Nicole. nang makalapit na kaming dalawa nag kkwentuhan pa sila kaya tinawag ko na atensyon ni papa, antok na antok na din kase ako ala una na din kasi natraffic kami sa edsa.

Kaya pagdating sa bahay agad ako naglinis ng katawan hindi na rin ako nakaligo dahil sa pagod tsaka ako natulog na.

Our Greatest Battle (GXG|COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon