Chapter 25

50 3 0
                                    

ASTRALLA

"Astralla hoy gising na aba! Baka ma-late kayo ng asawa mo. Pasukan na pasukan tatamad tamad" sigaw ni kuya habang kinakalabog ang pintuan.

Naiiritang nagtalukbong ako ng kumot. Ang totoo niyan kanina pa ako naka ready kaso bigla ako tinamad kaya ayoko na tuloy pumasok. Mas gusto ko pa humilata sa kama kesa gawin ang misyon namin sa university. Nakaka walang gana talaga pumasok sa univ na 'yun.

Hindi na ako muling kinatok pa ni kuya at narinig ko na lamang ang mga yabag nito paalis. Mabuti naman hindi na niya ako pinilit pa pero akala ko lang pala iyon, maya-maya ay narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto.

"Kuya naman ilang beses ko ba sinabi sayo tinatamad ako pumasok, pwede bang iwanan niyo na lang ako dito!" inis na sigaw ko ngunit wala ako nakuhang kahit anong sagot sa kanya.

"Oh tapos tatahimik ka na lang diyan, kuya naman eh! nakakainis ka na kanina ka pa ha" dagdag ko pa.

Naramdaman ko namang lumubog ang kama sinyales na tumabi ito sakin still hindi pa rin ako babangon, nakakatamad talaga eh.

"Love naman first day na first day hahayaan mo lang ako pumasok mag-isa sa JSU? really Astralla?" pagalit na saad ni Cath.

Agad naman ako napabalikwas ng bangon nang marinig ito.

"Love naman bigla ako tinamad eh, ang sakit din ng puson ko" naiiyak kong saad.

kulang na nga lang ipatanggal ko ito para mawala ang sakit eh. Bakit ba naman kase ngayon pa ang galing talaga ng timing, tss. Tinignan ako nito ng mariin animo'y sinusuri kung nagsasabi ba ako ng totoo. Wala ba siyang tiwala sakin?

"Fine, but it doesn't mean na hindi ka na papasok. Eh paano kapag nilandi ako ni Blaire aber?" taas kilay nitong tanong. Napanguso naman ako, hindi naman ako papayag na landiin siya ng b*tch na 'yun.

"Oo na ito na tara na nga mamaya sa labas ka ng kwarto matulog" tampong saad ko bago tumayo sa kama at kinuha ang bag ko.

"Love naman walang ganyanan" parang batang saad nito pero hindi ko na lang pinansin.

Bubuksan ko na sana ang pintuan ng humarang siya dito at ni-lock pa. Iritang tinignan ko ito. Nangungusap naman ang mga mata nito na h'wag kong gawin ang sinabi kanina, nag bibiro lang naman ako sa sinabi ko. Syempre hindi pwedeng hindi ko siya katabi matulog. Nasanay na kasi ako na palagi ito katabi at kasama kaya nagigising ako ng kusa kapag wala ito.

"Syempre joke lang naman love, halika na baka ma-late pa nga tayo" saad ko at binigyan ng smack kiss sa labi bago binuksan ang pintuan at hinila siya papuntang garage.

Mabuti na lang din at hindi ko nakasalubong si kuya kung hindi ay panay pang-aasar nanaman ang aabutin ko baka pilayan ko pa siya lalo na masakit pa rin ang puson ko.

Si Cath ang nasa driver seat at ako naman sa passenger. Siya na daw ang mag ddrive dahil nga sa masakit ang puson ko, binigyan din niya ako ng hot compress para mawala kahit papa'no ang sakit nito na effective naman.

Limang minuto na lang ang natitira ang ma lalate na kami sa room. Masyadong traffic sa Edsa hindi pa rin nag babago, marupok pa rin.

Parang ikaw tudyo ng aking isipan. hmp.

Hindi naman ah medyo lang. Mabuti na lang din ay mag kaklase kami sa lahat ng subjects dahil parehas kami ng course na kinuha Bachelor of Business Administration dahil isa kami sa mag mamana ng mga negosyo namin balang araw.

"Room 208, Section A" basa ko sa magiging room naming dalawa.

Hindi namin pinapansin ang mga nag cchismisan sa paligid dahil malapit na talaga kami ma late, jusko! Ka agad na pumasok kami dito at sakto lang dahil kadarating lang ng prof namin sa Basic Finance.

Tumahimik ang lahat ng tumikhim ito. Halatang terror teacher ito base na rin kung paano sila matakot. Kaklase din namin sila Claire at Blaire pati na rin si Jade. Mag kakatabi sila sa gitna habang kami ay sa pinaka likuran kasama ang isang ner— no hindi siya nerd. Naka disguise lang siya at nakatingin sa labas.

Ang dami niyang iniisip nung binasa ko ang utak niya. Parang sasabog sa dami ng katanungan niya sa sarili at nadadagdagan pa iyon ng tanong. Napa iling na lang ako. She's Aria Fuentevilla, anak ng isang multi billionaire sa iba't ibang bansa at ang malala pa ay isa siya sa mga nam bubully dito.

(Abangan niyo siya sa next story ko lovelots ^_^)

Napa balik ako sa reyalidad ng halikan ako ni Cath sa labi. Sinamaan ko ito ng tingin.

"Kanina ka pa tulala, tayo na next" saad nito bago pinagsaklop ang aming mga kamay.

Nagbago ang plano namin ng lumabas sa balita na kasal na kaming dalawa. Hindi namin inaasahan na malalaman iyon ng kalaban namin kaya wala kaming nagawa kung hindi ang baguhin ito. Maganda ang naidulot na pagbabago samin pero mas nadagdagan lang ang problema namin.

Sabay kami tumayo ng kami na ang mag papakilala sa harapan.

"Astralla Campbell Davis, 19" tipid kong pakilala.

"Hi good morning you'll, Catherine Davis here and here is my wife" naka ngiti at proud na saad nito.

Napa face falm na lamang ako sa aking utak sa ginawa niya, jusko. Mas lalo kami pag iinitan ng mga kalaban nito eh. Napa tingin din samin si Aria, mukhang nakilala niya na kaming dalawa.

Madami ring mga tao ang nasa gilid ng bintana at pintuan na ngayo'y naka bukas at nag bubulungan na parang mga bubuyog. Hinila ko ang kamay ng katabi ko at hinalikan sa labi ng akmang mag sasalita muli para patahimikin.

Nagulat pa ito sa ginawa ko. Mas tumalim pa ang tingin sakin ni Blaire at ng iba pang taong nagkaka gusto sa asawa ko habang ang iba naman ay kay Catherine. Nag pakilala na rin si Aria at ang prof naming lalaki na si George Tan.

Matapos ang klase ay nagtungo kami sa isang fast food chain na malapit sa university. Doon na muna kami kumain ng lunch at nag palipas ng ilang oras. Pagkatapos ay nagtungo sa dormitory room namin para makapag pahinga na.

Naabutan namin sa sala sila Jade at iba pang hindi namin kilala na kumakain habang nanunuod ng movie. Hindi naman nila kami napansin kaya dumeretso kami sa magiging room namin. Bali apat na tao kada kwarto. Sakto pagkarating namin doon ay naabutan naming nag aaway ang dalawang babae.

"Sinabi ko bang saluhin mo 'yung bola?" mataray na saad ni Aria kay wait basahin ko muna kung sino siya, kay Asri girl.

"Ikaw na nga 'tong tinulungan ikaw pa galit at mataray. Ang gulo niyo talagang mga babae pa iba-iba mood" napa taas naman ang kilay ni Aria, "Sala sa init sa lamig daig niyo pa may bipolar disorder ah" dagdag pa nito.

Natawa ako sa isipan. Gusto ko siya palaban pero deep inside sobrang kinakabahan. Pinigilan ko umalis si Cath na mukhang napikon sa sinabi nito. Siningkitan siya ng mata ni Aria bago pinitik ng malakas sa noo.

"A-aray hoy! ang sakit ha napaka brutal mong babae ka" daing nito habang sapo-sapo ang namumulang noo, naiiyak na rin ito sa sakit na tinamo.

"Mabuti nga sayo 'yan, makapag salita ka akala mo hindi babae ah" singhal nito sa kaharap bago pumunta ng banyo.

"Wow ang intense ng sagutan niyo ah, hanga din ako sayo pare ang tapang mo sa part na 'yun ah" saad ni Cath sabay akbay sa kay Asri, "Cath5 by the way and this is my wife" sabay hila nito sakin bago hawakan ang aking beywang, "Astralla, nice meeting you—?”

"Hi I'm Asri Trinidad, nice meeting you too Cath and Astra. Mauuna na muna ako sa inyo" ngiting paalam nito bago lumabas ng pintuan.

Naiilang na lamang kami sa tagpong iyon kanina lamang. Pagka labas ni Asri siya namang labas ni Aria sa banyo. Nag ayos na rin kami ng gamit bago humilata ng mag kayakap sa kama bago natulog, hindi na kami aattend pa ng afternoon class mamaya nakaka-tamad na eh.

Our Greatest Battle (GXG|COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon