Chapter 12

71 3 0
                                    

ASTRALLA

Malalim na ang gabi. Malamig na simoy ng hangin ang dumadampi sa aking balat. Tanging liwanag na lamang ng buwan ang ilaw ko. Nandito ako ngayon sa pool side nakababad ang mga paa sa tubig habang umiinom ng tequila.

"Hindi ka rin makatulog?" Napatingin ako sa nagsalita, si Cath. Tinanguan ko lang ito.

Lumapit siya sa pwesto ko at ibinabad din ang mga paa. Nanatili lang kaming tahimik. Pinakiki-ramdam ang isa't isa. Isinandal ko ang ulo sa kanyang mga balikat.

Hindi ko alam kung hanggang kelan kami magiging ligtas. Kung magkikita at makakasama ko pa sila. Naiisip ko din paano kung ko haharapin ang araw araw ngayong pati si dad ay kasama nila mom.

Pa'no kung hindi lang ako, kami ang madamay. Ayokong madamay ang mga kaibigan ko sa gulo ng aking buhay. Ayos na sa akin ang makasama sila tutal ilang buwan na lang din naman gagraduate na kami at mag kakahiwa-hiwalay.

"Hindi ko alam kung ano ang tumatakbo sa isipan mo ngayon pero naniniwala akong malalampasan din natin 'to, basta nandito tayo sa tabi ng isa't isa at huwag mo sarilihin ang mga problema" hinawakan niya ang kamay ko at pinag-intertwined. "Lalo na ilang buwan na lang ikakasal na ako sayo" dagdag pa niya.

Teka? Ikakasal!? Bakit hindi ko alam 'yun?

"Nasabi sakin ng lolo ko I mean natin na pala 'yung naudlot na sasabihin niya. Ayun nga kailangan daw natin ikasal sa lalong madaling panahon, sawakas wala nang makapag hihiwalay satin. Malapit ka nang maging Mrs. Davis at ibig sabihinn" pambibitin nito.

"Ano?"

"Malapit na honeymoon natin" pilyang sabi nito habang tumataas baba ang dalawang kilay. Pabirong pinitik ko ang noo niya.

"Aray, kawawa naman ako kung lagi mong bubugbogin" nakangusong reklamo nito. Agad ko naman siya binigyan ng smack kiss.

"Puro ka kasi kalokohan at kamanyakan 'yang lumalabas sa bibig mo. Mag mouth wash ka nga ng isang daang beses baka sakaling luminis 'yan" iritang saad ko.

"Pero seryoso, excited na akong maging misis ka at makasamang bumuo ng pamilya kasama ka. Kayaa matulog na tayo dahil wala akong fiancee na mukhang zombie" natatawang pang-aasar niya.

"Araaayyy! Masakit ah"

"Anong sabi mo?! Sinong zombie ka diyan ha?" Singhal ko habang pinipingot ang tenga nito.

Aba't sabihan ba naman akong mukhang zombie? Sinong matinong tao ang matutuwa. 'tong babaeng 'to, naku!

"N-Nagbibiro lang n-naman eh" halata sa boses nito ang sakit kaya binitiwan ko na.

"Amina na nga, nakakainis ka kasi eh" totoo naman kasalanan niya.

Nagpunta na kami sa kwarto akala ko aalis na siya ng biglang pumasok ito sa loob at dire-diretsong humiga sa kama. Mukhang dito pa matutulog ang tukmol, hayaan na nga.

"Hoy usog dalii" balak kong lagyan ng unan sa pagitan namin. Mahirap na baka may mangyaring kababalaghan. Bata pa ako, uy!

"Ayokoo, yakapin na lang kita dali, promise tulog lang" sabay tapik sa sa kama.

Walang nagawang tumabi ako sa kanya at niyakap na rin siya pabalik. Ayos lang naman siguro kung mag cuddle kami dito at kiss di'ba? Hindi naman kami gagawa ng ehem alam niyo na.

"GOOD MORNIN– ayyyyy" napabalikwas naman kami ng katabi ko sa tili ni ate Prim.

Ano bang meron, kung maka-tili naman ito kala mo may ginawa kaming iba dito eh. Natutulog 'yung tao eh bad trip naman.

"WAAHHHHHH HINDI NA BIRHIN MATA KO!" sigaw pa ni ate Prim kaya nakakuha siya ng batok kay kuya. Ayan ingay kase!

"Ano ba ate kita mong puyat 'yung tao tapos ang ingay ingay mo diyan daig mo pa nasunugan eh" reklamo naman ng diyosang katabi ko.

Our Greatest Battle (GXG|COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon