Chapter 42

51 3 0
                                    

CATHERINE

"Love paabot ng diaper ni Chel at Red diyan sa side table" pasigaw na utos ni Astra.

Hindi kami kumuha ng yaya, mas gusti namin na kami mismo ang mag-aalaga sa kanila. Ayaw namin na magaya sila samin na baby pa lang eh iniiwan iwan na ng mga magulang dahil sa trabaho.

Lumabas ako ng banyo ng naka bath robe lang at kinuha sa ibabaw ang diaper ng dalawang bata.

"Here, nakita mo ba 'yung pabango ko? Kanina ko pa hinahanap eh" tanong ko pagkalapit.

"Nasa bag ko ata doon nalaglag kanina ni Red eh paki check na lang kung nandoon"

"Thanks" hinalikan ko siya sa ulo bago umalis.

Dumeretso ako sa walk in closet namin para makapag bihis na, sunod kinuha ko ang bag niya para kunin ang pabango ko. Pagkatpos makapag ayos pinuntahan ko sila sa connected door. Nakabihis na ang dalawang bata habang siya ay wala pang sapatos.

"Ako na bahala sa kanila, mag sapatos ka na maya-maya aalis na tayo" sabay upo sa kama ng kambal.

Ngayon kasi ang binyag nila, mas maaga mas okay daw. Five months pa lang sila makukulit at maiingay din. Habang tumatagal mas nangangamba ako sa tagal na pananahimik ng mga Dangers.

Hindi ko alam pero ang lakas ng tibok ng puso ko sa kaba. Parang may mangyayaring masama mamaya eh. Ipiniling ko ang ulo at nag focus sa dalawa naming anak na naglalaro.

Kinuha ko ang bag ni Red at Chel at isinukbit sa balikat. Binuhat ko na rin si Red habang si Chel naman kay Astra.

"Oh ano ready na kayo? Aalis na tayo nandoon na ang pari na magbibinyag, secure na rin ang paligid" sabi ni kuya habang hawak ang door knob.

"Ready na kuya bababa na kami sandali lang" sagot ko.

Inayos ko ang strao ng bag at isinubo ang pacifier kay Red bago bumaba at sumakay sa van. Malapit lang din dito ang simbahan, simbahan na madalas namin puntahan ni Astra tuwing linggo nung highschool pa kami.

"Kuya 'wag na lang kaya tayo tumuloy? Kinakabahan ako eh, parang may mangyayari talaga" sabi ni love, halatang kinakabahan siya gaya ko.

"Ano ka ba naman Astra, nasa loob lang tayo ng village secure naman ang lahat so nothing to worry about" sagot ng kuya niya habang nag mamaneho.

Hinawakan ko ang kamay niya at pinag intertwined, "Don't worry love nandito ako hindi natin hahayaan may mangyari sa kanila"

Niyakap ko siya sakin, "Thanks love, baka nag oover think lang ako"

Tumingin sa kanya si Chel at hinawakan ang mukha nito na ikangiti niya. Nawawala ang stress at problema namin dahil sa kanila. Thankful ako na dumating sila samin pero sana nandito rin ang parent's ni Astra para hindi na siya malulungkot pa.

Nangungulila pa rin siya sa mommy at kapatid niya kahit nandito naman kami. Tumingin ako sa side mirror ng kotse dahil malapit na kami. Napa ayos ako ng upo ng may mapansin ako isang babae na nakatungo at bahagyang naka ngisi pa.

Kinilabutan ako at mas lumala ang kaba sa dibdib ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa mag-ina ko.

Humigpit ang pagkakapit sakin ni Astra habang nakatingin din sa tinitingnan ko. Nawala dim siya ng tuluyang lumiko papuntang gilid ng simbahan ang sasakyan.

Bago bumaba sinabi muna namin ang nakita para makapag handa. Kaya kahit kinakabahan bumaba kami at nagpanggap na wala kaming nakita.

"Oh nandito na pala kayo, pasok na naghihintay si Father sa loob" yaya ni Wifi.

Our Greatest Battle (GXG|COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon