Chapter 21

46 3 0
                                    

ASTRALLA

Sobra akong kinakabahan ngayon. Ngayong araw na rin kasi ang kasal namin ni Cath at kinakabahan ako at nae-excite. Sana lang ay walang mangyari saming lahat papunta sa venue ng kasal mamaya after lunch.

"Huwag ka masyadong kabahan Astra, I'm sure walang mangyayari mamaya okay? So relax ka lang para hindi ka haggard pagdating doon" pag papakalma sakin ni ate Prim habang inaayusan ako.

Siya na kasi ang nag-presintang mag make-up at mag ayos ng buhok ko para hindi na kami kukuha pa ng mag aayos sakin. Nasa mannequin naman ang wedding dress na isusuot ko mamaya papuntang altar.

Hindi maalis-alis ang kaba sa dibdib ko lalo na't ilang oras na lamang ay magiging Mrs.Davis na ako. Huminga ako ng malalim at pinakalma ang sarili. Nandiyan naman silang lahat kapag kailangan ko. Pero hindi ko maiwasang malungkot na hindi si Dad ang mag hahatid sakin sa altar.

Hindi rin matutupad ang pangarap ni Mauve na maging flower girl sa kasal namin. Noon pa lang siya na ang nagsasabi na gusto niyang maging flower girl kapag ikakasal na ako kay Cath. Napangiti ako ng malungkot. Wala rin si Mommy na sasama sakin.

Pero alam kong matatapos din ang lahat ng ito. Balak din namin ni Cath na mag pakasal sa simbahan kasama ang buong pamilya sa ngayon ay ganito muna.

"Ayan tapos na, kumain ka muna ng lunch mo habang wala ka pang lipstick. Tawagin mo lang ako kapag tapos ka na at isusuot mo na ang damit, okay?" Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya at tumango.

Lumabas naman ito ng kwarto para kumain at makapag handa na rin. Kinuha ko ang cellphone sa ibabaw ng lamesa at tinignan kung sino nag text. Napangiti ako lalo ng makitang si Cath.

Love?
[Lovee I miss you already, excited na ako makita ka mamaya. I love you, mwaa!?]

Ang sweet talaga niya. Hindi ko na muna ito ni-replyan at tinapos na ang pagkain para makapag lipstick na at maisuot ang dress. Nag toothbrush muna ako at nag retouch ng bahagya bago ko isinuot ang dress. Umikot-ikot ako sa full length mirror at tinignan ang design nito.

Sobrang ganda ko, yay maski ako na-inlove sa sarili eh. Napalingon ako sa pumasok ng kwarto, si lolo at lola. Niyakap ko silang dalawa.

"Ang ganda-ganda talaga ng apo natin Azure manang-mana sa Mommy niya" nakangiting puri sakin ni Lola habang sinisipat ang kabuuan ko.

"Hindi na nakakapag taka na nahulog si Catherine sa kanya. Kahit na palagi silang hindi nagpapansinan o nag uusap noon" saad ni lolo habang naka akbay sa huli.

"Nakapag bihis ka na pala Astra, tara na daw at aalis na baka baka ma-late tayo" sabi ni ate Prim na naka-bihis at ayos na din.

Sabay-sabay kami lumabas ng aking silid. Sinalubong naman ako ni kuya ng yakap at ngiti. Sumakay na kaming lahat sa van papunta sa private property ng mga Campbell kung saan kami ikakasal at ang reception. Nauna na rin sila bumaba at pumasok sa loob bago isinara ang malaking pinto ng Grand hall.

Hawak ang bulaklak na pang-kasal ay tinignan ko ito. Kinakabahan talaga ako jusko. Hindi ako mapakali sa pwesto ko at ilang beses na bumuntong hininga. This is it pansit! Kaya ko 'toh, woohhh.

Ilang sandali pa ay binuksan na ang pinto, napatingin ako sa mapa-panga-asawa ko. Ang ganda at gwapo niya suot ng lilac tuxedo, naka flower braid ang mahaba nitong buhok. Nag simula na rin ang musikang aming napili, The Gift by Jim Brickman.

Naglakad ako papunta kay lolo at lola na siyang magha-hatid sakin kay Cath. Hindi ko mapigilan hindi mapa-iyak sa sayang nararamdaman. Pakiramdam ko nasa alapaap ako at tanging siya lang ang nakikita ng mga mata ko. Mabuti na lang din ay water proof ang make up na nilagay sakin kanina.

Our Greatest Battle (GXG|COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon