Chapter 31

45 3 0
                                    

CATHERINE

"Ahh basta hindi ka sasama, dito ka lang 'wag na matigas ulo love" bilin ko at hinalikan ang noon.

Matapos ko malaman na dinadala niya ang anak ko, namin. Hindi ko na siya masyadong pinag kikilos at pinag iisip ng kahit ano. Ayoko naman ma-stressed siya kaya hangga't maari ay hindi na namin sinasabi ang ibang detalye para sa gagawing raid namin ngayon dito sa Bulacan.

Napanguso naman ito. "Ihhh love naman eh, gusto ko sumama. Hindi maganda kutob ko sa mangyayari mamaya, pleaseee." nag puppy eyes pa ito.

Wala sa sariling napahawak sa sariling noo. Jusko, kanina pa siya ganyan. At hindi ko na alam kung ano pa gagawin.

"Love, I told you hindi ka nga pwedeng sumama, pleasee lang para sa inyo din ito ni baby"

"Humph! Sabihin mo mambabae ka lang doon, naku mahuli ko lang kayo ng babae mo kakalbuhin ko kayo parehas" nag crossed arms ito. "Isa pa two months pa lang naman akong buntis ah"

"Ayun na nga love, dalawang buwan ka nang buntis. Inaalala ko lang baka masagi ang tiyan mo at madamay ang baby"

"Alam ko naman 'yun love pero gusto ni baby sumama, kahit nasa sasakyan lang kami"

"Fine, sa sasakyan lang kayo, okay?"

Nagpapalakpak naman ito at niyakap ako sa tuwa.

"Promise behave lang kami ni baby doon"

Nginitian ko lang siya at binigyan ng mabilis na halik sa labi. Kinuha ko na ang gamit namin at sumakay ng van.

'Opo nga po, kunti lang naman iinumin ko ih' napakamot ako ng kilay, ang kulit lang.

'Pinapaalal ko lang love, mamaya may nakahalo na pala sa inumin mo mapano ka pa'

'Aye-aye captain, I need to go kami na sunod'

Bago makapasok ng bar kinapkapan muna kami at kinuha ang mga cellphones namin. Pagkatapos non pinapasok na kami. Napa takip ako ng ilong dahil sa amoy. Naghalo ang amoy ng alak at usok ng sigarilyo sa lugar.

Maraming tao at maganda ang beat ng DJ kaya madaming tao na ang aggressive sa dance floor. Meron ding nagma-make out sa gilid at madilim na part ng bar. Patay bukas din ang ilaw, mas lumakas ang music kaya medyo hindi kami magkarinigan.

Dumeretso kami sa isang couch malapit sa hagdanan patungong VIP's room kung saan magaganap ang illegal transaction with Mr.Alvejo ng mga ipinagbabawal na gamot sa Pilipinas.

Nagkalat rin sa paligid ang mga tauhan nito, halatang pinaghandaan niya ang pagdating namin but too bad dahil naka silicone prosthetics make up kami upang hindi nila makilala.

Umorder kami ng isang martini, dalawang bote ng vodka at isang wine na hindi nakakalasing. Mahirap na baka sa labas ako ng kwarto patulugin mamaya kung iinom ako ng mapaparami.

Sumandal ako sa couch at iginala ang mata sa paligid. Medyo humupa na rin ang mga taong nagsasayaw sa dance floor, 'yung iba naman may mga sariling mundo, may mga naghihiyawan malapit sa stage kung saan may sumasayaw na mga sexy'ng babae.

'Hoy! Maria isa pang titig mo tutusukin ko 'yang mga mata mo, hinayupak na 'toh'

Napa-ngiwi naman ako ng magsalita siya at pagbantaan ako sa earpiece na suot namin. Natawa naman ang mga kasama ko dahil nakakonekta ito sa kanila kaya malamang sa alamang narinig din nila.

'Love naman napadaan lang tingin ko don, isa pa mas maganda at sexy ka kesa sa kanila 'noh' saad ko through our mind device. Aba mahirap na marinig pa nila pagiging under ko sa kanya.

Our Greatest Battle (GXG|COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon