Chapter 9

74 3 0
                                    

ASTRALLA

Nagising akong parang may nanunuod sa'kin kaya agad napabunot ako ng baril na nasa ilalim lang ng unan ko atsaka ito itinutok sa kanya. It's only Irene! Wtf?!

"What the hell Catherine?!" Naiiritang sabi ko dito na tulala pa rin. Hindi kaya naengkanto na siya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang pasimpleng lunok niya kaya sinundan ko kung saan ito nakatingin. She's staring at my boobs! Goshh agad na tinakpan ko ito ng silk robe at sinabing "Pervert". Namula naman ito.

"Ano ba kase ginagawa mo dito aber?" Taas kilay na tanong ko.

"Hot" out of the blue na sambit niya na ikinaikot ng mata ko.

"What?" Inis na tanong ko. Mabilis naman ito namula at nag iwas ng tingin.

"I-I m-mean uhmm" tumikhim muna ito. "Why didn't you tell me nagkausap na pala kayo ng kapatid mo kagabe?" Mahinang tanong niya. Narinig niya ba kami?

"Yes, I heard it all. How come nagamit ng kapatid mo ang mga robots though nasayo ang access panel right?" Dagdag niya pa.

"Sa unang tanong mo I promise to her and mom na hindi ko muna sasabihin kay dad para hindi siya madistract sa company and his other problems ayoko din naman dagdagan pa ang problema at alalahanin niya. Sa ikalawa naman I also gave her the other access panel para dalhin niya kay mommy hindi ko naman alam na tinago niya ito" sagot ko sa mga tanong niya.

Tatango-tango naman ito pumunta sa tapat ko at pinaka titigan kung sinabi ko ba sa kanya lahat maya-maya ay nagulat ako ng halikan niya ang pisnge ko bago tatawa tawang lumabas ng aking kwarto at hindi pinansin ang pagbabanta ko. Tss umagang umaga nasira ang araw ko.

Ewan ko sa sarili at nakangiti na pala ako habang hawak ang pisnge kung saan niya ito hinalikan kanina. Nakaramdam din ako ng kuryente sa mga titig niya kanina at kakaibang kiliti sa aking tiyan which is weird. Ipiniling ko ang aking ulo bago naligo at nag ayos na ng sarili at bumaba para mag break fast.

Kaya naman pala nandito itong si Irene kasama nito si ate Primrose na katabi ni kuya Tyrian. Aba't ke aga aga lampungan ng lampungan ang sakit nila sa mata.

Agad na iginala ko ang aking mata upang hanapin si Brielle and there she is talking at laughing with Irene na siyang ikinaikot ng aking mata. Ang landi talaga ng Catherine na 'yon.

Padabog na kumuha ako ng pancakes at nilagyan ng syrup. Kumuha din ako ng orange juice bago pumunta sa tree house. Nadatnan ko naman doon ang lima kong kaibigan na nag aasaran at kulitan. Nang makita nila ako ay agad nila akong binati.

"Ang sarap talaga ng pagkain sa bahay niyo" sambit ni Francis bago dumighay ng malakas. Nagtawanan naman kaming lahat. Hindi manlang nag excuse ah.

"Excuse you madame" aniya ni Sarah habang naglalaro nanaman sa kaniyang cellphone.

"Ano bang ginagawa niyo dito? Ang aga pa para gumala" tanong ko sa kanila.

"Aayain ka sana namin mag mall, alam mo na manuod ng sine at mag shopping tsaka tayo mag bar" si ate karrie na ang sumagot.

"Why not, isa pa ang tagal na din nung huli tayong uminom" sang ayon ko kaya napa yes naman sila.

"Sam paabot nga ng clover at nova" utos ni Francis na katatapos lang kumain. Ibang klase ang bituka niya este namin pala. Tipong kakaing lang kakain nanaman pero madalas lang akong gano'n at hindi naman kami tumataba kaya ayos lang din.

"Ano ba gusto niyo panuorin?" Tanong ni Sarah habang bumibili kami ngayon ng popcorn.

"The Brigde Curse kaya? Atsaka Money Heist: The Phenomenon" suggest ko na kumakain na ng popcorn.

Our Greatest Battle (GXG|COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon