Chapter 39

40 2 0
                                    

CATHERINE

"Maganda nga dito ang baho naman ng lugar, amoy patay" nandiriring komento ni Kyll habang nakatakip ang kamay sa ilong.

"Oh suotin mo hindi ka kase kumuha kanina eh, panay tingin sa mga lalaki" sabay irap sa kanya ni Coax.

"Tse inggit ka lang gurl, mas maganda kase ako sayo" sabay flip pa ng invisible buhok nito.

Natawa naman kami sa kalokohan nila. "Ay weh, ikaw maganda? Saan banda 'teh?"

"Dito oh" sabay tap niya sa sariling baba. Umakting naman na nandidiri 'yung isa at inambahan siya ni Kyll ng sapak.

"Guys tama na 'yan bumalik na kayo sa Coaster magga-gabi na" biglang dating ni kuya.

Pagkapasok sa van naamoy namin ang mga bagong lutong pagkain. Napag desisyonan kase naming mag Samgyupsal sa loob. Nagdala kami ng 3 in 1 na griller at hotpot. May nakasalang rin na pagkain doon.

"Kuya 'yung mangga ko, nasaan?"

Iniabot naman ni kuya ang transparent na container na puno ng mangga at bagoong. "Ito na ho mahal na prinsesa"

Umirap namam sa kanya si kuya at natawa naman ang huli sa isa. Kumuha ako ng chopsticks, balak kong manghingi sa kanya kung papayag.

"Love pahingi ah" sabi ko at mabilis kumuha pero pinalo niya ako ng chopsticks na hawak, "Manigas ka"

Napahimas na lang ako sa namumulang kamay habang sila ay pigil tawa, hmp. Bukod kase sa sakin nahiligan niya rin ang mangga at bagoong. Hindi lilipas ang isang araw na wala ito or else magwawala siya.

"Oh ito ingatan niyo 'yan sasapakin ko kayo kapag nawala 'yan" banta ni love sabay bigay samin ng google glass na gawa niya.

Isa itong gamit na magse-send sayo ng information at mag sasabi kung may kalaban ba sa likod o wala. Pinapaalala din nito kung saan dapat pumunta. Inilagay ko lang 'yung akin sa damit ko dahil busy pa ako sa pag gamit ng binoculars para mag manman dito sa loob.

We're 10 kilometers far away mula sa abandoned mansion ng mga Dangers. Kinuha ko naman ang box scout TK na gawa ni Kyll. Isa naman itong thermal vision monocular device na pocket sized. Ginagawa nitong kasing linaw ng araw sa gabi ang paligid at nakikita din namin ang mga tauhan mula sa nagkakapalang pader.

"Kailangan na natin magmadali kararating lang ni Hari" sabi ni ate.

Bago lumabas hinila muna ni love ang braso ko at hinalikan ako, "Mag-iingat ka" tumango lang ako sa kanya at isinuot ang maskara.

Kinuha ko mula sa bag ang tali na may hook. Inikot ko ito bago ibinato sa taas ng pader. May nakita rin kaming mga bangkay sa paligid kaya pala ang baho at nag patayo sila ng pader.

Nauna ako umakyat at tumalon. Medyo masakit sa paa dahil 18 feet ang taas. Sumunod naman ang iba at nag kanya-kanyang punta na kami sa pwesto namin. Una namin pinuntahan ng mga kasama ko ay ang backyard.

Kinuha ko ang baril ko na may silencer at pumunta sa likod ng isang lalaking umiihi sa pader. Nakayuko ito habang nakapikit halatang lasing kaya sinamantala ko na para patulugin.

Hinila ko siya papuntang kusina at nilagay sa ilalim ng sink. Sinunod ko naman ang kasamahan nito na nakasubsob ang mga mukha sa maliit na lamesa habang may hawak na bote ng alak.

Nakarinig naman ako ng putok ng baril sa 3rd floor kung nasaan sila Graciel. Nagising naman ang dalawa kaya tinurukan ko lang ng pampatulog at inilagay din sa ilalim ng sink.

Napunta ako sa west wing ng mansion may limang pintuan sa gilid. Sumandal ako sa pader ng marinig ang boses ni Hari na may kausap sa telepono. Nakita ko naman si Aria at Graziel na umaakyat ng tahimik kaya sumunod din ako.

Our Greatest Battle (GXG|COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon