Chapter 38

29 3 0
                                    

CATHERINE

"At saan ka naman galing?" sabi ko kay Astra.

Kanina pa namin siya hinahanap sa mansion pero hindi namin alam kung saan nagsusuot ang isang 'to. Nakayuko ito, may manta ang pantaas at madumi ang kamay.

Lumapit ako at hinawakan ang pisngi niya. "Saan ka galing love?"

"Kumuha ng mangga" inangat ko ang baba niya para tumingin siya sa mga mata ko.

"Umakyat ka ng puno?" tumango ito.

Napahawak naman ako sa sentido ko. Paano kung nalaglag siya, edi napahamak sila ni baby or worst makunan pa siya. Ang tigas din talaga ng ulo eh.

"Di'ba sabi ko hintayin mo ako at ako na lang kukuha, hindi ka rin makaintindin ano?" muli iti napayuko.

"Sige na maligo ka muna maghahanda lang ako ng kakainin mo" sabi ko sabay labas ng kwarto.

"Ano nakabalik na ba siya?" tumango ako kay Dad, "Saan daw galing?" dagdag pa niya.

"Umakyat ng puno para kumuha ng mangga" walang ganang sabi ko. Katulad ko napahilot siya sa sentido.

"Mga buntis nga naman ang titigas ng ulo, hindi mo ba ikinuha kanina?" umiling ako. "Sabi ko ako na kukuha pero kumuha ako ng panungkit pagbalik ko wala na siya"

"Oh siya puntahan ko muna mommy mo" sabay tapik sa balikat ko.

Dumeretso ako sa kusina para kumuha ng pagkain namin para sabay makakain. Kanina pa talaga ako gutom pero inantay ko siya para may kasabay siya. Kung ayaw niya kumain pipilitin ko na lang.

Pagkarating sa loob nadatnan ko siyang tulog na. Napabuntong hininga na lang ako at pumunta sa connected door sa mini kitchen namin dito. Kinuha ko ang dryer para patuyuin ang basang buhok, pinaltan ko na rin ng mas maayos na damit at kinumutan.

Pumunta ako sa garahe para linisan ang big bike ko. Habang naglilinis pansin kong may sisilip-silip na lalaki sa labas ng gate kaya binilisan ko matapos at nagbihis ng all black.

Daggers lang ang nadala ko sa pagmamadali para masunda 'yung lalaki. Pagkalabas ko nakita ko siyang nakatingin sa taas sa balkonahe ng kwarto namin kahit wala naman siya makikita.

"Hoy!" sita ko, bigla naman siya tumakbo kaya sinundan ko ito.

"Hoy tigil" papunta kami ngayon sa may playground mabuti na lang ay mainit pa rin kaya walang mga batang naglalaro.

Bigla siya tumigil kaya napatigil din ako. Masama siya tumingin sakin bago bumunot ng baril at siya naman humabol sakin.

Pinagpuputukan niya na rin ako at iwas naman ako ng iwas. Siguradong may side effects ang bala niya kaya kailangan ko mag-ingat at maka-uwi ng mansion.

Papahigpitan ko na lang siguro ang security sa loob ng subdivision. Huli na ng mapansin ko ang bato kaya nadapa ako. Napa aray naman ako ng magasgasan ang tuhod ko.

Pinilit ko tumayo at tumakbo kahit masakit pa ang pwetan at legs ko. Nagsisisi akong hindi nakapag dala ng baril o kasama. Nako naman Catherine makakalimutin ka na.

"Run for your life bitch!!" sigaw nito.

Mas lalo ko naman binilisan sa pagtakbo kahit namamanhid na ang mga binti ko sa pagod. Nagpaputok ulit ito and this time natamaan ako sa likod ng binti kaya muli ako nadapa.

Nauna pa mukha at braso ko kaya nagka-gasgas din sa lakas ng impact. Namimilipit naman ako sa sakit at hinawakan ang sugat ko. Pinilit ko pa rin tumayo at tumakbong iika-ika sa kakahuyan.

Pinindot ko FM transmitter bug para humingi ng back up. Inilabas ko din ang modify women's makeup compact para mag send ng codes kung nasaan ako.

Lumabas din dito kung sino ang humahabol sakin. Si Hari. Kaya naman pala ang bilis makahabol ng isang ito. Kinapa ko naman ang bulsa ko at naghanap ng kahit anong gamit para makalaban sa kanya.

Nagtago ako sa likod ng malapad na puno ng akasya at kinuha ang dagger sa sapatos. Pinunit ko ang tela sa bahagi ng sugat ko. Itinali ko ito ng mahigpit sa taas ng sugat, one inch ang layo at kahit masakit pigil sigaw na tinanggal ko ang bala sa loob.

Taas baba ang dibdib ko sa ginawa kong iyon. Well atleast hindi kakalat sa buong binti ko ang pampamanhid. May nakapa naman akong isang lipstick binuksan ko ito at nakita ang loob. Isa itong lipstick gun. May maliit na baril sa loob na sadyang ginawang ganito.

Mabuti na lang at tactical boots ang suot ko kaya wala ako magagawang ingay. In-activate ko naman ang knife nito para mas madali ako maka-akyat ng puno. Pumunta ako sa pinakang taas na sanga nito.

Isinuot ko naman ang spy shades ko. Nakita ko naman si Hari 5 kilometers ang layo niya sakin at palinga-linga sa paligid. Hinawakan niya ang suot na earbuds bago umalis. Akala ko hahanapin pa niya ako eh.

Hindi muna ako bumaba dahil sa pagod. Napayuko ako na may lumipad na pana sa taas ng ulo ko. May maskarang nakasabit doon na design ni Astra. Isinuot ko naman ito at naging invisible ako.

Pabagsak naupo ako sa couch dito sa sala. Agad naman nila ako nila ako inabutan ng tubig at ininom ko naman agad 'yun. Habang nagpapahinga lumapit naman sila Kyll at Coax para gamutin ang sugat ko. May ipinatak si Kyll na kulay violet at naghilom ang sugat ko kahit papaano bumalik ang lakas ko.

"Salamat" tumango lang sila at umupo na rin.

Dumating sila kuya at ate. May inilagay na usb sa center table si ate at lumabas ang 3D screen doon. Kitang-kita sa cctv ang aligid ni Hari habang naka-mask at naka tingin sa balkonahe namin maya-maya lumabas ako doon at hinabol siya. Hanggang doon lang ang nakuha ng cctv at pinatay na nila ito.

"Hindi ko alam kung anong ginagawa ni Hari dito pero sa tingin ko may balak siyang gawin kay Astra"

"Bakit si Hari ang trumabaho tsaka sino ba siya?" tanong ni Athena.

"Kanang kamay ni Bryst siya ang namumuno sa kidnapping at pagbebenta ng mga kababaihan sa black market" sagot ni Bianca.

"So siya pala ang dapat namin singilin?" sabat ni Aria.

"Natin" pagtatama ni ate Prim, "Kailangan niyo ng tulong namin para singilin ang lalaking 'yan. Malaki ang atraso niya sa pamilya namin"

"Anong atraso ba 'yan?"

"Tsaka ko na lang sasabihin sa ibang araw"

"Teka sasabihin na ba natin ito kay Astra?" tanong ni Wifi.

Umiling si kuya, "Hindi muna sa ngayon ayokong ma-stress sila ng pamangkin ko mas mabuting 'wag muna ngayon"

"Pero mas makakatulong siya satin kapag sinabi natin" suggest ni Juanito.

"Mas gamay niya si Hari hon" sabi pa ni ate.

Napahinga si kuya ng malalim, "Fine, ako na bahala mag sabi sa kanya mamaya" nakahalum-babang sagot niya.

"Sasabihin ang alin?" napa-hawak naman ako sa dibdib ko sa biglang dating ni Astra.

Jusko aatakihin talaga ako sa puso nito. "Kanina ka pa ba diyan sis?" kabadong tanong ni kuya, halata tuloy siya.

"Kababa ko lang, hinahanap ko kasi si Cath" sabi niya at umupo sa tabi ko.

Niyakap ko naman siya ng mahigpit, yakap na ayaw ko siyang pakawalan. Hindi ko alam kung ano tumatakbo sa isip ng lalaking 'yun pero hindi ko hahayaan na masaktan o makuha niya sakin ang mahal ko. Dadaan muna siya sakin bago niya makuha si Astra.

Nag-aalalang hinawakan ni love ang mukha ko, "Ayos ka lang?" tumango ako at hinalikan siya ng smack sa labi.

"I love you, promise mo na hindi mo ako iiwan kahit ano mangyari ah?" ginulo naman nito ang buhok ko at pinag intertwined ang kamay namin.

"Promise namin 'yan ni baby and we love you too love"

Our Greatest Battle (GXG|COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon