Chapter 36

38 3 0
                                    

ASTRALLA

"Kumain muna kayo bago magpatuloy, hindi pwedeng makatulog tayo lalo na ngayon" sabay lapag ni ate Prim ng plato na puno ng Nachos at Sandwiches.

Mabilis kumuha ako ng dalawang tinapay at sabay kinagat.

"Gutom na gutom ah" pang aasar ni kuya, inirapan ko na lang siya.

Bigla naman ako nasamid sa Nachos, panay ubo at hampas ako sa dibdib ko. Mabilis na inabutan nila ako ng tubig at agad na ininom ako.

"Love hinay-hinay lang wala ka naman kaagaw eh" sabi ni Cath habang hinahagod ang likod ko.

I feel relieved nang makahinga ako ng maayos. Eh sa gutom kaming dalawa ni baby. Sinaan ko sila ng tingin at tumigil naman sila sa pagtawa.

Napatingin ako sa monitor. Kinidnap na ang human robots namin nila Cath. Pinlano talaga namin na makidnap sila para malaman namin ang blueprint kung nasaan sila Graciel at Brianna.

Nag antay pa kami ng ilang oras. Natanggal kasi ang nilagay na tracking device sa van kung saan isinakay sila Bri, idagdag pa na sa gulong ito sumabit kaya humina ang signal at nawalan ng power.

Napatayo ako habang nanlalaki ang mga mata. Anong ginagawa ni Asri diyan? Jusko naman, ano kaya ginawa niya pati siya nakuha?

"Love umupo ka nga ulit don't worry ililigtas natin sila" umupo ulit ako sa lap ni Cath.

"Pero paanong napunta siya diyan? I mean magkasama sila lagi 'diba" usisa ko pa.

"Kami na bahala mag imbestiga kung pa—” naputol si Wifi sa sasabihin ng mag ring ang cellphone ko.

Napatingin ako sa caller. "Teka sino ba 'yan?"

"Si Aria siguro dahil kay Asri kaya siya panay tawag satin" napatango sa sinabi ni Graziel.

"Sagutin ko muna" paalam ko bago lumabas sa access room.

'Aria, sorry ngayon ko lang nasagot'

'No, it's okay g-gusto ko lang sana humingi ng tulong'

'Yeah about Asri, right? don't worry inaasikaso na namin para mailigtas siya'

Napahinga naman siya ng maluwag. 'Salamat ng marami Astra, pero bakit nakaka-usap mo ako. I mean isa din kayo ni Cath sa mga kinidnap 'diba?"

'I'll explain to you later, send ko na lang address namin' sabay patay ng tawag.

"Pinapunta ko na siya dito, kailangan niya rin malaman tungkol satin. Nadamay na sila kaya dapat lang malaman niya" sabi ko sabay upo sa lap ni Cath at kinuha ang braso nito para iyakap sa sarili.

"Mauuna na kami mah operation pa kami about black market" sabay labas nila sa kwarto.

Maya-maya pa ay pumasok si Raegan na may hawak na asul na papel. Inilagay niya iyon sa center table na ngayon ay malinis na. Pinindot naman ni Bianca ang isang button at lumabas ang kabuuhan ng mansion kung saan sila dinala.

Isang abandoned mansion sa isla ng Davao sila dinala. Malayo ang lugar at ilang oras bago kami makarating. Nagpa-tawag kami ng meeting sa mga tauhan namin at ginrupo sila.

Panay meeting at pag pplano ang ginawa namin buong araw habang inaantay dumating si Aria. Trenta minutos na lang matatapos na ang klase niya kaya inutusan ko si Paul na siya ang sumundo dito, baka mamaya kidnappin din siya.

"Astra nandito na sila" napa kunot ako ng noo.

"Sinong sila? bakit nagsama siya ng iba, ang usapan namin siya lang ang pupunta ah" sabi ko habang naglalakad kami pababa.

Our Greatest Battle (GXG|COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon