Chapter 24

41 3 0
                                    

CATHERINE

"Hi dad, good morning. Nasaan sila mom?" sabay halik sa pisngi niya.

Kakatapos lang ng honey moon namin sa Bataan kaya agad kami umuwi ng Maynila. Marami pa kami aasikasuhin at tatapusin na requirements sa University'ng papasukan namin.

"Kasama nila si Tyrian, nag sshopping alam mo na mga babae" sabay naman kami natawa.

Hilig talaga nila ang mag shopping kahit si kuya Tyrian nahawa sakanila at natuto rin. Nag paalam ako kay dad na aalis muna para mag training at puntahan na rin ang aking asawa. Habang nasa daan pansin ko na may sumusunod sakin. Palihim ako sumilip sa akinh gilid at nakita ko ang isang babae naka disguise, si Blaire.

Mukhang mapapa-aga ang pagkikita namin ah. Hindi naman lingid sa kaalaman ko na may gusto ito sakin but sorry not sorry may mahal na akong iba at hindi siya 'yon.

Lumiko ako ng daan papunta sa lugar na walang tao. Pumasok ako sa may gubat at umakyat sa puno, mabilis ko lang ginawa 'yun. Nag antay ako ng ilang sandali at nakita ko siyang palinga linga sa paligid at may hinahanap.

"What are you doing here?" tanong ko sa kanya.

Nagpalinga linga muli ito at hinanap kung nasaan ako.

"Mag pakita ka, nasaan ka?!" ikinasa nito ang dalang baril.

"Chill ang init ng ulo, up right here Blaire" sigaw ko.

Tumingin ito pataas sa gawi ko bago napa kunot ang noo, tinaasan ko ito ng tingin at binigyan ng 'what-are-you-doing-here' look. Itinago nito ang dalang baril sa kanyang beywang bago umakyat at tumabi sakin sa kabilanh sanga ng puno.

"I-I j-just want to—to see you" nahihiya at namumulang sagot nito bago yumuko.

Napa ngisi naman ako sa sinabi nito. Ang lakas ng tama ng babaeng ito sakin, tss kawawang nilalang. Hindi niya ako deserve mabuti pang mag simula na siyang mag move on sakin, charoottt!

"I see" tipid kong sagot.

"Balita ko lilipat kayo sa university namin sa susunod na pasukan?"

"Yeah lilipat na kami ng 'girlfriend' ko" gusto ko pa sanang sabihing 'asawa' pero hindi niya pwedeng malaman.

Tipid na tumango ito at nauna nang umalis. Nakangingilid pa ang luha nito pero pinipigilan niya lang. Bumaba na rin ako at nagtungo sa basement ng mansyon nila Astra.

"Ang tagal mo ah, saan ka galeng aber?" Masungit na bungad ng asawa ko habang nakahalukipkip at naka taas ang isang kilay nito. Napangiti ako, kahit nag susungit siya ay hot pa rin.

"Anong ngingiti ngiti mo diyan, siguro nakipag kita ka sa babae mo 'noh" dagdag pa nito.

Lumapit ako sa kanya at hinalikan sa labi bago yakapin mula sa likod nito.

"Hindi naman ako nambabae, infact nagtago pa nga ako mula sa sumusunod sakin" sagot ko.

"So tama pala kutob ko na kasama mo si Blaire, nakita ko siya kanina nag aabang sa labas ng gate niyo parang aso" saad nito. Ang tabas talaga minsan ng dila nito, napa iling na lang ako.

"Mabuti pa mag simula na tayo para maaga tayong maka tapos sa training" saad ko bago hinila siya sa boxing ring.

Parehas kami nag suot ng boxing gloves pagkatapos ay pomosisyon ng maayos at ganoon din siya. Matapos ang mahigit dalawang oras ay natapos na din kami. Sabay kami napatingin sa mga pumalakpak, doon nakita namin sila kuya Tyrian at ate Prim.

"Kanina pa kayo diyan?" tanong ng katabi ko.

Tinanggal ko na ang gloves bago lumabas ng ring. Kumuha ako ng dalawang cookies at sabay na sinubo ang kalahati nito, ng mabilaukan bigla uminom ako ng juice. Woohh kamuntikan na ako doon ah.

"Patay gutom pala asawa mo Astra" pang aasar ni ate. Napa ikot na lang ako ng mata.

"Hindi naman ah, nagutom lang ako sa ginawa namin" sagot ko.

"Bakit, ano ba ginawa niyo ha?" siningkitan ko sila ng mata.

"Akala ko ba pinanuod niyo kami simula kanina" taas kilay na tanong ni love.

"Sabe ko nga aalis na kami, tara na wifey" sabay hila ni kuya Tyrian kay ate.

Napa iling na lang ako takot talaga 'yun sa kapatid lalo na kapag gutom 'yung isa. Kinuha ko ang plato at inabot sa kanya, pinag salin ko na rin ito ng juice bago tinanggal ang pang itaas tutal naka sports bra naman ako.

Bigla naman nasamid si Astra kaya agad ko naman pinalo sa likod ito ng tamang lakas lang at inabot ang juice.

"Ayos ka lang, ano bang nangyari at nasamid ka bigla?" nag aalalang tanong ko.

"Bigla ka ba naman nag hubad habang kumakain ako" sagot nito. Napakamot naman ako sa batok.

"Sorry, pawis na pawis na ako eh ang init rin" eh sa naiinitan ako, anong magagawa ko?

Hindi ito sumagot at nagpatuloy lang sa pagkain. Tumayo ito at nag hubad ng sando kaya aksidenteng naibuga ko ang iniinom ko. Walangya, bumabawi ang lola niyo.

Panay naman ang ubo ko at naiiyak na sa sakit ng lalamunan. Nakahawak ako sa leeg habang umiinom ulit, pinunasan ko naman ang luha sa pisngi ko. Jusko h'wag niya naman sana ulitin ulit. Napatingin ako dito na nag pipigil ng tawa, tinaasan ko ito ng kilay at inirapan.

"Tumawa ka na diyan mamaya umutot ka pa babaho lang ang paligid" inis kong sabi.

Tuluyan na ito humalakhak ng malakas, may pahawak hawak pa ito sa tiyan, naluluha na rin kakatawa at kulang na lang ay humiga sa bench. Inis na tinignan ko ito. Seriously gano'n ba nakakatawa ang itsura ko kanina at ganiyan siya makatawa. Wagas eh akala mo walang bukas.

Ilang sandali pa ay tumigil na rin ito ng mapansing wala ako sa mood. Mabuti naman napansin niya pa. Tumayo ito at pinagpag ang kamay sa ere bago umupo sa lap ko. Hinawakan nito ang magkabila kong pisngi gamit ng dalawa nitong kamay at siniil ako ng halik. Hinawakan ko ito sa bewang at mas pinalalim iyon. Hinihingal na nag hiwalay kami para maghabol ng hininga.

"Sorry, I love you love" saad nito sabay pisl sa ilong ko ang muli ako hinalikan. Sarap! This is life.

——————————————————

Our Greatest Battle (GXG|COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon