Chapter 20 - Fade

1.6K 76 0
                                    

Chapter 20 - Fade

*Kyra's POV*

"Ano ba! Hindi na nga kita mahal kaya wag mo na akong idamay sa mga kalokohan mo! Matagal na tayong tapos kaya lubayan mo na ako!" Sigaw ko kay Ethan. Saturday ngayon at pumunta pa talaga siya sa bahay namin para sabihing mahal niya ako kahit alam ko namang hindi yun totoo.

Papaniwalaan na naman niya ako na mahal niya ako at sasaktan na naman niya ako ulit. Pinangako ko na sa sarili ko na hindi ko na siya mamahalin ulit.

Kaya nga imbes na magmove on na ako, bigla-bigla na lang siyang susulpot at ipagtulak ang sarili niya sa akin.

Baliw ba siya? Naging desperado na ba siya nung wala ako? Hindi naman sa kaniya umiikot ang mundo ko eh! Pero ang tigas ng budhi nitong kumag na 'to.

Nagulat ako ng lumuhod siya sa harapan ko at umiyak. First time ko atang nakitang ganito ka-miserable si Ethan in my whole life.

Kung mahal ko pa sana siya, madali ko sana siyang patawarin. Pero hindi ko na siya mahal eh. Oo, may natitira pang kaunti sa feelings ko para sa kaniya pero hindi yun sapat para masabi ko na mahal ko siya.

"P-please *sobs* Blair...I love you. *sobs* Please give me another chance t-to love you again." Iyak niya sa harapan ko...Sa totoo lang, naaawa na ako sa kalagayan niya pero it doesn't hide the fact na yan din ang ginawa ko nung tanga pa ako sa kaniya. Kaya para fair, hindi ko siya bibigyan nang second chance.

"Tumayo ka na nga diyan, pinapatawad na kita." Nabuhayan naman siya ng loob sa sinabi ko at akmang hahalikan na niya ako ng pinigilan ko siya at sinabing..."Pero hindi ibig sabihin na may second chance ka na at mamahalin na ulit kita. Pinapatawad lang kita sa ginawa mo, pero hindi mo mababago ang nawalang feelings ko para sayo."

As soon as those words came out, bigla na lang gumuho yung mundo niya sa narinig niya mula sa akin. Huh...pasalamat nga siya pinatawad ko pa siya. Anong akala niya sa akin, laruan lang na pwedeng paglaruan kahit kelan mo gusto? Hindi no!

I already learned my lesson. Hindi naman kasi lahat ng tao may karapatang bigyan ng second chance pero may karapatan din silang patawarin. Kaya nga pinatawad ko siya pero hindi ko siya binigyan ng pangalawang pagkakataon dahil aabusin niya lang iyon.

Buti naman at umalis na si Ethan, hindi ko kasi kaya na makita ko siyang umiiyak. Yes, my soft spot pa siyang natitira sa puso ko pero hindi ko na talaga siya mahal.

"Princess, tama ba yang desisyon na napili mo?" Tanong ng napakagwapo kong kuya sa akin. Nagnod na lang ako. Nakapagdesisyon na kasi ako na after graduation, magaaral na ako sa States, 2 years lang naman dahil tinanggap ko yung offer ng school sa akin.

Kahit amin yung KaYu and StanYu may kakaunting share holders pa rin naman si papa at may isa siyang shareholder sa States kaya pumayag ako.

Ang laki din kasi ng opportunity. Pero hindi ibig sabihin na pupunta ako ng States ay dahil na kay Ethan, na gusto kong magmove on.

Absolutely no...hindi naman ako ganun ka-OA para pupunta ng States dahil lang sa isang lalaki. Bakit ko naman gagawin yun kung alam ko naman na makakahanap pa ako na mas mabuti pa kaysa sa kaniya?

Actually lahat kami na Royals atsaka first sections ng 4th year ay binigyan ng offer. Pero depende na lang kung makakapasa kami dun.

Kasama ko nga si Therese eh. Broken na naman ata kay Prince. Hay, kelan ba magkakabati yung dalawang yun?

Si kuya hindi niya tinanggap yung offer dahil gusto ni Dad na dito siya mag-c-college para malaman kung paano magpapatakbo ng business namin.

Diyan din kasi daw ang next CEO pagmaka-graduate na siya sa college. Hay, I'm so proud of him. At syempre pag-graduate ko sa college, ako na ang magiging principal ng KaYu and StanYu, papalitan ko na si Ate Cass dahil malapit na din sila ikasal ng kaniyang fiancè, na kuya ni Krystal.

Clash of The RoyalsDonde viven las historias. Descúbrelo ahora