Chapter 18 : Disaster

1.7K 78 4
                                    

Chapter 18 : Disaster

*Kyra's POV*

Maaga ako nagising dahil excited ako para sa birthday ko. May party rin ako mamaya pero para sa mga close friends ko lang. Kasi yung party nung Saturday ay sa mga Invited at mga relatives namin.

Oh my g! 16 na ako! Tumatanda na ako. Huhuhuhu...pero yung mukha parang 14 lang hahaha.....Age doesn't matter though.

At since Goodvibes ako, ti-next ko lahat ng tao sa contacts ko ng “Good morning and Happy Birthday to Me!” Pagkatapos ay kinuha ko na yung towel ko at naligo na.

Naligo ako ng mas mabuti para fresh ako paglabas. At tama nga ako...ang soft ng skin ko tsaka yung hair ko nasobrahan ata ng shampoo dahil sa bango hahaha.....

Tiningnan ko ang cellphone ko at may ilan rin na nag-greet ng happy birthday sa akin. Panigurado marami rin mag-g-greet sa akin sa FB pero mamaya ko na lang tingnan.

Kinuha ko na yung bag ko at bumaba na sa kusina. Naamoy ko rin naman yung masarap na masarap na breakfast kaya nilagay ko muna yung bag ko sa couch tsaka pumunta na ng dining room.

Pagdating ko dun, naabutan ko si Mommy na hawak-hawak yung cake ko. Binati naman niya ako. “Happy Birthday princess! I baked you a cake! Blow the candle na princess and make a wish.”

Pinikit ko naman yung mata ko at nag-wish pagkatapos ay bi-nlow ko na yung candle.

“So, princess. Ano yung wish mo?” Sulpot ni kuya sa likod ko.

“Secret.” Sabi ko at binelatan siya. Wahaha...ano ka ngayon kuya? Porket nagka-girlfriend na si kuya, may gana na siyang mangasar sa akin na kawawa na ako? Hmp...

Nagtatampo ako kay kuya dahil may girlfriend na siya, mas tutuunan niya ito ng pansin. Paano nalang ang magandang ako? Hehe...

At plano kong ngayon ko na sasagutin si Luhan. Oo, ngayon na. Na-memorize ko na nga yung speech ko eh. 1 week ko din yung pinaghirapan nu!

Kumain na kami at nagpaalam na kina mommy at daddy na aalis na. Nagleave ng trabaho ang parents ko dahil sa akin. Oo, ganun ako nila kamahal. Kinancel nila ang mga appointments nila ngayon at bukas dahil gusto nila kaming makasama ni kuya ngayon. At syempre, tuwang-tuwa naman kami ni kuya.

Aba, minsan lang magleave sila no! Sobrang busy kasi nila sa work kaya ganun. Syempre kailangan naming i-maintain ang pagiging top 1 sa richest business sa Philippines. And so far, so good...kami pa rin ang top 1.

Habang nasa byahe kami, inaya ako ni kuya na magselfie kaya ayun. Selfie daw pero dalawa kami? Ok haha....

Nag-facebook muna ako at ang dami ng nag-greet sa akin. Si Krystal at Luhan ay sabay pa na 12:01 nagpost sa timeline ko kaya nagbangayan sila kung sino ba talaga yung nauna. Halos nag-greet ay mga taga-KaYu and StanYu.

Bigla na lang may nagpop-out sa timeline ko kaya pagtingin ko. Si kuya lang pala yung nag-greet sa akin.

Tristan Kenneth Yu

Hi princess! Happy happy birthday to you! Stay beautiful and always stay being my sister. I love you very much. You're one of the important girl that I adored a side from mom. This is your day, don't let anyone ruin it. Baka maupakan ko sila. Again, happy 16th birthday Kyra Blair Yu! with—Kyra Blair Yu

At nakalagay ang selfie namin kaninang dalawa. Tiningnan ko naman si kuya at nahuli ko siyang nakatingin sa akin kaya niyakap ko siya ng mahigpit.

“I love you my princess.”

Clash of The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon