Chapter 16 : Part 2 - Keziah's POV

1.5K 73 1
                                    

Chapter 16 : Part 2 - Keziah's POV

*Keziah's POV*

*Flashback*

Nagising ako na masakit ang ulo. Ano bang nangyayari sa akin? Puro puti yung nakita ko. Nasa hospital ba ako?

Ugh...I hate hospitals. Wait, ano nga bang nangyari sa akin? Wala na talaga akong maalala. Basta ang alam ko lang is nung...

Wait, nasagasaan ba ako? Wala naman akong nakitang sugat sa akin ngayon ah? Ano ba talagang nangyari?

Oh...gising ka na pala.” Paglingon ko sa nagsalita. Nakita ko si Dustin na nakangiti sa akin na may dala-dalang isang basket ng fruits.

Umupo naman ako. Wala naman akong naramdamang sakit. “A-ano bang nangyari sa akin kagabi? Wala na talaga akong maalala.”

Umupo naman siya sa tabi ko at tiningnan naman akong mabuti. “Iyak ka ng iyak kagabi kaya di mo napansin na dumaan ang sasakyan ko. Pero di naman kita nasagasaan. Nahimatay ka nga lang sa daan kaya dinala na lang kita dito. Akala ko kasi...kung ano na ang nangyari sa 'yo. Depressed ka lang naman daw sabi ng nurse. Konting kain at tulog lang ang gagawin mo, aayos ka na. Pinapagod mo kasi yung sarili mo kaya ka nahimatay na lang.”

Napa-nod naman ako sa mahabang speech niya. Aww...yun lang naman pala. Akala ko pa naman, nasagasaan na ako. Kaya pala wala akong naramdamang galos sa katawan ko.

Yung ulo ko nga lang naka-bandage. Dahil siguro sa pagbagsak ko sa daan. Masakit din naman yung ulo ko at medyo nahihilo ako.

Tama nga yung doctor. Nagpupuyat kasi ako tuwing gabi. Minsan 3:00 am na ako nakakatulog at binabangungot pa ako kaya hindi masyado ako nakakatulog.

Nagpapalipas din ako ng gutom, minsan hindi na ako kumakain ng breakfast. Konting kape o milo lang. Tapos konti lang din kinakain ko paglunch dahil wala akong gana. Hindi na din ako kumakain ng dinner. Kaya siguro ako nangangayat. At lumalaki na rin yung eyebags ko.

Ganyan yung buhay ko for the past weeks. Parang nawalan nga ako ng kaluluwa dahil ang lamya ko eh. Mukha pa akong zombie kapag umaga. Hindi na rin ako jolly at maingay kagaya noon.

Ganun ba ang epekto nung naging sila ni Kurt at Cliche? Ganun na ba ako nasaktan kaya nagawa kong magpuyat at magpalipas ng gutom?

Sobra ko na nga bang mahal si Kurt? Wala na akong alam diyan. Basta ang alam ko lang, nasaktan ako nung naging sila.

Malapit nga akong mamatay nung September 1 eh. Yun tung monthsary nila. At gusto ko na talagang magpakamatay nun. Pero dumating din si Dustin nun at pinigilan ako.

Sometimes I wonder...bakit ko ba ginagawa 'to sa sarili ko when in fact...Hinding-hindi naman yun napapansin ni Kurt.

Ganun na ba ako kamanhid sa sarili ko at hindi ko na naisip ang sitwasyong ito?

Siguro...kailangan ko na ring mag-move on. Kakayanin ko naman yun diba?

Napatingin ako kay Dustin ng nalaman kong nandyan pa pala siya. “D-Dustin...pwede mo ba 'kong tulungan na mag-move on? Mag-move on kay Kurt? Pwede ba?”

Siguro namumula na rin yung mga pisngi ko dahil sa kahihiyan. Tumango naman siya kaya napasmile ako at niyakap ko siya.

Siguro ito na yung time na mag-move on ako. Wala namang mangyayari kung itutulak ko pa ang sarili ko kay Kurt kasi hinding-hindi naman niya mapapansin ang effort ko.

Sana tama ang desisyon ko. At sana kakayanin kong mag-move on. I-ta-try ko na rin sigurong iwasan si Kurt para mas maka-tulong pa sa pag-move on ko.

Hindi naman kasi sa iisang tao lang ang atensyon mo at kailangan mo ng magpakamatay dahil hindi ka niya pinapansin or what.

Hindi sa kaniya umiikot ang mundo natin. Sometimes, we have to think na may pamilya at kaibigan pa tayo na nandyan para sa atin.

So...we have to forget and move on. Wag yung magpupuyat at magpapakipas ng gutom, kagaya ng ginawa ko.


I've made a mistake. At sana....maging successful ang pag-moving on ko kay Kurt. Tutulungan sana ako ng mabuti ni Dustin.

Wala na rin akong pakealam kung sa kaniya ako mapamahal. Mas okay na rin siguro yun kaysa si Kurt lang ang mamahalin ko habang buhay.

Now I know...

*End of Flashback*

I'm happy for my friends dahil narating na nila ang happiness nila. Hindi pa man ito ang ending. At least mararamdaman nila ng kahit sandali lang diba?

Nagsisimula na rin akong mag-move on with the help of Dustin.Speaking of Dustin, nanyaya yun siyang mag-mall but I refused. Nandito pa kasi kami sa bar ni Nathan.

Mukhang hindi pa bumabalik ang KayThan. Ang tagal pa naman nila. Nilalanggam na ako dito oh...

Si Krystal at Kurt, naglalambingan.

Si Kyra and Luhan, ayun nag-s-soundtrip.

Si Therese at Prince, nag-L-LQ. Pero sweet pa rin naman sila. Asaran lang talaga yan nila.

While si Kurt—as usual. Naglalambingan kasama ang cellphone niya.

Umiwas ako ng tingin sa kaniya. Ako na lang ata ang single dito sa tropa namin. Ang KayThan, siguro babalik yun na sila na.

Ang KyThan, malapit na sigurong maging sila.

Ang KryStan. Ayun....sila na.

While ang ChriChe. Wala na akong pakealam sa kanila.

Sana mamatay silang magkatabi ang kabaong.

Hmp...


After ilan pang minutes...narinig na namin ang tawanan ng KayThan kaya napatingin naman kaming lahat sa front dorr kunh saan pumapasok na ang KayThan.


Tinaas nila ang kanilang naka-intertwine na kamay kaya napahinga naman kami ng maluwag.

Buti pa sila.

Ako kaya, kailan kaya ako magkaka-lovelife?

Stay bitter na lang muna siguro ako. E-enjoyin ko pa 'to. Baka mamiss ko 'to kapag magkaka-BF na ako.

*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*

A.N.:

Ang dali kong naka-Update. Medyo short chapter lang naman 'to dahil Keziah's POV lang naman 'to after the incident.

Malapit na rin ang pasukan! Di pa ako excited :3. Di na kasi ako masyado makaka-update! But!! I'm trying to!

Yeah...Vote, Comment and Share!!

Clash of The RoyalsWhere stories live. Discover now