Chapter 23 - In A Relationship (KryStan)

2K 75 2
                                    

Chapter 23 - In A Relationship (KryStan)

*Krystal's POV*

"Hey princess. Ako na." Sabi ni Ken habang tinutulungan akong kargahin yung mga libro ko. Hindi naman gaano karami, gusto lang talaga nitong trashcan na 'to na maging gentleman.

"Wag na prince. Ako na lang. Di naman mabigat eh." Insist ko pero binelatan niya lang ako at hinawakan ang kamay ko habang naglalakad kami sa hallway.

Namumula na nga yung pisngi ko ng naramdaman kong maraming nakatingin sa amin kaya yumuko na lang ako at nagpatuloy ng makipag-HHWW kay Ken.

At kung nagtatanong kayo kung bakit 'prince' and 'princess' tawagan namin, di ko nga din alam eh. Nagsimula sa 'baby' tapos 'babe' hanggang sa dumating sa 'prince/princess' plano pa nga niya na 'queen/king' pero hinampas ko siya nun at nagreklamo na magmumukha kaming royalty niyan.

Naabutan naman namin si Kaye namukhang galit na galit na pumasok sa classroom. Nakasunod naman sa kaniya si Nathan pero hindi siya pinapansin. LQ na naman 'tong dalawang 'to? Walang katapusang LQ ah!

Pumasok na kami ng classroom at umupo na sa mga upuan namin. Naabutan ko naman ang seatmate kong si Kyra na kung makangiti sa akin, wagas.

"Kayo ha...PDA na agad." Saway naman ni Kyra sa amin. Inirapan ko na lang siya at umupo na sa upuan ko.

Nagsusulat ako ngayon ng notes sa ginawa kong news report ng biglang may nagtapon na crumpled paper sa harapan ko. Nilingon ko naman kung sino yun at naabutan si Ken na kumakaway sa akin. Buti na lang di nakita ni Kyra dahil natutulog siya ngayon.

Binuksan ko naman yung crumpled paper at binasa yung nakasulat.

I love you so much, princess.

~T.K.Y.

Namula naman yung pisngi ko sa ginawa niya kaya tinago ko na lang yung papel sa bulsa ko and mouthed, "I love you too." to Ken with matching flying kiss pa. Nagakto naman siyang sinalo niya yun at nilagay sa heart niya kaya napailing na lang ako habang ngumingiti at nagpatuloy na sa pagsusulat ko ng notes.

***

Nandito ako sa library at naghahanap ako ng magandang babasahin dahil na-b-bored na ako. Ng makahanap na ako, kinuha ko yun at binuksan sa first page, baka naman interesting 'to. Ng binuksan ko na, bigla na lang may nahulog na papel galing sa libro at kinuha ko yun. May nakalagay na 'Krystal' sa harapan kaya binuklat ko yun at binasa ang letter sa loob.

I'm in front of you, my princess. :*

Tiningnan ko naman ang harapan at naaninag siya sa kabilang bookshelf na ngiti-ngiti sa akin at may pataas-taas pa ng kilay.

"Anong ginagawa mo diyan, my prince?" Sabi ko habang binabalik yung libro na babasahin ko sana. Nawalan ako ng gana sa pagbabasa eh.

"Di pa ba obvious? Tch -_-. I'm stalking you, of course."

Psh...sungit as ever. Pinisil ko yung pisngi niya kaya napadaing naman siya habang hinahawakan yung pisngi na pinisil ko.

Pumunta ako sa may bakanteng table at sumunod naman siya ng nakasimangot. "I-k-kiss mo talaga yung kawawa kong cheeks mamaya." Reklamo niya ng naka-pout kaya napa-giggle naman ako.

Ang cute cute cute cute talaga nitong prince ko. Pipisilin ko sana ulit yung pisngi niya ng inagaw niya yung kamay ko. Dali-dali naman siyang lumapit sa akin at...

O_O!

Bigla niya akong hinalikan...sa lips! Kahit smack lang yun, alam kong nakakahiya pa din. Buti na lang nasa pinaka-side kami ng library at walang nakakita.

Clash of The RoyalsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon