Chapter 19 : 3 Months Later...

1.8K 82 0
                                    

Chapter 19 : 3 Months Later...

*Kyra's POV*

3 Months na since nung birthday ko which turned out in a disaster. Ki-nancel ko na yung dinner namin pagkagabi at ilang weeks din akong hindi kumakausap sa mga kaibigan ko, especially Luhan. Ni hindi man lang siya makatingin sa akin.

Siguro nakonsensiya dahil sinira nira yung araw na dapat ay masaya ako. At bali-balita daw na sila na daw sila ni Chelsea. Eh di kayo na! Simula nung araw na yun hindi na siya nagparamdam sa akin. It means na tumigil na siya sa panliligaw sa akin.

Syempre masakit pa rin yun hanggang ngayon, ikaw ba naman ligawan pero nalaman mo na lang na hindi pala siya seryoso sayo?

Pinagti-tripan niya lang ba talaga ako simula nung umamin siya na mahal niya ako? Kalokohan lang ba niya lahat ng iyon? O baka naman pinlano niya laht 'to? Simula ng pagamin niya hanggang sa katapusan? Baka pinlano niya 'to para saktan ang kaisa-isang prinsesa ng mga Yu?

Ang sakit isipin na siya, ang taong pinagkakatiwalaan ko. Ang taong minahal ko at mahal ko pa rin even he did that to me. Hindi naman kasi madali maka-move on sa kaniya. Oo, 3 months na ang nakalipas pero hindi pa rin mawawala ang pagmamahal ko sa kaniya. Sa araw-araw ba naming pagkikita, makaka-move on pa ba ako?

Swerte nga siya na nag-a-act pa rin ako ng normal in front of him. Na despite all the things he had done to hurt me, I still manage to smile as if he never did anything that can hurt me.

Ganun na ba kamanhid ang puso ko na hindi na niya sinusunod ang utos ng utak ko? Ganun na ba ako katanga na nagmahal ng taong sinaktan lang ako? Maybe. Maybe not. All I wanted was for him to love me. Pero may mahal na siyang iba.

I cried every night when I remember the things he had done. I remember all the heartbreak and heartaches he gave to me. Sana na lang hindi siya umamin na mahal niya ako para hindi naman ako umasa at masaktan ng ganito. Akala ba niya ganun ako kalakas para saktan niya ako ng ganun-ganun lang?

Sinaktan niya ako...That's a fact. Buti na lang meron si Drake sa tabi ko habang nag-m-move on ako. Wala na akong galit kay Drake.At oo, alam kong mahal niya ako, and I'm learning to love him as well.

Wala na akong pakialam kay Luhan...wait. Bakit pa ba Luhan ag tinatawag ko sa kaniya? Ugh....from now on, Ethan na ang itatawag ko sa kaniya.

Back to the story....nandito ako ngayon sa library para maghanap ng libro para sa research paper namin. At iidlip muna siguro ako. Nagsimula na akong naghanap ng mga libro. At nung naghanap ako ng libro sa isang shelf malapit sa door, naabutan ko namang pumasok si Ethan.

At kasama pa niya si Chelsea. Naka-akbay siya habang yung isang kamay ay magkaholding hands kay Chelsea. Hindi ko na lang sila pinansin at pumunta na sa isang table sa isang side, yung walang katao-tao. Umupo na ako at kinuha ang libro na hinanap ko kanina at nilagay ito sa ulo ko. Iidlip na sana ako ng biglang may nagsalita malapit sa akin.

"I love you babe!"

"I love you too my love."

Yan ang mga salitang sinabi ng dalawang maiingay na malapit sa akin. Nananadya ba sila? Nanahimik na nga ako oh. Tapos ganun pa talaga ang gawin nila sa akin.

Hindi ko na lang sila pinansin at natulog na lang. Tch....mga istorbo sa buhay. Walang magawa.

And when I fell asleep, I honestly want to cry realizing our condition. Oo, hindi ko pa rin tanggap na naka-move on na si Ethan sa akin samantalang ako, halos ibigay ko na ang sarili ko, halos luluhod na ako para lang balikan niya ako. Hindi naman kasi madaling magmove-on lalo na kung palagi ko siyang nakikita. Oo na, desperada na ako, hindi niyo naman ako masisisi. Yan naman talaga ang ginagawa ng mga broken na gusto makipagbalikan sa taong iyon. Pero in my case, hindi naging kami kaya wala siyang dapat balikan.

Clash of The RoyalsKde žijí příběhy. Začni objevovat