Chapter 22 : Talk

1.6K 78 5
                                    

Chapter 22 : Talk

*Keziah's POV*

(Continuation...)

Nandito kami sa may gazebo sa garden namin. Tinatanaw namin yung pool. Mahangin naman dito at di na man masyadong mainit kaya dito yung magandang place para mag-usap kami.

Wala rin naman si mommy and daddy, as always...nagta-trabaho. At tutal, saturday naman ngayon kaya walang pasok. Na-stuck nga lang ako sa pagbabantay sa kapatid kong mas matanda pa yung utak kesa sakin.

"So...bakit mo ako gustong kausapin?" Tanong ko.

Bumuntong hininga muna siya bago yumuko. Nakaupo ako at siya naman nakatayo, nilalanghap ang simoy ng hangin.

"I-ikaw...ba yung...Girl in the m-music room?" Medyo nauutal na sabi niya. Napatigil naman ako sa paglalaro sa buhok ko. Nung napansin niyang, wala akong balak magsalita, nilingon niya ako at nakita ko namang may tumulong luha galing sa mata niya.

Ako din naman, umiiyak na. Tama nga yung sinasabi ko na nahuli niya ako kahapon sa music room eh. Tch...ayan tuloy.

Di ko alam kung ano yung nararamdaman ko nung tinanong niya sa akin yun. Masaya? Dahil sa wakas at nalaman na niya? Malulungkot? Dahil huli na ang lahat? O magagalit? Dahil ngayon lang siya nagising sa katotohanan.

Kung kailan...

Kung kailan, may gusto na ako kay Dustin.

I did my best to hide the lie in my eyes and manage to say, "No."

"D-don't lie. Alam kong i-ikaw...yun." Pagpipilit pa niya. Napatayo ako at bahagyang sinampal siya.

"M-masaya ka na? Na nasaktan mo ako? Na ngayon ka lang nagising sa katotohonan? 4 months...4 months na ang nakalipas. Pero bakit, ngayon mo lang napansin na baka nga ako yung GITMR na hinahanap mo? Ang manhid-manhid mo kasi!" Sigaw ko sa kaniya.

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin, feeling guilty. Pinunasan niya ang luha niya at pilit na maging okay pero mas lalo siyang umiyak nung napansin niya kung gaano na ako ka-miserable.

Malaki na yung eyebags ko, namumula yung mga mata, nangangayat, maputla na din yung balat ko, may bangs na nga ako eh...Ng di sinasadya, ako ang pumutol nito. Tapos, hindi na ako focus sa pag-aaral eh.

Medyo buhaghag na din yung buhok ko, tapos may mga konting galos pa ako.

Ngayon niya lang ba ito napansin? Sa araw-araw na magkasama kami sa isang classroom, ngayon lang niya napansin kung ano ginawa niya sa akin?

Oo, madali ko lang ma-realize na kailangan ko ng magmove on at wag ng magpaka-tanga. Pero natatagalan akong itanggal ang sakit na iniwan niya.

Hindi niya alam ang kung anong kaya kong gawin. Kaya kong saktan ang sarili ko, through emotional and physical pain.

"I-i'm...I'm sorry." Nauutal na sabi niya. This time, ako naman yung umiwas ng tingin. Sa lahat-lahat ng ginawa niya, sorry lang ang masasabi niya? Tch...how pathetic.

Awkward na nga yung atmosphere namin dito eh. Pareho kaming walang imik, puro mga luha lang namin ang mga naririnig namin. At wala pang ni isa sa amin ang may lakas para kumilos.

Patuloy lang ako sa pag-iyak ng mahina pero siya mukhang malapit na siyang tumigil kakaiyak. From my peripheral vision, pinahid niya ang mga luha na nakakalat sa mukha niya at dahan-dahan niya akong tinitigan.

Pero dedma ko lang pa rin siya. Pilit niyang inayos yunh mukha niya, na para bang hindi siya umiyak at dahan-dahan siyang lumapit sa akin.

Unti-unti niyang pinulupot ang mga kamay niya sa akin at niyakap ako, he buried his face in my neck smelling my scent.

Clash of The RoyalsWhere stories live. Discover now