Chapter 24 - First Fight? (KayThan)

2.6K 80 4
                                    

Chapter 24 - First Fight? (KayThan)

*Kaye's POV*

"Date tayo mamaya Bee! Susunduin kita sa bahay niyo pag-7:00 pm! I love you!" Sigaw niya bago umalis sa classroom. Inutusan yata siya ng isang teacher. Lunch na naman ngayon kaya siguro ganun.

Kinuha ko na ang gamit ko at sumabay na kina Kyra na naghihintay sa labas ng classroom.

"Oh, Kyra. Ba't ka nakabusangot diyan?" Tanong ni Krystal pagkalapag niya ng tray ng pagkain niya sa table. Tinitigan naman naming tatlo si Kyra at nakitang nakabusangot nga siya pero halatang hindi niya narinig yung sinabi ni Krystal kaya tinapunan ko siya ng apple at nasapol sa ulo kaya tiningnan niya ako ng masama.

Buti na lang di malakas yung pagtapon ko, naku...baka ma-expel ako dito at hindi na makapag-graduate. Nag-peace sign na lang ako sa kaniya at buti naman bumalik na siya sa wisyo.

"Tulala ka kasi kaya ka niya tinapunan ng apple." Si Kez na ang sumagot na medyo pinipigilan pa ang tawa.Napa-buntong hininga naman siya at tinuro yung table na nasa dulo. Naabutan naman namin si Ethan at Chelsea sa iisang table habang nagtatawanan. Sinusubuan pa ni Ethan si Chelsea kaya di maiwasang sumigaw ni Kez.

"Hoy! Walang forever! Tigilan niyo yung pag-P-PDA niyo!" Yan ang sigaw niya kaya halos lahat na ng tao sa canteen ay napalingon sa kaniya. Tumayo din kasi siya at tinuro silang dalawa tapos ang lakas pa ng boses niya, nakalimutan kong nakalunok 'tong isang 'to ng megaphone.

"Bitter ka lang kasi wala kang lovelife!" Sigaw pa pabalik ni Chelsea kaya akmang lalapitan na ni Kez si Chelsea ng pinigilan namin siya. Syempre baka kung ano ng magagawa niya eh.

***

Papunta ako ngayon sa library, lunch pa rin naman at may free time kami ng 1 hour kaya mahaba yung break namin. Maghahanap ako ng libro para sa upcoming thesis namin. Hay, graduating students na kasi kami.

At di ko maimagine na 3 months na lang bago kami mag-graduate. Hay, ang bilis ng oras.

Naghahanap ako ngayon sa mga bookshelves ng may narinig akong nag-uusap.

"Makipag-break ka na nga kay Kaye!" Ng marinig ko ang pangalan ko, dali-dali ko yun nilapitan pero nakatago pa rin ako. Nakita ko si Christine at Nathan na nasa pinakadulo ng library kung saan wala masyadong tao na dumadaan.

Nakatalikod sa kin si Nathan pero nalaman ko kaagad yun dahil sa buhok pa lang niya. Nakaharap sa kin si Christine pero di pa niya ako napapansin dahil nakatuon siya kay Nathan.

"Wag mo na nga akong habulin pa. May girlfriend na ako." Masinsinang sabi ni Nathan saby lagay ng dalawa niyang kamay sa bulsa niya at akmang papalayo na kay Christine pero hinawakan siya nito sa braso.

And before I knew it, their lips pressed each other. Wala man lang akong time magreact hanggang sa nalaman kong may tumutulo na palang luha galing sa mga mata ko. Ni hindi man lang niya tinulak si Christine. Mas maintindihan ko pa kung nagpupumiglas eh. Pero hindi.

Mas lalo kong hinigpitan ang dala kong gamit pero bigla na lang nahulog ang isa kong libro making a loud thud kaya napabalikwas naman silang dalawa. Pareho nila akong tiningnan at nanlaki din yung mata nilang dalawa. Dali-dali kong kinuha yung libro ko na nahulog at umalis na sa library.

"Kaye!" Alam kong nakasunod lang siya sa 'kin kaya lakad-takbo ang ginagaw ko. Halos madapa na ako at hingal na hingal na nakarating sa R.A.. Pumasok ako sa classroom at lahat naman sila natigilan sa mga ginagawa nila at tinitigan ako. Kinuha ko na ang mga gamit ko at akmang aalis na ako ng pinigilan ako ni Nathan nahinaharang ang pintuan.

Malayo siya sa kin pero nandun pa ri siya nakaharang sa pintuan habang ang mga kaklase namin, palipat-lipat lang na nakatingin sa aming dalawa.

Pero hindi niya napansin na may kabilang pintuan pa dito malapit sa tinatayuan ko.

Dali-dali kong binuksan ang pintuan papuntang music room at bigla itong ni-lock. Buti naman bukas ang ilaw at sirado ang pintuan sa kabila kaya panay katok si Nathan sa labas.

Lumapit ako sa harapan ng violin, dahil ito lang ang instrument na kaya kong iplay. Nilapag ko muna ang mga gamit ko sa isang upuan at kinuha ang violin.

Nagsimula na akong magpatugtog ng kanta. Pini-play ko ang violin kapag may gusto akong emotions na ilabas. Either happy, sad, or excitement pa yan.

Napatigil ako sa pag-p-play ng biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Nathan na hingal na hingal na pumasok dito sa music room. Kukuhanin ko na sana mga gamit ko ng pinigilan niya ako at bi-nack hug.

Bigla na lang pumatak yung luha ko sa ginawa niya. "I-i'm sorry." Nang sinabi niya yun, bigla na lang ako napahinga ng maluwag.

Kahit anong galit ko sa kaniya, isang simpleng gesture lang nito ay mawawala kaagad yung galit ko. Hay, pag-ibig nga naman.

Napahinga ako ng maluwag bago humarap sa kaniya. Tinitigan ko siya at nakipagtitigan din naman siya sa akin.

Napalunok muna ako bago ko siya tuluyang niyakap. Ni-wrap niya din ang mga kamay niya sa waist ko at hinigpit ang pagyakap sa kin.

"I forgive you." Narinig ko siyang napasinghap kaya napatawa na lang ako sa kaniya.

Tinitigan ko siya habang naka-wrap pa rin yung kamay niya sa waist ko at nakayakap pa rin yung kamay ko sa may leeg niya.

"I love you." Bulalas ko kaya namula naman itong kaharap ko. Sus, itong Nathangkad na 'to, marunong kiligin? Himala diba

"I love you too." Sabi niya bago dinampi ang labi niya sa kin.

***

"Lady Kaye, nandiyan na po sa baba si Sir Nathan." Bungad ni yaya pagkabukas ko ng pintuan kaya napanod na lang ako pinasalamatan siya. Tiningnan ko muna ang sarili ko for the last time sa salamin at kinuha na ang bag ko.

Bumaba na ako sa may living room at naabutan ko si Nathan na naka-upo sa may couch at nakatalikod sa akin.

Dahan-dahan ko siyang nilapitan ng hindi umiimik at tinakpan ang mata niya. Nakita ko naman siyang napa-smirk at tinitigan ako mula sa upuan. Nakasandal ang ulo niya sa may couch at magkalevel ang mukha namin.

Bago ako makareact, bigla na lang niyang hinila ang batok ko at hinalikan ako. Nakalimutan kong kissing monster pala 'tong boyfriend ko.

Nakatakip pa rin yung mata niya gamit yung mga kamay ko habang naghahalikan kami. Binitawan ko na ang pagkatakip ng tumigil siya. Napasmile na lang ako and hinampas siya playfully.

Napatawa naman siya at umayos na ng upo. Tinabihan ko muna siya at nakipag-titigan siya sa kin.

Napailing-iling na lang siya bago unang tumayo at nilahad ang kamay niya. Kinuha ko naman yun at nakipag-holding hands sa kaniya papunta sa sasakyan niyang nakapark sa labas ng gate.

***

Ang bilis ng oras, nakarating na kaming dalawa sa bahay at nagpaalam na sa isa't-isa. Simple lang naman yung date namin, nagdinner lang kami sa isang restaurant at nag-star gazing sa may park.

May 10:00 pm curfew din kasi ako kaya di ako pwede magtagal sa labas. Hinalikan na ni Nathan yung noo ko bago ako pumasok sa bahay at pinaharurut na niya ang sasakyan niya.

Napasandal ako sa door at napangiti na lang ng wala sa oras. Umakyat na ako sa kwarto ko at nagbihis na.

Ng matapos ako, humiga na ako sa kama ko at natulog na ng mahimbing. Parang kanina lang nag-away kami dahil nagselos ako pero ngayon magkaayos na kami. San kayanin pa namin ang iba pang pagsubok and hope that we can still stay together.

*********

A.N.: Ito lang po nakayanan ko. Kanina ko lang kasi nasimulan itong chapter na 'to at halata mong minadali. Kasi ni hindi ko nasali yung date ng KayThan hahahaa....

And except sa Anniversary ng COTR, Happy Birthday pala sa asawa ko! Baby Luhan, I Love You! Hahahaha....okay sakyan niyo trip ko dahil single ako. Pagbigyan wahahaha...

Don't forget to VOTE, COMMENT and SHARE!

Update 2 out of 2.

Clash of The RoyalsWhere stories live. Discover now