Chapter 15 - September 21

1.3K 81 1
                                    

Chapter 15 - Kyra's 16th Bday

*Kyra's POV*

Buong gabi ako umiiyak. Simula nung Saturday at hanggang ngayon. Birthday ko na pala bukas. Hindi ko namalayan.

*knock* *knock*

“Lady Kyra, pinapatawag na po kayo ni Sir Ken sa baba para kumain.” Yaya.

“Ah sige po yaya. Pakisabi na lang kay kuya na busog pa 'ko.” Ako.

“Ok po Lady Kyra.” At narinig ko na papaalis yung footsteps ni yaya.

Marami na akong natanggap na text galing sa mga kakilala ko. Pero ni isa wala pa akong natanggap galing kina Kaye.

Hay, magkaaway pa rin sila hanggang ngayon. Ni wala man lang akong matulong sa kanila.

All I do is stop them and cry all night. Ni hindi ko man lang matulungan ang mga kaibigan ko.

Ito na yata ang pinaka-worst na away namin. Simula nung 7 years na naging bestfriends kami ay hindi pa dumating sa puntong nagsasampalan at nagsasabunutan na ang dalawa sa amin.

Pagtatampuhan lang yung nararanasan namin noon kaya madali lang ayusin. Pero ngayon...iba na ang klase na away. Hindi na nila kami sinusunod. Hindi na rin sila nagpansinan. Dahil lang kay kuya.

*knock* *knock*

“Princess?”

Speaking of. “What do you want kuya?” Sabi ko.

“Hindi ka pa ba kakain? Tanghali na ah...nagskip ka na nga ng breakfast eh.” Sabi niya pero hindi na ako sumagot.

Ayoko pang gumising. Wala akong ganang kumain. All I know is busog pa ako.

Kagabi nga, cupcake lang yung kinain ko. Tapos nagskip ako ng breakfast atsaka ngayong lunch.

“Busog pa 'ko kuya.” Sabi ko kay kuya tsaka tumalukbong sa higaan habang

tinatago ang mukha sa unan.

Narinig kong napamura si kuya but left anyway.

“Hay...” Sabi ko na lang.

Iidlip na sana ako ng nagring yung phone ko signalling na may nagtext kaya kinuha ko yun at tiningnan.

***
From: KAYE ANNEtukin

Hey...happy 4th Anniversary.

***

Wait...ano ngang date ngayon???

Tumakbo ako sa may wall kung san may nakalagay na calendar at pagtingin ko may naka-circle gamit ang red marker na isang date.

Sh*t....September 21 pala ngayon!!! Patay...

Bigla akong tumakbo sa walk in closet ko tsaka kumuho ng converse at jacket at kinuha na ang bag ko.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa garage at nakita ko si kuya na sumusunod sa amin.

“Princess! San ka ba pupunta?” Galit na tanong niya pero nandito ako tinatawagan sina Krystal, baka nakakalimutan nila yung araw ngayon.

Pumarada naman ang sasakyan namin sa harapan ko kaya dali-dali akong sumakay pero pinigilan ako ni kuya at hinawakan ako sa wrist ko.

“Ano ba kuya...bitawan mo na ko. Emergency to...babalik ako pramis..” Ako tapos sinarado ko na ang door pero inopen ang window.

“Ano ba kasi yang klaseng emergency?” Tanong niya na medyo hinahabol yung sasakyan dahil papunta na kami sa gate.

“Its Kaye's 4th Anniversary with her dead ex-boyfriend!!!” Sigaw ko bago sinarado ang pintuan at nakita na napatigil si Kuya.

***

Nagreply na ang mga kaibigan ko at sinabi nila na nasa bar daw siya ni Nathan.

Napahinga naman ako ng maluwag, akala ko mahgpapakamatay na naman siya.

Hindi ko pa pal sinasabi sa inyo yung reason...

Si Kaye kasi may mahal siyang isang tao...his name is Jeremy Aragoncillo. Hindi naging sila...pero. Aamin na sana siya na mahal niya si Jeremy pero nalaman na lang niya na nasagasaan si Jeremy. Kaya ayun...

Dumating na ako sa bar at dali-daling pumasok.

Pumunta na ako sa private room kung saan meron sila at nakita ko na sila dun na pinapatahan si Kaye.

“Ba't di ko pa rin siya malimutan? Naka-move on na ako pero...” Pansin ko lang na wala si Krystal.

Mukhang away pa rin sila hanggang ngayon ah.

Si Kez, si Therese (A.N.: Naalala niyo pa ba si Therese? Yung krung krung na emcee?), si Luhan, si Nathan at si Prince.

Hay...buo sana ang barkada eh pero iniwan ko si kuya at hindi pumunta si Krystal.

“Buti na lang at nandyan kayo on time. Baka kung ano na namang kalokohan ang gagawin niyang si Kaye.” Bati ko sa kanila. Lahat naman sila tumingin sa akin pero binalik rin kaagad ang tingin nila kay Kaye.

“Mas worse nga siguro ngayon eh. Di na niya kami kinakausap. Tulala lang siya kanina pa.” Therese.

“Ako nga yung unang dumating eh. Nakita ko na lang siya na binabasag ang mga bote. Buti na lang hindi yun gaano karami. Nasugatan nga siya kanina, pero okay naman siya.” Nathan.

Umupo ako malapit sa kanila at hinawakan ang kamay ni Kaye. “Kaye...sana naman magkabati na kayo ni Krystal. Hindi din naman niya sinasadya na mahal din niya si kuya—” Binigyan ako ni Kaye ng isang death glare bago siya nagsalita.

“Hindi sinasadya? Talaga lang ah!!! Minsan na nga lang ako magmahal pero palagi na lang ako yung nasasaktan! Di niyo ba alam kung gaano kasakit yun ha? Sh*t.” Kinuha na niya yung pouch niya at akmang aalis na siya ng bar ng nagsalita si Nathan.

“Bakit Kaye? Sa tingin mo walang nagmahal sa yo? Na ikaw lang yung palaging nagmamahal at nasaktan? Ako Kaye...ever in your life, tinanong mo ba ako kung mahal kita? Kasi Kaye....mahal na mahal kita eh!” Lumingon si Kaye sa kaniya at akmang nagugulahan pero pinagpatuloy lang ni Nathan yung sinasabi niya. “Oh bakit? Naguguluhan ka no? Hindi mo kasi alam na mahal kita dahil ang manhid mo! Ang manhid-manhid mo Kaye! Palagi ka na lang Ken ng Ken. You tell me Kaye...paano mo naman ako mapansin kung kay Ken lang naman yung puso mo?”

Lahat naman kami nagtaka. Hindi namin alam na mahal pala ni Nathan si Kaye.

Akmang magpapagitna na sana si Luhan ng nagsalita naman si Kaye.


“Bakit, sa tingin mo hindi kita mahal?” Lalo kaming napa-gasp.

Grabe ang nangyayari ngayong araw. Hay....tuluyan ng nag-walkout si Kaye at sinundan naman siya ni Nathan.

After ilang minutes, biglang dumating si Krystal kasama si Kuya na magkahawak pa ng kamay.


Lahat naman kami nagtaka kung bakit sila magkasama kaya tinanong naman agad nun ni Luhan.


“Actually, kami na.” Saad ni Krystal.

0_0

*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*^*

A.N.: Update ulit! Malapit na kasi ang exam hahah....


Salamat sa mga nagsupporta! Aabutin niyo hanggang 3K ha? Hahaha....


PT na ulit ang UD siguro next week pa. Keep supporting me haha...


Vote, Comment and Share!

Clash of The RoyalsWhere stories live. Discover now