Chapter Three : Part 2 - Faculty Room/ Kiss

2.9K 135 4
                                    

Chapter Three : Part 2 - Faculty Room/ Kiss

*^*^*^*^*Kaye's POV*^*^*^*^*

Uwian na namin ngayon, friday, June 13, 2014. Inutusan ako ng aming teacher na ilagay ang mga files sa faculty room. Sabi niya wala ng tao dun kasi friday na at ang mga teachers nagsi-uwian na sa kanilang mga bahay. Pagkalabas ko, ako na lang daw ang papatay sa lights.

Nung nakita ko ang door, may nakita akong bote na nakaipit sa pintuan. Tinapon ko yun sa basurahan sa loob ng faculty at nilagay na ang lahat ng mga files sa desk ni Ms. Montefiorre. Aalis na sana ako ng may narinig akong may parang bumagsak. Kinuha ko naman ang sapatos ko at pumunta sa part dun sa may mga records ng mga scores, tests, quizzes and many more. Alam ko no? Simple lang naman. Teacher's Pet ako eh..

Nung napansin kong papel lang yun sinuot ko ang sapatos ko ulit at akmang kukunin ko na sana ng may pumigil sa akin.

"Wag." He said in a low monotone voice.

(A.N.: Nosebleed ako dun ah..)

Kinuha naman niya yun. Hindi ko alam kung sino ito kasi patay ang light dito sa part na to kaya kamay at mata lang ang nakita ko. Ang mukha.....not much.

"Hoy...sino ka?" Tanong ko kasi malay mo...student siya at kukuha siya ng answer sheets para makapag-cheat. That's not fair..

"Tss." Yun lang ang tanging sabi niya. Kinuha niya naman ang lahat ng papel at pumunta na siya patungo sa pintuan. Bumalik na man siya and gave me a questioning look saying "What-did-you-do?" Bago ko pa masagot ang tanong niya. Tinuro ko siya kaagad at sinabing.

"Nathan!!! Hoy...wag kang kumuha ng answer sheets....unfair yun." Sabi ko.

"Psh...wala kang pake. BAKIT. MO. KINUHA. ANG. BOTE. DITO. SA. PINTO.?"He said through gritted teeth.

Bakit parang galit na galit siya. Eh...bote lang naman yun eh.

"Pake mo?" Tapos inirapan ko siya.

"Alam mo bang sira itong pinto at hindi mo mabubuksan kung isasarado mo? Pwera na lang kung nasa labas ka. Mabubuksan mo yun. Kaya ko nga nilagay ang bote para....kung mahanginan man siya hindi siya sisirado ng buo." Tapos nilagay niya ang mga papel na hawak niya at kumuha ng upuan tapos pumatong siya at tinangkang magpakamatay...

De jwk..

Kumuha siya ng upuan, pumatong siya tapos tina-try niyang buksan yung maliit na bintana pero mukhang hindi niya kaya yun. Kaya kumuha na lang siyang ng pencil na galing sa isang desk at binasag niya ang bintana. Pero natagalan siya syempre nun.

Habang nagbabasag siya nagtanong naman ako.

"Bakit ka pala kumuha ng mga answer sheets?"

"Kasi gusto kong maging masaya si mama na maging honor student ako ngayong graduation."

"Pero bakit kailangan mo magnakaw? Pwede ka namang mag-study eh."

"Eh...ang hirap mag-study." Maktol niya na parang batang sinasabing nahihirapan nag-study kasi tinatamad.

"Pwede ka namang kumuha ng tutor."

"Ayaw ko. Malilintik lang yun sa akin.Gusto ko kasing maging proud ang mama ko. Para mahimasmasan din siya nung iniwan kami ni papa."

Naawa naman ako. May itatanong sana ako..

"Bakit ka pala cassanova? Every bad influence has a reason."

"Ahhmm...bakit ko naman yun sasabihin sa iyo?" Tanong niya.

Clash of The RoyalsWhere stories live. Discover now