V

13.5K 432 40
                                    


STORME SWEVEN

Kinakabahan ako at pabalikbalik nang lakad sa hallway. Nasa tapat kami nang room kung saan may audition na nagaganap at kami na ang susunod.

"Ano ba Storme! Pumirmi ka nga, nahihilo na ako sayo." Sabi ni Eli at hinila ako paupo sa tabi nya.

"Oo nga, bagyo kalma. Huminga ka nga." Sabi naman ni Eiks at binigyan ako nang tubig.

"Pucha! Kinakabahan kase ako talaga." Sabi ko sakanila na syang ikina tawa nila.

"Mga gagu. Tawa pa." Asar na sabi ko sakanila at sinamaan sila nang tingin. Ang supportive nilang mga kaibigan talaga. sobra. Note the sarcasm.

"Wala ka naman dapat ika-kaba. You're great!" Sabi ni Eiks at tinapik ang braso ko.

"Bukod sa pagsusungit, you're the best Storme." Sabi naman ni Cold. Hindi ko alam kung pangasar yun o ano e.

"Next." Sabi nang babaeng lumabas mula sa room. Napatayo naman kami. Oh My God. Help me.

"Good luck guys!" Cheer samin ni Eli.

Huminga muna ako nang malalim bago pumasok sa loob.

Shet. Eto na. Nanginginig ang mga kamay ko habang inaayos ang acoustic guitar na hawak ko. Eiks holding a electric guitar, bass for Cold and drums for Vernon.

Kabado akong napatingin sa mga judge. Shete, nanlalamig lalo yung kamay ko sa itsura nila e.

Kailangan kase mag audition muna bago sumabak sa battle of the bands. Dahil masyadong madaming participants. Bale pipili lang sila nang mga maglalaban para sa mismong event.

Bago kami mag umpisang kumanta ay nagpakilala muna kami.

"Hi, Good afternoon po." bati ko sakanila.

"So you're called Playmates?" tanong nang isang judge.

"Yes po."

"Why?"

Kinakabahan akong napatingin kina Eiks., humihingi nang tulong. Tumango lang naman sakin si Eiks para sabihing ako ang magsalita. Wala talagang kwenta tong mga to e.

"uhmm.. Because we're playing. And by playing it means you have to enjoy. We want the audience to enjoy and play with us. Chill lang, Masaya. That's why we're called Playmates." Kinakabahang paliwanag ko.

Naaalala ko pa kung paanong nabuo ang pangalan namin na isang araw lang pinagisipan. Puro kagaguhan lang naman ang alam nang mga kasama ko. Buti at nakaisip pa ako nang magandang pangalan.

"How about Cold? Para naman pang gwapong pangalan." Syempre sino pa bang magsasabi nyan diba.

"Taenamo Cold. Pwe! Wag ngang pang jejemon, please lang." Sabi ni Vernon

"Hows of us?" Sabi ni Eikko

"Superhuman?" Sabi ni Vernon

"Gagu kanta yun!" Sabi ko sakanya.

"Manhunt?"

"Gwapong ako."

"Panget si Cold."

"Ang gagu'ng si Vernon."

"Strawberry! I love strawberries!" Hyper na sabi naman ni Eli.

Napailing nalang ako sa mga pumapasok sa utak nila. Back off na kami, pangalan palang talo na.

"Nice name." Sabi nang isang judge kaya napangiti na din ako. Medyo nabawasan ang kaba ko.

What's this Between Us?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon